Chapter 13

2195 Words

NAKAKATANG ANG baba ni Quinn sa mesa at nakatitig sa mga naka-post na tula ni “King” sa internet. Nasa isang cafe siya at hinihintay ang pagdating ni Sosimo. Kukunin nito ang libro sa kanya na pinirmahan ni King. King! King! King! Hindi talaga matahimik ang dalaga mula nang magkita sila. Pag-uwi sa bahay ay nanginginig ang kamay niya. Di siya makatulog at ito lang ang naiisip niya. Di niya mai-reconcile ang idea na si Chance at ang hot na manunulat na si King ay iisa. Kaya naman mula pa kagabi ay nagbasa na siya ng mga impormasyon dito sa internet pati na rin ng mga tula na naka-post pa sa internet. Nagsimula lang ito bilang mga simpleng tula hanggang maging tulaserye sa writing website na Booklat. Walang lumabas na larawan ng manunulat sa internet at sekreto ang katauhan nito. Ang b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD