“Libro po niya lahat ang mga ito?” namamanghang tanong ni Quinn sa publisher ni Chance na si Mattheu Segundo ng Hearts Publishing. Inilibot silang dalawa ng binata sa imprentahan at nakita niya kung paano nag-o-operate ang printing press. Naaliw ang dalaga sa dami ng mga libro ni Chance na ipini-print. “Yes. Kay King lahat ng iyan,” anang nakatatandang lalaki. Sa hinuha niya ay nasa mid-thirties ito. Guwapo si Sir Mattheu, mestisuhin at magandang ang pangangatawan. He was a heartthrob in her own right. Palibhasa ay miyembro ito ng sikat na Stallion Island Riding and Leisure Club kung saan puro guwapo at mayayamang kalalakihan lang ang maaring makasali. “Hindi nga namin ine-expect na magiging malakas siya. Hindi naman kasi ganoon ka-popular ang poetry sa bansa. Mukhang nabuhay ang interes

