“CLASS, I have an important announcement. Magta-transfer na ang kaklase ninyong si Harry. Ito na ang huling linggo niya sa academy,” anunsiyo ng adviser nilang si Miss Soriano.
“Ohhhh!” usal nilang magkakaklase at lumingon kay Harry na nakayuko. Di naman sila close nito. Kasama ito sa mayayabang na barkada ni Turvey kaya naman wala lang sa kanya kung umalis ito. Mahilig din itong mam-bully.
“Saan ka na lilipat, Harry?” tanong ni Sosimo.
“A-Ano, diyan lang sa... Ano...” Hindi nito alam kung anong isasagot at di makatingin sa kanya.
“Sa General Luna National High School,” nakataas ang kilay na sagot ni Cindy at hinaplos ang sariling buhok. “Bumagsak ang negosyo ng parents niya at kalahati pa lang ng tuition ang nababayaran niya. They can’t afford the school fees anymore. Kailangan nila itong gawin para kahit paano makapag-aral pa rin siya. Poor Harry.”
Pero wala naman sa itsura ng pinsan niya ang naaawa. Mas mukhang naiirita pa nga ito dahil na-associate ito sa kay Harry na isa nang mahirap ngayon.
Lumingon sila kay Harry. Kahit naman di niya ito kasundo, ayaw naman niyang danasin ang kahit sino na mag-transfer ng eskwelahan dahil sa problema sa kabuhayan ng pamilya. Nakayuko lang ito at di makatingin sa kanila. Madalas kasi nitong pagtrip-an ang mga scholar na galing sa hirap at ipinamumukha na di makakapag-aral ang mga ito kundi dahil sa tuition ng mayayamang mag-aaral doon. Ngayon ay karma ang lumalabas dahil public school ang bagsak nito kasama ang mga mahihirap na estudyante.
“Kaya pala di na siya nakakasama sa gimmick namin,” bulong ni Abby na nasa harapan niya. “Mahirap na pala siya.”
“How sad! I have a crush on him. Tapos mahirap na pala siya.” Umismid si Krizzy. “Hindi bale. Marami naman diyang iba na kahit di kasing guwapo, rich naman.”
Umawang ang labi ni Quinn. Sa halip na damayan si Harry, nilait pa nito ang paghihirap ng tao. Anong klaseng mga kaibigan ba ito?
“Pwede namang hindi umalis si Harry kung pagtutulungan natin.”
Napalingon silang lahat kay Chance. Habang lahat ay negatibo ang reaksiyon sa pag-alis ni Harry, ito naman ay nakangiti pa na parang may pag-asa pa.
“Wow! Nagpapakabayani ka ba?” sarkastikong tanong ni Antoni.
“Pwede naman nating pagtulung-tulungan, hindi ba? Para lang magkaroon siya ng baon sa araw-araw, isasakripisyo ko ang pagkain ko. Hati kami,” prisinta ni Chance. “Kayo maraming excess na baon. Pwede naman ninyong ibigay sa kanya para sa tuition niya.”
“Seryoso ka, Chance? Gagawin mo iyon para sa akin?” di makapaniwalang usal ni Harry. “Hindi ba naging masama ako sa iyo? Bakit mo ako tinutulungan?”
“Parang away-bata lang iyon. Tapos na. Kahit ano pa ang ginawa mo, kailangan mo naman ang tulong ko ngayon. Bakit ako magdChanceot kung may kakayahan naman ako?”
Mangiyak-ngiyak itong niyakap ni Harry. “Salamat, pare! Sa dinami-dami ng kaibigan ko, ikaw pa ang unang tumulong sa akin kahit na masama ako sa iyo.”
Nangilid ang luha sa mata ni Quinn subalit may ngiti sa labi niya. Kaya magaan ang loob niya kay Chance dahil mabuti ito. Di nito iniisip ang masama sa iba. Mas gusto nitong ipakita kung ano ang kabutihang magagawa nito. Kahit siguro siya ay di niya maiisip iyon. Parang si Chance lang ang makakagawa noon.
“Sige na nga! Hindi na ako maglalaro muna ng arcade,” sabi ni Polo na isa sa mga bulakbol nilang kaklase na adik sa arcade ng mall. “Ibibigay ko na lang kay Harry para makapasok pa rin siya.”
Itinaas ni Quinn ang kamay. “Ako rin. May naipon pa ako. Pwede sigurong makatulong iyon kay Harry.” At nagpapasalamat itong tumingin sa kanila ni Polo.
“Ilalakad ko rin na bigyan ng scholarship si Harry dahil parte siya ng basketball team,” anang si Miss Soriano. “Siya ang nagpanalo sa team nang nakaraang basketball summer camp.”
“Errr... He is not that good as a player. Madalas pa nga siyang bangko. Isinali lang naman siya doon dahil magkaibigan kami,” anang si Turvey at di maipinta ang mukha.
“Bonggabels kaya si Harry. Nababangko lang siya dahil di niya sineseryoso ang practice dahil kung saan-saan mo siya kinakaladkad,” depensa ni Sosimo.
“Kung makakapagpatuloy po ako ng pag-aaral dito, pagbubutihan ko na po ang paglalaro ng basketball at ang pag-aaral ko. H-Hindi kayo mapapahiya sa akin,” sabi ni Harry.
Nagsunud-sunod na rin sa pagbibigay ng suhestiyon ang iba pa nilang kaklase kung paano ito matutulungan. Hanggang sa huli ay binawi na ang paglipat ni Harry ng paaralan. Ngayon lang niya nakitang nagkaisa ang mga kaklase niya para sa isang tao. At iyon ay dahil sa pagmamalasakit ni Chance.
Tinapik ni Chance ang balikat ni Harry bilang pagbibigay ng suporta. Mula noon ay di na niya maalis ang tingin kay Chance. Sa palagay kasi niya ay isa itong anghel na nagtatago lang ang pakpak.
At nang mga oras na iyon ay ito ang pinakaguwapong lalaki para sa kanya. Huminga ng malalim si Quinn. He was handsome on the inside. At ang katangiang iyon ang gusto niya sa lalaki.
QUINN was getting odd gazes from other students. Nasa mini auditorium siya kung saan gaganapin ang poem-writing competition and lecture. Maaga siyang dumating doon dahil sa labis na excitement. Pero wala pa si Chance pagdating niya. Ngayon ay pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante na alam niya ay miyembro ng literary guild kung saan di siya kabilang. Kung tingnan siya ng mga ito ay parang alien siya. Parang di siya bagay sa lugar na iyon.
“Excuse me,” anang isang babae na kulot ang buhok at may iba’t ibang klase ng paru-paro sa ulo. Ang alam niya ay fourth year ito. “This is poem-writing lecture and competition.”
“Oo. Nakita ko naman,” aniya at ngumuso sa tarpaulin na nakapaskil sa may entablado.
“Ahhhh okay. Baka kasi naliligaw ka kasi parang di ang tipo mo ang sumasali sa ganitong event,” anito at alanganing ngumiti.
Gustong mainsulto ni Quinn. Oo, ilang beses niyang sinabi sa sarili na di naman niya ang tipo na mahilig sa mga literary piece lalo naman ang magsulat ng tula. Di iyon ang forte niya. Pero dahil sa tiwalang ibinigay ng guro niya kaya siya nandito. Gusto rin naman niyang may bagong matutunan.
Pero kung ayaw sa kanya ng mga tao doon dahil parang outsider siya, mas mabuti siguro kung umalis na lang siya. Parang nang-i-intimidate ang mga ito. Iniisip ba ng mga ito na mas intelehente ang mga ito sa kanya at wala siyang karapatan na sumali sa grupo ng mga ito dahil nakalinya siya sa mga sumasali sa beauty pageant?
“May problema ba dito, Ate Kris?” tanong ni Chance na dumating na pala.
“W-Wala. W-Wine-welcome ko lang ang kaklase mo. Ngayon ko lang kasi siya nakita dito,” anang si Kris at alanganing ngumiti.
Nice. Ganoon pala ang pag-welcome nila sa mga aspiring na poets. O baka naman sa akin lang dahil di niya ako feel.
“Si Ma’am Lagman mismo ang nagpasali sa kanya dito dahil nagustuhan ang isang poem na ipinasa niya. Baka konting training pa at makakasama na natin siya sa guild,” sabi ni Chance at hinawakan siya sa balikat bilang suporta.
Ngumiwi si Kris. “Ahhh! Ganoon ba?”
Si Miss Lagman ang pinakamagaling na teacher sa paaralan. Kahit ang mga magagaling na sa English ay napapaiyak pa rin nito. Para mapili na sumali sa event na iyon ng batikang guro ay malaking karangalan na. Ibig sabihin ay may potential talaga siya.
She flashed Kris her beauty queen smile. Iyon lang naman ang pwede niyang ipanlaban sa mga awkward na sitwasyon gaya nito. “Thanks for the warm welcome. I am sure mag-e-enjoy ako dito sa event ninyo.”
Pero ang sasali sa guild ng mga ito? Ewan lang niya. Parang malabo. Hindi naman niya kailangang ipagsiksikan ang sarili sa lugar kung saan ayaw sa kanya.
“S-Sige. I-Iwe-welcome ko pa ang ibang guest,” sabi nito at iniwan na sila ni Chance.
“Bakit ngayon ka lang dumating?” may bahid na inis na tanong niya kay Chance.
“Bakit? May problema ba?” tanong ng lalaki at umupo sa tabi niya.
“Parang ayaw naman sa akin ng mga tao dito. Tingin yata nila wala akong alam pagdating sa pagsusulat ng tula,” aniya at yumuko. “Para yata sa kanila exclusive lang ang event na ito sa ilang privileged na mga tao.”
“Hindi naman siguro. Di lang sila sanay na may kasing ganda mo sa grupo,” sabi nito at ngumiti.
“Kasing ganda ko?” tanong niya at humalukipkip. “They make me feel as if having a pretty face means I don’t deserve to be here. Parang nakaka-discriminate naman yata.”
“Ang totoo, ang literary guild ay di lang tungkol sa mga tao na may kakayahan sa pagsulat ng tula. Ang iba sa kanila dito di naman talaga marunong magsulat ng tula. Pero sa tula lang namin na nai-e-express ang sarili namin. Dito lang kami napapansin. Parang haven namin ang grupong ito. Walang maaring manghusga sa itsura namin. Lahat maganda sa amin dahil sa mga salita.”
“At walang mandi-discriminate na katulad ko sa inyo?” tanong niya. “Nalulungkot ako na may mga taong nanghuhusga dahil sa panlabas na anyo ninyo pero di rin naman ibig sabihin may itsura ako wala na akong kakayahan na gumawa ng tula o manlalait na ako ng ibang tao. G-Gusto ko rin naman matuto.”
“Huwag mong sabihin na dahil lang sa iniisip ng ibang tao ay susuko ka na. Hindi ganyan ang kilala ko na Quinn.”
“Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin?” tanong nito.
“Ikaw ang Quinn na hindi nagpapatalo. Hindi basta-basta sumusuko. Confident ka lagi. And if the world doesn’t want to cater to you, you don’t really care. Gagawin mo pa rin ang gusto mo. Katulad ngayon. Ano ngayon kung sa palagay ng ibang tao wala kang pakialam sa kanila. And you will prove them all wrong. Gusto ko lang malaman mo na sa maraming pagkakataon ay sa iyo ako kumukuha ng lakas ng loob. Kaya dapat di ka mawalan ng lakas ng loob ngayon. Maliit na bagay lang ito kumpara sa ibang bagay na nagawa mo. Mas mahirap yata na sumagot sa question and answer portion ng beauty pageant.”
“Chance...” He admired her. Nakita nito ang magagandang katangian niya. At tama naman may iba na siyang kompetisyon na nasalihan na din rin naman basta-basta at kailangan din gamitan ng utak.
“Kaya huwag mong hahayaan na mapigilan ka ng ibang tao sa mga bagay na gusto mong gawin. Malay mo ikaw pa ang manalo dito.”
“H-Hindi ko naman kayang talunin sa poem-writing ang mga tao dito,” aniya at pagak na tumawa.
“Hindi mo naman kailangan na manalo. Anuman ang matututunan mo dito parang nanalo ka na rin no’n.”
Tumango siya. Ang totoo ngayon pa lang ay panalo na siya dahil may isang katulad ni Chance na nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.
CHANGES in my life.
Iyon ang ibinigay ng speaker nila na topic para sa kompetisyon sa araw na iyon. Si Mr. Cano ay isang sikat na poet na nakapagpa-publish na ng limang libro.
“You may go out. Find a very comfortable place to write. After one hour, kailangan nakabalik na kayo dala ang tula ninyo,” bilin nito. “Enjoy writing everyone.”
Magkasama silang nagpunta ni Chance sa garden sa pwesto nila lagi. Tahimik doon at puro huni na lang ibon ang maririnig. Sabado ginanap ang poem-writing event kaya walang estudyante.
Pagdating pa lang sa paborito nilang mesa ay nagsulat na agad si Chance. Ang bilis nitong makagawa ng ideya. Samantalang siya ay blangko. Ano ba ang bago sa buhay niya? Bagong damit? Bagong sapatos? Bagong brand ng make up na ini-recommend ng nanay niya? O ang patago niyang pagkain ng mga ipinagbabawal na pagkain dahilan para tumaas ang timbang niya.
Hindi yata maganda na iyon ang ipasa ko. Mababaw. Walang substance. Hindi rin ako mai-inspire na isulat.
Pero ano ba ang mahalagang pagbabago sa buhay niya? Something worth writing a poem about.
“Trouble?” nag-aalalang tanong ni Chance sa kanya.
Sinapo niya ang pisngi. “Wala pa nga akong naisusulat kahit na isa. Hindi ko alam kung ano ang nagbago sa akin. O kung may nagbago ba sa akin.”
“Hindi ko masasabi kung ano ang nagbago sa iyo pero gusto kong malaman na para kang empanada,” sabi nito at inilabas ang kahon ng empanada.
“Empanada?” tanong niya. “Breaktime na ba? Pwede na ba tayong kumain?”
“Maging seryoso ka muna. Tingnan mo ang empanada. Alam mo ba kung ano ang nasa loob kapag tiningnan mo?” tanong nito.
Umiling siya. “Paano ako naging empanada?”
“Hindi ko alam na sweet ka pala hanggang makilala kita. Ang mga tao parang empanda. Di mo malalaman kung ano ang nasa puso niya hangga’t hindi mo siya nakikilalang mabuti,” sabi nito at hinati ang empanada sa gitna. Peaches and cream ang laman sa loob at saka inabot kanya ang kalahati. “Masaya ako dahil nakilala kitang mabuti. Salamat din kasi dumating ka sa buhay ko.”
“Salamat sa... Empanada,” sabi niya at tinanggap ang pagkain mula dito.
Nang matikman niya ang matamis na prutas na may cream ay parang nagliwanag ang paligid niya. Habang nakatitig kay Chance ay parang isang pinto ang nabuksan sa kanya. Nakikita na niya kung ano ang pagbabago sa buhay niya. Kung ano ang sanhi ng pagbabago sa kanya.
Isinumpak niya ang huling kagat ng empanada. Tapos ay parang kusa nang dumaloy ang ideya sa kanya at mabilis siyang nagsulat. She was now in the zone.
“Mukhang nakakuha ka na ng idea,” sabi ni Chance na saglit na tumigil sa sinusulat nito. “Tungkol saan?”
No, it was not a new brand of make up or the latest gadget. “Empanada,” sagot niya at kinindatan ang kaibigan.
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free.
Thank you and happy reading!