bc

She's Kidding, I'm Not ( Filipino )

book_age12+
21.7K
FOLLOW
212.3K
READ
friends to lovers
arrogant
goodgirl
CEO
student
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

AUTHOR NOTES: Available na po ang SHE'S KIDDING, I'M NOT sa Shopee at Lazada. Check out niyo na po. Super mura lang 185.00 po. Siguradong mas magugustuhan ninyo ang book version dahil sa mga ADDED SCENE.

THANK YOU.

___________________________________________

Wala sa hinagap ni Shea na darating sa punto na magpapanggap siyang "girlfriend" ni Eldridge Hedalgo, ang lalaking halos kabaliwan sa kanilang eskuwelahan. Wala iyon sa plano niya. Kung hindi dahil sa tuso niyang kaklase ay tiyak na wala siya sa ganoong sitwasyon.

Dumagdag pa si Eldridge na pinalala ang sitwasyong madali sana niyang malalabasan. Hindi sana siya magpapaapekto sa karisma na tinataglay ng binata, pero ang loko, sobrang sweet. Pati mga tao sa paligid nila ay paniwalang-paniwala sa peke nilang relasyon.

At maging siya ay piping hiniling na sana ay totoo na lang din ang lahat.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
AUTHOR NOTES: Available na po ang SHE'S KIDDING, I'M NOT sa Shopee. Check out niyo na po. Super mura lang 185.00 po. Siguradong mas magugustuhan ninyo ang book version dahil sa mga ADDED SCENE.  THANK YOU. ___________________________________________ IMPIT na tumili si Shea nang matanawan ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Kahit na may kalayuan ang kinaroroonan niya roon ay malinaw pa rin niyang nakilala ang lalaking iyon. "Napapaano ka na riyan?" anang kaibigan niyang si Margaux habang inaayos ang buhok nitong nagulo. Nasa ika-third floor sila ng kanilang school building nang mga sandaling iyon. Habang nakatingin sa campus ground. "Para kang sinisilihan sa puwit," dagdag pa nito. "Nakita ko lang si Marc Robin," halos anas niyang sabi habang all eyes pa rin ang mga mata sa nakatalikod na si Marc Robin habang kausap ang mga barkada nito sa may ilalim ng punong acasia. Nakaupo ang mga ito sa bench na siyang laging tambayan ng mga ito sa school. Mga fourth year student sila. Medyo matagal na rin niyang lihim na crush ang isa sa HNC o Hearttrob Ng Campus sa kanilang school. Makita lang niya ang binata ay kontento na siya. Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan niya. Napataas pa ang isa nitong kilay. "Ang mata mo, Ateng." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Margaux. Nakikipagtawanan pa si Marc Robin sa tatlo pa nitong kaibigan na sina Janus, Chandler at Eldridge. Magkakaklase rin ang mga ito at pawang galing sa isang buena familia. Kaya naman sikat sa school nila bukod sa kaguwapuhang taglay ng apat. Aminado naman siya na walang tulak-kabigin sa apat. Ang mga ito ang nagsisilbing inspirasyon sa kagaya niyang estudyante ng St. Alexandria Academy. "Tigilan mo na ang pagtitig sa kanya. Kung crush mo si Marc Robin, tigilan mo na. Alam mo naman na may atribida iyang girlfriend." Sinulyapan niya ang kaibigan. "Crush? Wala naman akong crush sa kanya 'no. At saka alam ko naman ang bagay na iyon." Kaila pa niya. "Mas bet ko si Eldridge. Super duper sa kaguwapuhan at wala pang sabit kaya libreng-libre na pagnasahan, este, pagpantasyahan." Tumawa pa ito. Wala sa sarili na sinulyapan niya si Eldridge na nakapaharap sa building nila. Hindi niya sigurado pero parang saktong nagkasalubong ang mga tingin nila ng binata nang mag-angat ito ng tingin. Tila may sinabi pa ito kay Marc Robin kaya lumingon ang binata na nakangiti. Kumaway pa ito. Napakurap-kurap siya. Siya ba ang kinakawayan nito? "K-Kinawayan niya ako." Napahawak pa siya sa pasamano sa kinaroroonang corridor habang nangingiti. "Ang sweet talaga ng honey ko." Napatingin siya sa nagsalita. Si Claudel, ang girlfriend ni Marc Robin at kaklase niya. Nabura tuloy ang naka-plaster na ngiti sa labi niya. "Shea, alam ko gutom lang 'yan kaya tara na sa cafeteria." Bumunghalit pa ng tawa si Margaux nang hilahin na siya nito palayo sa kinaroroonan ni Claudel. Napahiya siya. Hindi pala siya ang kinakawayan ni Marc Robin. Kagat ang ibabang labi na nagpatianod siya sa kaibigan. NAPASULYAP si Shea kay Claudel. Kausap nito sa cell phone nito si Marc Robin. At ang bruha tuwang-tuwa pang lakasan ang boses. Halatang nang-iinggit sa iba nilang kaklasi na kausap nito ang isa sa HNC ng kanilang school. Na sa malas ay boyfriend pa nito. May isang buwan na ring may relasyon sina Claudel at Marc Robin. Anito ay going strong "daw" ang relasyon ng dalawa dahil ito pa lang ang girlfriend na tumagal kay Marc Robin. "Hindi ba niya alam ang salitang privacy? Kung makipag-usap halos ipaglantaran." Nangalumbaba siya sa kanyang armed chair. Bukod sa kaartihan ni Claudel, palibhasa ay galing din sa may kayang pamilya kaya madalas mang-uri ng kaklase, ay bitter din siya rito dahil ito ang kasalukuyang girlfriend ng crush. "Ang tagal namang dumating nina Margaux at Shaira," inip pa niyang bulong. "Alam mo, hon, ang sweet mo talaga. As in sobra. Yeah, of course. I love you too." Humagikhik pa si Claudel, kilig na kilig ang bruha. Ang dalawa namang kaibigan ni Claudel na si Harmony at Dara ay parehas na nakatingin lang dito. Mga kinikilig din. "Lalanggamin na kayo ni Marc Robin," komento ni Harmony. "Oo nga. Kung bakit kasi sa iyo pa na-in love si Marc Robin, eh, mas maganda pa naman ako kaysa sa iyo." Biro ni Dara kay Claudel. "'Di bale na, may Eldridge Hedalgo pa naman ako." Napailing-iling na lang siya. Kung sa paramihan ng nagkaka-crush sa apat na heartthrob ng school nila ay mas 'di hamak na mas maraming nagkakagulo kay Eldridge Hedalgo. Ayaw na niyang makinig pa sa pinag-uusapan ng tatlo kaya mas minabuti na lang niya na lumabas na muna ng classroom. Tumambay siya sa may corridor habang nakapangalumbaba sa pasamano. Hinanap ng kanyang mga mata ang magkakaibigan ngunit wala ang mga iyon sa tambayan ng mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung nasaan ang mga ito ngayon. "Hey." Napakunot ang noo ni Shea bago marahan na lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nalingunan niya si Eldridge Hedalgo. Sa isip ay nagtaka pa siya dahil nasa likuran niya ito. Ang isa sa HNC ng school nila. Siya ba talaga ang kinausap nito? Kung siya nga ay mukhang may himala ngayong araw na ito. Sa pagkakaalam kasi niya ay bibihira kung mamansin ito lalo na ng isang babae. Ito ang heartthrob na walang interes sa babae. Kung hindi nga lang ito lalaking-lalaki ay iisipin niya na bakla ito. At isa pa ay masungit ang pagkakakilala niya rito dahil hindi maganda ang unang beses na pagtatagpo nila tatlong taon na ang nakakaraan. Kaya naman hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Tapos ngayon heto ito nasa harapan niya at kinausap pa siya. Weird. Awtomatiko na sumilay ang isang ngiti sa labi niya kahit na nakaramdam ng pagkaasiwa. A friendly smile. "Ako ba ang kinakausap mo?" Tumango ito. "Bakit?" Hindi niya maiwasan ang magtaka. In-approach siya nito kaya ibig sabihin ay may kailangan ito. Lumapit si Eldridge sa kinatatayuan niya. Syempre pa pinagtitinginan na sila ngayon ng mga estudyante. Clueless kung bakit nilapitan siya ni Eldridge. Kahit siya man ay nagtataka dahil sa ginawa nitong paglapit sa kanya. Weird talaga. "Wala naman. Napadaan lang ako. " "Napadaan?" Tinitigan pa niya ito para tantiyahin ang sinabi nito. Saan naman ito galing? Sa pagkakaalam niya ay nasa second floor ang room nito. Pumitik naman ito sa harap niya. "Baka matunaw ako." Napakurap siya at dagling nakaramdam ng pagkapahiya. "B-Bakit? Ice cream ka ba para matunaw?" Mabilis niyang banat upang pagtakpan ang pagkapahiya. Medyo kumunot ang noo nito. "Ice cream lang ba ang puwedeng matunaw? "Hindi. Yelo at Ice candy natutunaw rin." Kumunot na ang noo niya. "Teka nga, bakit ka ba tumigil pa dito? Dadaanan mo ba si Claudel?" Sunod-sunod niyang tanong. Nagsalubong ang kilay nito. "What for?" Nag-iwas siya ng tingin. "Malay ko." Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. "Bakit hindi mo kasama si Marc Robin?" Susulitin na niya ang pagkakataon na makausap ito tungkol kay Marc Robin. Tumawa siya ng nakaloloko sa kanyang isipan. "Nasa room kasama nina Janus at Chandler," walang interes nitong sabi. "Ah, ganoon ba? Ano'ng ginagawa ni Marc Robin noong iniwan mo sa room ninyo?" Namulsa ito. "Bakit mukhang interesado ka sa kaibigan ko?" Masyado yata siyang obvious. Malakas pa namang maka-radar ang mga lalaki. "Interesado? Hindi, ah. Nagtataka lang ako dahil hindi kayo magkakasama." Mabilis niyang tanggi. "Nasa room siya at nang iwanan ko kanina ay nakikipag-telebabad sa kanyang cellphone," sagot pa rin nito sa tanong niya kanina. Napatango-tango siya. Habang nakatanaw si Eldridge sa baba ng building nila ay palihim naman niya itong pinagmasdan. Guwapo talaga ito, matangkad, maganda ang katawan. Tapos mukhang mabait na ngayon, hindi katulad noon. Mas guwapo pa kay Marc Robin. Napakurap siya sa naisip. Bakit ganoon? Pinagkukumpara ko siya kay Marc Robin. 'Di ba dapat loyal ako sa crush ko? aniya sa isip. Napailing-iling siya. "Hindi puwede." "Ang alin?" Napakurap siya. Nginitian uli niya si Eldridge. "Ah, w-wala." Sinipat niya ang oras sa kanyang relo. Saktong 11:30 pa lang ng umaga. Maagang nagpa-lunch break ang mga guro dahil may meeting ang mga ito sa principal’s office. "May hinihintay ka?" tanong na naman nito. "Ha?" napatingin siya sa mukha ni Eldridge. Ang lakas maka-distract ng kaguwapuhan nito. "Ah. Oo 'yung dalawa kong kaibigan." "Nasaan sila?" Bakit ba ang dami nitong tanong ngayon? "Nasa bayan may binibili. Inaya nga nila ako ang kaso ayoko namang sumama. Tinatamad ako." "So, that also mean hindi ka pa nagti-take ng lunch break?" Umiling siya. "Hindi pa." "Ako rin hindi pa." May pagtataka niya itong tiningnan. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi niya inaasahan ang ginawa nitong pagngiti. Lalo nitong ipinamalas sa kanya ang kaguwapuhan nito. Alam niyang hindi nito intensiyon na magpa-cute sa harapan niya, pero hindi niya maiwasan na hindi matulala rito. At ang sunod nitong sinabi ang nagpatulala lalo sa kanya. "Sabay na tayong kumain ng lunch sa cafeteria." Nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito ay idinaan niya sa tawa ang pagkabigla. Ako, inaayang kumain ng isang HNC ng St. Alexandria Academy, matino pa ba ito? natatawa niyang sabi sa isipan. "Ako, inaaya mong kumain ng lunch sa cafeteria? Ayoko nga." Mabilis niyang tanggi sa pag-aaya nito. Bakit naman siya nito aayain na kumain ng lunch? Eh, palaging ang mga kaibigan nito ang kasama nito sa pagkain. Napalunok siya ng maramdaman ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. May ibig sabihin ba ang pag-aaya nito sa kanya? O trip lang talaga nito? "Sinasabi ko na nga ba at tatanggihan mo. Treat ko ayaw mo pa rin?" alok pa rin nito na may ngiti sa labi. Nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi siya sanay sa kaharap na Eldridge Hedalgo ngayon. Ngayon pa lang kasi uli niya ito nakaharap ng ganoong kalapit. Sa tuwina ay iniiwasan niya itong makasalubong o makaharap man lang dahil sa nangyari noon na hindi naman niya sinasadya. Umiling si Shea. Pagkuwa'y sumandal siya sa may pasimano ng corridor, paharap sa room nila. Ang awkward kung papayag siya sa imbita nito. "Ayokong kumain. Diet ako ngayon." "Oh, really? Alam mo pala 'yung salita na diet." Napatango-tango pa ito. "Kaya pala kapag kumakain ka sa cafeteria palaging ang dami ng ino-order mo. Ganoon ka pala kapag nagda-diet 'no? Kinda different." Namula siya sa sinabi nito. "Paano mo naman nalaman?" "Nakikita ko." Natigilan siya sa sinabi nito. Nakikita siya nito? Ibig sabihin ay tinitingnan din siya nito ng hindi niya alam? Pero bakit? "K-Kahati ko sina Margaux at Shaira," palusot niya. "Stop it, Shea. Kita ko rin na ikaw ang umuubos ng lahat ng orders mo. Tara na sa cafeteria, tutal libre ko naman." "Eldridge—" "Hay, naku. Eldridge, bakit ba inaaksaya mo ang oras mo kay Shea?" Napaangat siya ng mukha. Nakita niya si Claudel na nakataas pa ang kilay. Pati sina Harmony at Dara na kasunod ni Claudel ay masama naman ang tingin sa kanya. "Tama si Claudel," duet pa ni Harmony at Dara. Napatingin siya kay Eldridge nang umayos ito ng tayo at humarap kina Claudel. Hindi niya alam pero napigil niya ang paghinga dahil sa gesture na iyon ni Eldridge. Mataman nitong tiningnan si Claudel. "May problema ba kung kausapin ko siya?" Napairap naman si Claudel. "Wala ka bang taste at kung kani-kanino ka lang nakikipag-usap? Para ano pa at naging—" "Let’s go, Shea." "Ha?" Napatingin siya sa kanyang kamay ng hawakan iyon ni Eldridge ng mahigpit. "'Di ba, may pupuntahan pa tayo?" naniningkit ang matang sabi sa kanya ni Eldridge. "H-Ha, ah. Oo." Dahil sa kalituhan kaya naman napa-oo na siya kay Eldridge. Kaya wala na siyang nagawa pa ng hilahin na siya ni Eldridge. Naiwang naniningkit ang mata ni Claudel habang habol sila ng tingin. "Kainis ka talaga, Eldridge Hedalgo. Look, napa-oo pa ako sa iyo ng wala sa oras!" angil niya habang pababa sila ng hagdanan galing sa third floor. Hawak pa rin nito ang kamay niya. "'Wag ako ang sisihin mo." "'Wag sisihin!" inis na ulit niya sa sinabi nito. "Kapag hindi mo lang ako inilibre ng lunch 'wag ka ng magpapakita sa akin." "Yeah, sure, why not?" "Yow. Eldridge saan ka pupunta?" Parehas silang napatigil ni Eldridge sa paglalakad ng makasalubong nila sina Janus, Chandler at si Marc Robin. Napalunok siya. Bahagyang lumapit si Shea kay Eldridge. Kung maaari lang ay nagtago na siya sa likuran ng binata nang matuon sa kanya ang tingin ng mga kaibigan nito. "Girlfriend mo na Eldridge?" Agad-agad? reklamo niya sa isip. "Hindi 'no!" mabilis niyang tanggi. Napangisi naman si Chandler, ang anak ng Governador sa probinsiya nila. "Anong hindi? Eh, ano'ng ibig sabihin niyan? Bakit kayo magka-holding hands?" "Ha?" Napatingin siya kay Marc Robin na nakatingin sa kamay niyang hawak pa rin ni Eldridge. Napasinghap siya kasabay ng pag-iinit ng kanyang pisngi ng makita ngang hawak pa rin ni Eldridge ang kamay niya. Hinila agad niya ang kamay mula sa binata. "W-Wala lang ito. 'Wag nga kayong advance mag-isip." Tumawa pa siya para hindi mapahiya lalo. Puwede kaya akong tumakbo pabalik sa room namin? Nakakahiya talaga. Bakit kasi may pahawak-hawak pa ng kamay itong si Eldridge? Pero infairness ang lambot ng kamay niya. Parang kamay ng babae. "Totoo ba 'yon, Eldridge?" ani Janus. Anak ito ng may-ari ng school nila. Siniko niya sa tagiliran si Eldridge. "Oo." "See?" ngumiti pa siya. "So, kung hindi mo siya girlfriend bakit kayo magkaholding hands?" tanong pa ni Chandler. "Teka nga. Bakit ba hindi kayo maka-get over diyan?" naiinis na ang bangs niya sa mga ito. Hindi na nakakatuwa ang pagiging ususero ng mga guwapong ito. "Bakit ba masyado kayong kontrobersyal?" natatawa namang sabi ni Eldridge. "Spare, Shea. Sige na at may pupuntahan pa kami." "Hay, salamat at nakaramdam din ang kumag na ito," mahina niyang bulong. "Date?" tanong ni Marc Robin na ngayon lang nagsalita. Anak naman ng isang mayamang negosyante ang binata. "Iba na ba ang tactics mo sa pagdi-date? Tuwing tanghali na?" "'Wag mo na lang silang pansinin Shea," baling sa kanya ni Eldridge. "Alis na kami." "Lunch date for sure," pahabol pa ni Chandler ng ilayo na siya ni Eldridge sa mga ito. "Hay, naku. Buti na lang at naisipan mo pang umalis sa harap ng mga kaibigan mo. Kung puwede nga lang bumalik na uli ako sa room namin," litanya niya kay Eldridge ng tuluyan silang makalayo sa mga kaibigan nito. "Nagbibiro lang sila. Sabi ko naman sa iyo na 'wag mo silang pansinin." "Kaya nga sinabi mo nga. Pero nakakahiya pa rin," paismid niyang sabi. "Ang mabuti pa ikain mo na lang 'yang sama ng loob mo. Sa labas na kita iti-treat pambawi sa pagkapahiya mo." "Isa ka pa na nakakainis. Kasalanan mo ito, eh." Napabuntong hininga siya. Pagkuwan ay sinulyapan niya si Eldridge. Sa kabilang banda ay bigla siyang napangiti. Siya pa ba ang choosy ngayon? Si Eldridge Hedalgo ang kasama niya at sigurado siya na marami ang gustong pumalit sa puwesto niya ngayon makasama lang ang binata. Galing sa isang mayamang pamilya ang binata. At sa pagkakaalam niya ay higit na mayaman sa tatlo pa nitong kaibigan "Para saan iyang ngiti mo?" "Kasa—" naitikom niya ang bibig. Buti na lang at hindi niya naituloy ang sasabihin. "Wala." Kaysa maghimutok ay ibinaling na lang niya ang tingin sa labas ng bintana ng kotse nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.5K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook