"Reyna, nakita mo ba iyong bagong nangungupahan diyan sa harap ng bahay natin?" tanong sa akin ni nanay na kasalukuyan na tinatahipan ng palay ang nabili niyang bigas na bukod sa maraming ipa ay mabato rin.
Bigay raw ng isa niyang kakilala kaya hindi niya raw na tanggihan ay dahil bigas pa rin naman at malaking tipid dahil nga sa sobrang taas ng mga bilihin ngayon lalo na rin ang presyo ng bigas na pumapalo na sa kwarenta hanggang sinkwenta pesos.
"Opo, Nay. Marites ang pangalan niya. Bakit po?" walang buhay kong tanong habang ako naman ay naghihiwa ng mga gulay na siyang aming ulam.
"Kilala mo na pala? Sabagay bakit ba pa ako magtataka ba kilala mo na agad gayong halos lahat naman ng tao dito sa lugar natin ay kailala mo. Nagtataka lang ako at bakit kay luma naman yata ng kanyang mga damit? May mga tao pa ba na ganun ang pananamit sa panahon ngayon?" tanong ni nanay na nakakunot noo pa.
Kahit sino naman talaga ay magtataka kay Marites dahil kay luluma talaga ng kanyang mga damit. Para ba siyang nasa unang panahon na at kulang na lang talaga ay may mga gwardiya sibil siyang katabi ay nasa panahon na siya ng mga kastila o kaya ng mga hapon.
"Siya ang unang lumapit at nagpakilala sa akin, nay. Ayoko nga sana ng kausapin dahil nga napaka baduy at wirdo niya. At isa pa, dahil nalaman niyang writer ako ay nagpapanggap din siyang writer. At take note, nay. Ang pakilala niya pa sa akin na pen name ay ang gamit na pen name ng isang sikat na writer na wala pang nakakakita o nakakakilala." Mga kwento ko kay nanay.
Tama naman si Rosa. Malay ko ba nga naman kung si Marites talaga si ilang-kandila?
Kahit sino ay pwedeng magpanggap na kung sino.
Nanlaki ang mga mata ni nanay.
"Talaga ba? Kung ganun ay pwede siyang makasuhan sa kanyang ginagawang pagpapanggap. Alam ko may kaso ang mga ganyan," ani pa ni nanay na napatigil pa sa pagtahip ng bigas.
"Malay ko sa kanya, nay. Kung iyon ang trip niya para lang mapalapit sa akin ay bahala siya," sagot ko.
Naisip ko kasi na baka kaya nagpapanggap si Marites bilang si ilang-kandila ay para nga makipagkaibigan din ako sa kanya dahil pareho kami ng hilig.
Pero hindi ko maramdaman na writer din siya. Mas feel ko pa na isa siyang probinsyana na lumuwas ng lungsod para maging kasambahay.
"Kung gayon ay hindi lamang pala baduy ang babaeng 'yon bagkus ay isa pa palang sinungaling?"
Balak ko nga na minsan ay sorpresahin si Marites. Pupunta ako sa bahay niya at agad din akong papasok sa loob kahit hindi niya pa ako pinapatuloy para mahuli ko kung nagsisinungaling lang itong si Marites.
Ewan ko ba.
Hindi talaga ako kumbisido sa mga sinabi niya lalo na siya si ilang-kandila.
"Mag-ingat ka sa Marites na yan, Reyna. Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan sa panlabas na anyo pa lang. Malay natin kung saan galing na lugar yan. Baka mamaya ay galing pala yan sa probinsya na marunong mangkulam o mambarang." Sapantaha pa ni Nanay.
"Kaya nga po ng nagbigay siya ng pagkain ay agad ko ng itinapon. Balak ko pa nga sanang ibigay sa aso natin ngunit mas minabuti ko ng itapon talaga. Noong araw kasi na nagpunta dito sa bahay si Marites ay hindi ko po narinig na tumahol ang aso natin. At napansin ko po na nakasiksik siya sa sulok ng kanyang bahay at para bang natatakot habang nakatingin sa gate ng bahay kung saan lumabas si Marites." Mangha kong kwento kay Nanay.
"Ganun ba? Kung ganun ay dapat talaga tayong mag-ingat at baka tama ang sapantaha ko na may pagkamangkukulam ang babaeng yan. At naramdaman ng alaga natin na hayop na mayroon siyang itim na kapangyarihan," wika pa ni nanay.
Totoo nga kaya?
Kung totoo ay nakakatakot nga itong si Marites.
"Nay, may kakaiba pa nga akong napansin sa kanya simula ng una ko siyang makita sa bintana ng bahay natin." Kwento ko pa.
"At ano naman ito?"
Tumigin ako sa mga mata ng aking nanay para mas lalo niyang maintindihan kung ano ang sasabihin ko.
"Hindi po ba nasabi ko na rin sa inyo ang tungkol sa matandang nagmamay-ari ng apartment? Iyong nagtaka nga tayo bakit bigla na lang nawala?"
"O anong kinalaman ng matandang iyon diyan sa Marites?" untag ni Nanay.
Nagbuga ako ng hangin bago at saka sumilip-silip sa labas ng bahay lalo na sa banda kung saan ang apartment.
"Para po kasing may nakikita akong laging nakatabi kay Marites, Nay."
Lumaki ang dalawang mata ni Nanay sa sinabi ko.
"Santa santisima! Anong nakikita mong katabi kamo?" sabay mabilis na pag-antanda ni Nanay.
"Hindi po ako sigurado, Nay. Pero dalawang beses ko na po kasing nakita si Marites na may kasama kahit ang totoo ay wala naman. Hindi po ako sigurado kung ano ang itsura ng katabi niya pero parang may bumubulong po sa akin na iyon ang matandang babae na hinahanap natin dahil bigla na lang nawala na parang bula." Tulot-tuloy kong pahayag.
Naka ilang beses nag-antanda si Nanay sa narinig sa akin.
Kung totoo nga ang multo ay baka nga ang nakikita kong laging nakatabi kay Marites ay ang matandang babae na siyang nagmamay-ari ng apartment.
Sa sarili kong opinyon ay baka binabantayan at sinasamahan si Marites para hindi siya magawan ng masama ng sugarol na mag-asawa gaya nga ng kung anong karumal-dumal na ginawa sa nakakaawang matandang babae.
"Sa tingin mo ba ay posibleng multo iyon ng matandang babae?"
Mabilis akong tumango sa tanong ni Nanay.
"Opo at baka po laging nasa tabi ni Marites dahil alam nilang nasa panganib ang buhay ng babaeng iyon," sabi ko pa.
"Nakakatakot naman pala. Huwag ka ng makipaglapit pa diyan sa babaeng yan at baka mapahamak ka pa." Bilin ni Nanay pero paano naman ako matatakot sa multo kung multo na.
Gaya nga ng paniniwala ng iba, mga kaluluwa ang mga pinaniniwalaan nilang mga multo kaya paano pa nila ako masasaktan ng pisikal kung wala na sila sa mga katawan nila at kung aparasyon na lang sila?
"Nay, sapantaha ko lang po iyon. At saka hindi naman po talaga ako takot sa mga multo na yan gaya ng hindi rin naman ako sigurado kong multo nga ba ang katabi ni Marites. Mas matakot sila sa buhay na tao dahil nga mas makakapanakit. At isa pa nga po ay kailangan ko nga rin na alamin kung totoo ba ang sinasabi ni Marites na siya talaga si ilang-kandila dahil kung totoo na sasali talaga ang writer na yon sa contest kung saan ako sasali ay dapat ko siyang manmanan para makakuha ako ng kahit konting ideya sa sinusulat niya o sa nasulat niya na."
Hindi ako pwedeng magpa kampante sa buhay. Maaaring totoo na nagpapanggap lamang siya sa pagkakasabi sa akin na siya si ilang-kandila ngunit hindi pa rin dapat maalis sa akin na maaaring totoo ang kanyang sinasabi lalo pa at marami siyang nasasabi na hindi ko naman alam sa pagkatao ni ilang-kandila.
Kailangan ko siyang bantayan dahil isa siyang malaking hadlang sa inaasam kong kasikatan sa pagkapanalo ko.
Isa siyang tinik na dapat ay gawan ko ng paraan para maalis ngayon pa lang.
Pero paano ko gagawin kung naririto nga lang ako at walang ginagawa para manmanan siya?
Ilang araw ko na ngang iniisip kung ano kaya ang nilalaman ng ginawang kwento ni Marites.
Kung mas maganda ba talaga sa kwento na sinulat ko o pareho lang na may laban sa competition?
Hindi ko tuloy maiwasan na panghinaan ng loob dahil nga sa nalaman ko na kasali ang isa sa mga kilalang writer sa online writing platform kung saan ako nagsusulat. Ang iba kasi ay hindi naging interesado palibhasa mas malaki na ang kinikita nila sa mga kwento nila kaya wala na silang oras para magsulat pa ng ibang story.
Pero ako ay hindi ganun kalaki ang kinikita kaya nga agad akong nagdesisyon na sasali sa contest kahit na anong mangyari.
Hindi nagpapakilala o nagpapakita ng mukha si Marites sa mga followers at readers niya pero hindi niya ba naisip na kung siya ang papalarin na manalo ay ilalathala ang mukha sa lahat ng social media platform?
Dapat pala ay takutin ko siya sa kung anong pwedeng maging negative feedback sa oras na makita ng mga mambabasa ang kanyang baduy ba itsura.
Gagatungan ko siya na baka kapag nakita ang itsura niya ay mawalan ng ganang magbasa ang mga readers niya.
Tama.
Ganun na lang ang gagawin kong pananakot at aarte ako na concern lang ako sa kanya lalo pa at ang pagsulat lang din yata ang source of income niya para matustusan ang lahat ng mga pangangailangan niya.
Baka sakaling matakot ko nga siya na baka ayawan na siya ng mga avid readers niya sa oras na makita ang nakakadismaya niyang itsura at pananamit.
At saka baka hindi naman na ho-hook ang mga readers sa mga sinusulat niya. Baka kaya lang nagbabasa ay dahil nga, pa misteryosa siya na nakakasuka naman ang itsura.
Feeling mysterious gayong karimarimarim naman.