Naningkit ang mata ni Quinn. Parang gusto niyang hablutin ang buhok ni Cindy. Nakakainis! Matapos ang pambabastos na ginawa nito kay Chance noon, nagagawa pa nitong halikan ngayon na parang close na close ang mga ito. Mabilis na kinuskos ng tissue ang labi ng binata. “May dumi ka sa labi.” Pinigilan ni Chance ang kamay niya. “Quinn, bakit parang galit na galit ka sa labi ko? Parang magdudugo na sa kuskos mo.” “May bacteria. Baka malason ka.” Kung pwede lang na pamumugin niya si Chance ng anti-bacterial soap ay ginawa na niya. Walang karapatan ang bruhang si Cindy na halikan ito sa labi. Wala itong karapatan! “Quinn, parang nagseselos ka,” anitong may nanunuksong ngiti sa labi. “Bakit naman ako magseselos? Nahalikan na rin kita, no?” Natigilan siya nang maanalisa ang nasabi niya. “W

