“MISS QUINN, dadating ba si King ngayon?” tanong ni Lila, ang nerd na mula sa College of Languages at isa sa tinutulungan nila sa grupo. “Dalawang linggo mo na kasing di kasama.” “Busy lang siya sa libro niya... Saka malapit na ang release ng booklet natin, hindi ba? Baka busy din siya sa ibang kaibigan,” aniya at nagkibit-balikat. “Hindi ba boyfriend ninyo siya?” tanong nito. Magaan siyang tumawa. How I wish. “Magkaibigan lang kami.” “Ay!” nanghihinayang na sabi nito. “Kasi kayo ang loveteam namin dito. King and Queen of Hearts namin kayo.” “Kung anu-ano ang iniisip ninyo. Talaga naman. Mabuti pa maglinis na lang tayo nitong kuwarto bago dumating ang iba. Mukhang masyadong nag-enjoy ang mga bata sa art workshop nila. May mga pintura pa dito,” sabi niya at kinuskos ang sahig. Akala

