Napabuntong hininga ako habang unti-unti ko ng natatanaw ang mansion ng aking ama. Binagalan ko ang takbo ng aking Dodge truck hanggang sa tinigil ko ito sa harapan ng malaking gate. Bumusina ako ng ilang ulit, bumukas ang pinto at sumilip si Manang Nemi mula sa maliit na pinto ng gate. Binuksan ko naman ang aking bintana, kumaway ako sa kanya at ngumiti. Bilog na bilog ang kanyang mukha nang makita ako ng aking tagapag alaga noong bata pa kami ng aking mga kapatid. Bigla siyang sumigaw sa tuwa at patakbo na lumabas. Tumawa naman ako at bumaba din ako sa aking sasakyan. Sinalubong ko siya at niyakap ng mahigpit. “Teka, teka, sino ka anak?” Tanong niya at tinitigan niya akong mabuti. Tumawa naman ako habang hawak niya ang aking mukha. “Manang naman, mas lalo lang akong gumandang lalake,

