Napatingin si Quinn sa kahon ng cupcake. Isa na lang ang natitira. Nadukutan siya ng cupcakes ng ni Sosimo nang wala siyag kamalay-malay. Paano nangyari iyon samantalang matinik siya pagdating sa pagkain? Isinara niya agad ang kahon. “Sa akin na lang ‘to! Huwag ka nang hihingi,” aniya sa malumanay na boses. “Aba! Hindi nagalit sa akin. Samantalang kahapon lang gusto mong kalbuhin ang beauty ko dahil binawasan ko ang cake na bigay ni Chance. Icing lang naman iyon. In love ka nga yata. Bumait ka na! You are in love!” tili nito. “Anong in love?” naguguluhan niyang tanong. Humagikgik ito. “Ikaw at si Chance. Parang joke lang.” At ang hagikgik nito ay naging halakhak. “I can’t believe that you are in love! At sa dinami-dami ng tao ay sa kanya pa. Love is blind.” In love? In love siya kay

