Episode 21

1568 Words
Nag-iisip ako kung paano ko ba mapapalayas si Marites sa buhay ko Bakit ba ayaw niya akong lubayan?! Bakit ba pilit siyang dikit ng dikit sa akin? Ano kaya kung maghanap ako ng isipiritistang magpapaalis sa kaluluwa niya sa mundong to? Pero saan ako hahanap na hindi nalalaman ng kahit na sino lalo pa ng mga nakakakilala sa akin? Ayokong isipin nila na nasisiraan na ako ng bait. Na nababaliw na ako o nawawala na ako sa sariling katinuan. “Reyna, anong nangyayari sayo? Bakit parang mas lumaki an nga eyebag mo at napapansin ko na lagi kang nakatingin sa paligid mo na para bang may kinatatakutan ka?” usisa ni nanay ng habang kinukuha ang mga maruruming kong damit sa silid ko. “Marami kasi akong mga ginagawa, Nay. Maraming pinapagawa sa akin ang mga direktor na dapat isulat ko kaya halos wala na akong nagiging tulog sa araw-araw.” Sagot ko pa. Mas dumami kasi ang mga direktor na nais akong makatrabaho. Kaya naman lalo talaga akong nag-iisip sa mga nakalipas na araw. Ngunit dumadagdag pa sa iniisip ko si Marites na parati na lang nasa paligid at ayaw akong lubayan. Madalas nakatabi siya sa akin at kung anu-anong mga ibinubulong kaya lalo akong naiirita at walang maisip para isulat. Kailangan ko pa naman na tapusin ang ilang kwento dahii uumipisahan na ang pagshoot ng mga pelikula sa susunod na buwan. “Baka naman magkasakit ka naman, anak? Baka isang araw ay makita na lang kita na wala ng buhay dahil sobra ka ng na stress? Dapat kasi ay huwag kang tanggap ng tanggap ng mga trabaho. Maganda naman ang maraming trabaho para sa malalking kita pero baka magkaroon ka ng problema kung hindi mo maasikaso ang iba.” Sermon ni nanay kaya naman lalo akong naiirita. “Nay, alam mo naman ang ginagawa ko. Hindi ko naman siguro tatanggapin ang mga trabaho kung hindi ko kaya. At saka bakit ba sa halip na suportahan niyo ako dahil nakamtam ko na ang mga pangarap ko ay parang pinapagalitan niyo pa ako? Hindi ba kaya naman kayo nakatira sa magandang bahay ngayon na malayo sa bahay sa squatter ay dahil sa akin? Kaya bakit kailangan niyo pa akong sermunan?” naiinis kong mga tanong sa nanay ko “Aba! Reyna, inaalala ko lang ang kalusugan mo. Hindi kita pinapagalitan o sinesermunan dahil sa gusto ko lang. Anak kita kaya alam ko kung ano ang nakakabuti at nakakasama sayo lalo pa at nakikita ko na bumabagsak ang pangangatawan mo.” Dagdag na sermon ni Nanay. “Palagay niyo ba hindi ko alam ang mga sinasabi niyo? Natural na grab ako ng grab ng mga trabaho dahil nga ito ang pangarap ko. Ang magsulat ng mga kwento na gagawing mga pelikula para makita ang pangalan ko sa big screen. Hangaan at palakpakan ng lahat dahil sa ankin na galing ko. Kaya huwag niyo na akong sabihan dahil naiirita ako sa kaingayan niyo.” Naiirita kong mga salita kay nanay na akala mo ba ay pitong taong gulang pa lang ako at walang alam sa buhay. “Bahala ka nga sa buhay mong bata ka! Ikaw na nga itong inaalala ay ano pa ang mga pinagsasabi mo! Kung hindi lang talaga kita anak ay hindi kita sasamahan dito sa bahay na ipinagmamalaki mo. Mas gugustuhin ko na manirahan sa squatter area na pinandidirihan mo.” Galit na wika ni Nanay sa akin. “Sige! Kung gusto niyong bumalik sa squatter na pinanggalingan natin ay bumalik na kayo! Hindi ko kayo pipigilan pero hinding-hindi na kayo makakatanggap ng kahit piso sa akin. Sawang-sawa na rin akong suportahan kayo at magbayad ng mga dapat sa bayaran sa bahay na yon! Akin lang lahat ng mga kikitain ko ngayon at hindi kayo makikinabang kahit isang kusing!” ang hindi ko naman ko rin patatalo na sambit kay nanay. Mabuti nga siguro na maghiwalay na kami para wala na akong obligasyon sa kanya, sa mga kapatiid kong walang pangarap sa buhay kung hindi ang maging construction worker na lamang. Mula ng kumita ako sa pagsusulat ay hindi ko man nasolo o na enjoy ang kinikita ko dahil lagi na lang dapat na unahin ang ibang mga dapat bayaran. Kaya ko naman na mag-isa dahil marami akong pera. Kayang-kaya kong maghanap at magbayad ng kasambahay na makakasama at gagawa ng mga gawaing bahay. “Talagang lalayas na ako at hindi mo ako kailangan na pagtabuyan. Sana nga makamit mo lahat ng mga pangarap mo. Sana nga maging matagumpay ka. Makilala ka bilang pinakamagaling at sumikat ka. Kait huwag mo na rin kaming alalahanin pa basta makuha mo lahat ng mga pinapangarap mo. Mabubuhay kami ng mga kuya mo na wala ang pera na pinagmamalaki mo, Reyna. Kaya kong magtrabaho at kaya kong pakainin ang sarili ko!” at saka na ako tinalikuran ni nanay at dire-diretso siyang lumabas ng bahay at walang kahit na anong kinuha sa loob ng bahay. Akala niya naman ay pipigilan ko siya. “Lumayas kayo at huwag na huwag na kayong babalik pa rito. Huwag na huwag din kayong lalapit at manghighingi sa akin ng tulong kapag kailangan niyo dahil hinding-hindi ko kayo tutulungan kaht na anong gawin niyo. Akin lang ang pera ko dahil ako lang naman ang naghirap para sa mga pangarap ko. Wala nga akong natanggap na suporta sa inyo. Ang alam niyo lamang ay tanungin kung may sahod na ako para makahingi na kayo ng pambayad sa mga utang niyo! Ngayon pa lang ay kalimutan niyo na ako at ituring niyo na akong patay na ako dahil para rin sa akin ay wala na kayo!” galit na galit ako kay nanay habang tuloy-tuloy lamang siya sa paglabas ng gate. “Kung yan ang gusto mo at ikakaligaya mo ay hindi ba ako tututol pa, Reyna. Huwag na huwag ka na rin tatapak sa lugar kung nasaan kami lalo na sa bahay dahil ang totoo hiyang-hiya na rin ako sa lahat ng mga kapitbahay at mga kakilala ko dahil sa ka tsismosahan mo! Pagod na pagod na rin akong pagtakpan at ipagtannggol ka sa tuwing may tatapat sa bahay at pagsasabihan ka tungkol sa mga pinagkakalat mong tsismis na nakakapanira ng puri ng isang tao. Malamang na tuwang-tuwa ang lahat ng mga tao sa barangay na nawala ka na sa lugar dahil nga nawala na ng reyna ng mga tsismosa. Ipinagmamalaki mo ang sarili mo dahil sa galing mo sa larangan ng pagsulat pero alam ba ng mga humahanga sayo kung gaano kasama ang ugali mo? Kung gaano ka sinusuka ng mga kabarangay natin dahil sa katabilan ng bibig mo at sa galing mong humabi ng mga kwento na base lamang sa iniisip mo at sa panghuhusga mo! Kaya dapat lang na natira ka na rito! ” sigaw din sa akin ni Nanay bago pa tuluyan na binuksan ang gate at tuluyan na akong iniwan na mag-isa sa malaki kong bahay. “Hindi ko kayo mga kailangan! Lumayas kayo at iwan niyo akong lahat dahil pabigat lang naman talaga kayo sa akin!” hiyaw ko pa sa katahimikan ng gabi dahil ako na lang naman ang nasa bahay. Walang kahit na sino kahit pa sa labas ng bahay. “Akala naman ninyo ay hindi ko kayo mga kinakahiya bilang pamilya ko? Kinahihiya ko kayo dahil hanggang diyan lang kayo! Hindi kayo gumagawa ng paraan para mas umunlad! Hindi kayo marunong mga mangarap at kuntento na lang kayo sa pagiging mahirap at masaya na kayo na makakain lang ng tatlong beses sa isang araw! Kaya kinahihiya ko kayong lahat. Hindi ako kailanman naging masaya na makasama kayo!” patuloy ko pang mga salita. Maya-maya ay may isang boses na naman ang pumailanlang at tumatawa. Iyong tipo ng tawa na nakakainsulto. “Ikaw na naman na demonyo ka? Bakit hindi mo ako lubayan?! Bakit hindi ka na lang magtuloy sa impyerno kung saan ka dapat dahil tanga ka naman! Tanga ka kaya ka namatay! Kaya tigilan mo ako at huwag mong ibunton sa akin ang sisi sa pagigung tanga mo, Marites!” Narito siya para pagtawanan ako dahil maginga ang sarili kong nanay ay iniwan na ako. “Nakakaawa ka naman, Reyna. Tsismosa ka kasi,” bulong ni Marites at saka binuntunan na naman ng nakakabinging tawa ang kanyang sinabi. “Ikaw ang nakakaawa dahil tanga ka! Kaya huwag mo akong sabihan na nakakaawa ako dahil marami akong meron na wala kang demonyo ka!” asik ko pa sa paligid dahil bukod tanging boses lang ang naririnig ko at hindi nagpapakita si Marites. “Ikaw ang nakakaawa, Reyna. Kailangan mo pang gumawa ng masama para lang makuha mo ang gusto mo. Kailangan mo pang magnakaw at pumatay para sa mga pangarap na hindi naman nararapat sa tulad mong wala man lang yatang kahit isa na magandang pag-uugali. Kaya tama ang nanay mo. Hindi ka kinaiingitan sa lugar niyo dahil nagawa mong umalis dun. Malamang na marami ang natuwa at nagpasalamat pa na nawala na ang reyna ng tsismosa sa kanilang lugar. Tsismosa na, napakasama pa ng ugali.” Pang-iinsulto pa ni Marites. “Wala akong pakialam kahit magpa-party pa ang mga squammy na yon! Ayoko rin naman sa kanila at ayoko rin na bumalik pa sa lugar na yon!” Sa ngayon ay dapat akong makahap ng sulusyon para mawala sa paligid ko si Marites lalo pa at ako na lang ang nasa loob ng bahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD