MARIING magkadikit ang labi ni Quinn ang isara ang bagong collection ng love poems na isinulat ni King, ang paboritong author ng kaibigang si Sosimo. Nasa book signing siya ng naturang author at nasa gitna ng mahabang pila. Nasa klase pa ang kaibigan at gabi na daw ito matatapos. Habang siya naman ay kinulit nito na pumunta sa book signing ng author na gusto nito. “Love? Anong love bears all wounds? Anong love is blind? Lovers are blind dapat! Baliw lang ang nagbabasa nito,” aniya at nanghahaba ang nguso na pinagpalipat-lipat ang nakatayong paa dahil nangangawit na siya. “Wala namang forever.” Naiinis siya sa mga topic tungkol sa pag-ibig. Bagamat nanonood siya ng mga teleserye at kinikilig paminsan-minsan, ayaw naman niyang magbasa ng mga love poem. Parang nananadya kasi. Parang siya

