Malakas at bagsak na isinara ni Christian ang pinto ng kanyang kwarto pagkarating niya dito sa kanyang villa. Napahawak siya sa kanyang ulo at sinuntok niya ang mesa na naroon ng paulit-ulit kahit masakit pa ang kanyang kamay. Sobrang inis, sobrang galit ang nararamdaman niya ngayon pagkakita na tuloy pa rin ang medical mission na isinagawa ng Hacienda Leventis. Kitang-kita niya rin kung gaano kasaya ang babaeng matagal na niyang sinusuyo kasama ang magkapatid na Leventis na ‘yon! Bwisit! Bwisit! Ang akala ko masosolo ko na si Carmella dahil ang alam ko, na hindi niya kasama si Ace pabalik rito pero may asungot pala! Hindi ko nga alam kung bakit bumalik rito ang mga anak niya! Sinabi sa akin ni Katherine na hindi na sila babalik dito dahil sa mga nangyari noon sa kanila! Kumuha ako ng is

