Pagkarating ko sa kusina ng umagang ‘yon para mag-breakfast, nadatnan ko ang mga maids na pinag-uusapan ang magkapatid na Leventis. Hindi na ako nagulat na pinangungunahan ito ni Rosamie. Ang reyna ng chismis! Ang babaeng malakas ang radar. Hay naku! Ang harot! Isusumbong ko na siya sa asawa niya, eh. Bilib na talaga ako sa kanya. Tumigil lang sila ng makita ako at agad na nag-disperse kung saan. Tinaasan ko ng kilay ang aking kaibigan at ngumiti lang ito. "Kinikilig ka na naman dyan," aabi ko sa kanya ng inabutan niya ko ng kape. Lumakad kami papunta sa dining room kung saan nakahain ang mga pagkain at umupo ako sa isa sa mga upuan. "Paano naman kasi, may isa na naman tayong hot na Leventis na kasama. Teka, titira na ba siya rito o pansamantala lang?" Tinaasan ko siya ng kilay at ngum

