“YES! Hindi suspended si Chance. Abswelto siya!” Nawala ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ni Quinn matapos ianunsiyo ng teacher nila kanina ang naging desisyon ng eskwelahan sa kaso ng mga kaklase nila. Isang linggong suspendido ang iba kasama na si Turvey. Si Chance ay hindi pinarusahan. Sa tulong ni Harry ay naipaliwanag kung paanong nag-o-operate ang grupo ni Turvey. Ayaw man ni Chance magpakopya ay wala na itong nagawa dahil hinablot ang test paper nito. Wala nang nagawa ang presidente ng eskwelahan kundi tanggapin ang kahihiyang ginawa ng nag-iisang lalaking anak nitong si Turvey. “At mukhang magto-top ka rin sa exam. Nakita ko na ganado kang mag-test kanina,” tukso sa kanya ni Sosimo. “Siyempre! Ngayong alam na ni Chance ang totoong kulay ng grupo nila Turvey at Cindy,

