“OKAY na talaga kayong dalawa, Quinn? Wala na kayong LQ?” tanong ni Harry nang salubungin sila ni Chance pagpasok nila ng bar. Magkahawak ang kamay nila ng binata. Masaya ang naging workshop nila at plano nitong mag-launch ng booklet na may mga tula na tumatalakay sa bullying. Ka-collaborate nito ang iba pang mga biktima ng bullying. Kasama din ang sarili niyang tula sa ila-launch. Matapos ang workshop, pakiramdam niya ay may mas malalim silang koneksyon sa isa’t isa. “Oo naman.” Pinahirapan ni Chance ang kamay niya. “Ito lang namang si Quinn ang mahirap paamuin. Pinahirapan ako nang todo.” “Siyempre, ganoon talaga ang mga babae kapag nasasaktan,” makahulugang sabi ni Harry at sinulyapan siya. “Harry, hindi ba bagay na bagay sila?” puna ni Sosimo sa kanila ni Chance. “Bagay naman tal

