HINDI maiwasang mapabuntong-hininga ni Quinn habang pinapakinggan ang mga nanalong entry. Sa limampung um-attend sa lecture na iyon ay tatlo ang nanalo. At binasa isa-isa ng lecturer nila na si Mr. Cano ang mga nanalong tula. It was beautiful. Animo’y nanonood siya ng ballet o nakikinig ng isang concert ng orchestra pero patula. Mahihiya ang tula na ipinasa niya sa mga nanalo. Nag-third place si Chance na ang ipinasang tula kung saan naluha siya dahil ikinuwento nito ang tungkol sa sakripisyo at pagmamahal ng isang anak na nawalay sa amang OFW. Natuto ito na maging mature at lalong pahalagahan ang pag-aaral nito dahil nagsasakripisyo ang magulang nito para dito. “Congratulations,” bati niya dito matapos itong sabitan ng medalya at umupo sa tabi niya. “Ang ganda talaga ng tula mo. Sigura

