Episode 20

1400 Words
Hindi talaga ako pinatatahimik ni Marites. Kahit saan ako ay naroon din siya at laging nakapamatiyag sa akin. Alam kong inggit na inggit siya sa pagkapanalo ko sa love writing contest pero hindi ko akalain na kahit patay na siya ay susundan niya pa rin ako. “Miss Reyna, okay na ba ang script tanong ni direk?” Tumango ako sabay ngiti ng pagkatamis-tamis sa babaeng nagtanong sa akin sabay abot na ng isinulat kong kwento patungkol sa isang short love story. Kinakabahan nga ako at baka hindi magustuhan ng director ang sinulat ko pero ng mabasa niya ay panay ang tango niya at narinig kong nag-utos na ipamigay na sa mga talents ang mga kopya. Nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng pagmamalaki. “Ang galing mo talaga, Reyna…” bulong sa akin kasabay ng panlalamig ng katawan ko at pangingilabot ko. Si Marites ang bumulong. Narito na naman siya na parang aso na panay ang buntot sa akin Hindi ko na lang inintindi. Binalewala ko na lang at nagkunwari na wala naman akong naririnig. Patay na siya at buhay pa ako. Hanggang pananakot lang ang kaya niyang gawin pero hindi ako natatakot sa kanya kahit pa nakakatakot naman talaga ang mukha niya. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid at pinapanood kung ma-i-ideliver ba o maiaaerte ng maayos ng mga talents ang isinulat ko gaya ng kung paano ko ito sinulat. Napaangiti na lang ako ng mag-umpisa ng umikot ang camera at nariring ng nagsasalita ang mga sikat na celebrities na nagbabatuhan ng mga linya sa kwento na ako mismo ang gumawa. Tama. Ako mismo. Ako mismo ang nagsulat at nag-isip. Pero habang nanunuod ako ay lumilitaw si Marites sa kung saan. Tumatabi siya sa mga talents at gaya ng ginagawa niya akin ay parang may ibinubulong siya sa mga ito. At tumatabi siya sa direktor at nakatingin din siya sa camera na umiikot para kunan ang eksena. “Bakit ka ba naritong, demonyo ka? Bakit hindi ka pa bumalik sa impyernong pinanggalingan mo?” bulong ko. Ngunit maya-maya ay may mga nagsigawan. Nagkagulo ang mga talent na umaart kaya maging ako ay naalarma. “Anomg nangyari? Bakit bigla na lang nagliyab ang mga papel na hawak nila?” Napatda ako. Humihiyaw sa sakit ang babaeng celebrity na siyang bida sa kwento dahil sa tinamong pagkasunong ng kanyang kamay hanggang braso kaya natigil ng hindi oras ang shooting. Marami ang nagtaka at nagpalitan ng mga kuro-kuro tungkol sa nangyari na pagkakasilab na lamang bigla ng papel. Hinanap ko sa paligid si Marites. Nakakatiyak akong siya ang may gawa nitong pangyayaring ito. Hindi talaga siya titigil at nagagawa niya ng manakit dahil lamang sa sobra na siyang naiinggit sa akin. “Ano kayang nangyari at wala namang kahit na anong malapit na apoy pero biglang umapoy ang mga papel?” narinig kong tanong ng isang staff na ngayon ay nagliligpit na mga gamit. “Hindi kaya haunted ang lugar na ito at may masamang ispiritu tayong nagambala?” tanong naman ng isa pang staff at niyakap pa ang sarili habang tumingin-tingin sa buong paligid. Lunapit ako sa kanila para magtanong kung ano ba talaga ang nangyari. “Miss Reyna, hindi ba at ikaw iyong nanalo sa love writing contest?” tanong ng isa kaya naman mabilis akong napatango. “Pwedeng magpa-autograph? At saka na follow na rin kita sa acount mo Miss Author!” bulalas ng staff. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang fan na humahanga sa akin, hindi ba? Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at saka nagbigay ng mga autograph sa lahat ng mga lumapit sa akin. Tuwang-tuwa sila at nakikita ko talaga na sobra nila akong hinahanggan sa pagkapanalo kailan lang. May mga nagpicture pa sa akin kaya dapat pala ay lagi talaga akong handa sa mga ganitong pagkakataon. Dapat ay lagi akong maganda para maging maganda ako sa mga camera na kukunan ako. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya bago ako umuwi ay dumaan muna ako ng banyo. Maraming gumagamit ng cubicle kaya naghintay muna ako sandali sa mga matatapos. “Grabe raw ang inabot ni Miss Barbara. Nasunog daw ang kamay niya at mukhang magtatagal ang gamutan,” sabi ng isang babaeng nagreretouch na nakaharap sa salamin ng cr. “Paano kayang nangyari na bigla na lang umapoy ang papel na hawak niya, ano? Sobra kasing nakapagtataka talaga.” Sagot naman ng isang babae. Kung si Marites nga ang gumawa ng pagkakasunog ng papel ay hindi na maganda ang nangyayari dahil nakukuha niya ng manakit. Lumabas na ako ng cubicle ngunit katahimikan na ang sumalubong sa akin. Kung kanina ay maraming tao ngayon ay ako na lang yata ang narito sa loob. Naghilamos na muna ako dahil pakiramdam ko ay ang lagkit na rin ng mukha ko ngunit ganun na lang gulat ko ng makita na sa reflepleksyon sa salamin ang babaeng iniisip kong may kagagawan ng pag-apoy ng papel na hawak ng babaeng artista kanina. “Ikaw ang may kagagawan ng apoy, ano?” tanong ko pero nanatili lamang nakatayo si Marites. “Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit ba hindi ka na lang manahimik at tanggapin ang katotohanan na ako ang nanalo sa contest at hindi ikaw? At saka hindi ko kasalanan na tatanga-tanga ka at hindi mo napansin ang butas kung saan ka nahulog!” asik ko pa. Pero parang walang naririnig si Marites. Nakatayo lang siya sa tabi ko pero ang totoo ay walang kahit a sino sa tabi ko. Sa repleksyon ng salamin siya naroon. “Tumigil ka na, Marites! Huwag ka ng mainggit sa kung ano na ang nararating ko dahil patay ka na. Hindi ka na nabibilang sa mundo ng mga buhay kaya lumayas ka na at bumalik ka na sa impyerno kung saan ka galing!” pagtaboy ko pa sa kanya. Unti-unti siyang gumalaw at ngayon ay nakaharap na sa akin. Napaurong naman ako dahil patungo siya sa akin. “Anong gagawin mo? Huwag kang lumapit sa akin! Layuan mo akong demonyo ka!” Ngunit unti-unti pa rin siyang lumalapit. Hindi naman ako makatakbo sa pinto palabas ng cr dahil nasa likod niya ang pinto. “Huwag ka sinabing lumapit sa akin!” sigaw ko at hinahampas na sa kanya ang bag na dala ko. “Hindi kita titigilan, Reyna. Hindi ako titigil hanggat buhay ka.” Mahina niyang sambit sa akin. “Ang mga tulad mo ay ang mga dapat na hindi nabubuhay sa mundo.” Dagdag pa ni Marites at malapit na sa akin. Hindi na ako makaurong pa dahil pader na ang nasa likod ko. “Ano ba talaga ang gusto mo para tigilan mo na ako?!” galit na galit kong tanong. “Alam mo kung anong gusto ko, Reyna. Ang gusto ko mamamatay ka rin dahil ang mga kagaya mo ay ang dapat na namamatay at nasusunog sa impyerno. Napakasama mong tao. Tsismosa, mapanira ng kapwa, magnanakaw at mamamatay tao.” Sagot ni Marites na ngayon ay nakapantay na ang mukha sa mukha ko. Ang mahaba niyang buhok na sobrang gulo ay tumatakip sa mukha niya pero nasisilip pa rin ang mapupula niyang mga mata kung saan nanlilisik at nais na talaga akong tupukin. “Inggit ka lang kaya nasasabi mo yan! Hindi mo matanggap na ako ang nanalo sa contest, hindi ba? Hindi mo matanggap dahil asang-asa ka na ikaw ang mananalo dahil mas sikat ka kaysa sa akin. Pero mga judge ang humusga kaya wala ka ng magagawa pa. Ako ang nanalo at tanggapin mo ang katotohanan na yon!” Nakita ko na gumuhit ang nakakatakot na ngisi sa mga nangingitim na labi ni Marites. “Talaga ba, Reyna? Ikaw ba talaga ang nanalo?” sabay tawa ng malakas ni Reyna na ang sakit sa tainga na pinapakinggan. “Wala ka ng magagawa pa, Marites. Patay ka na! Patay ka na!” patuloy kong asik pero lalo pang tumawa ng tumawa si Marites. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga para hindi ko na siya marinig pa. “Anong nangyari sayo, Miss?” narinig kong tanong kaya nagmulat ako ng mga mata. Isang babae ang nakatunghay sa akin kasama ng iba pang mga babae sa likod niya. Bigla akong napatayo at hinanap si Marites sa paligid ngunit wala na kahit ang repleksyon niya sa salamin. Maraming tinatanong ang mga babae na nag-aalala marahil dahil inabutan nila ako sa sulok ng cr na halos nakaupo na sa baldosa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD