HUWAG ka nang magpupuyat. May pasok pa tayo bukas. Huwag mo nang pagpuyatan ‘yang project ni Cindy. Hindi ka naman ganoon ka-importante sa kanya. Erase, erase, erase. Baka isipin niya nagseselos ako o kaya inaapi ko nang todo si Cindy. Baka masamain pa niya. Dali-daling binura ni Quinn ang text message dapat ay ipapadala na niya kay Chance. Linggo na noon ang gabi at maaga pa ang pasok niya kinabukasan pero gising pa rin siya. Nag-goodnight ang kaibigan sa kanya sa pamamagitan ng text isang oras na ang nakakaraan pero wala pa rin siyang matinong reply dahil napapraning siya sa pwedeng isipin nito sa kanya. Nakakainis! Balewala naman ito sa kanya noong magkaibigan pa lang sila ni Chance at di pa niya nare-realize na may iba siyang nararamdaman dito. Di siya conscious sa pwedeng isipin

