“Miss Reyna, ano ba itong mga gawa mo? Pang ilan na ito? Pangatlo na ito, hindi ba? Bakit ang layo yata ng mga isinusulat mo sa ipinasa mong kwento sa contest? Parang ibang tao ang gumawa ng winning story sa mga ipinapasa mo sa akin? Ano? Ibinigay mo na ba lahat ng best mo sa isang kwento kaya itong mga sumunod na isinusulat mo ay walang mga kwenta?!” asik ni direk sa akin matapos na naman niyang basahin ang pangatlo ko ng kwento. Ang una at pangalawa ay nireject niya dahil ng raw walang kwenta. At ngayon sa pangatlong pagkakataon ay ganun pa rin daw. “Hindi niyo pa rin ba nagustuhan, direk?” malumanay kong tanong dahil napapahiya na naman ako at marami na namang staff ang nasa paligid kasama na ang personal assistant na mukhang bisugo. “Miss Reyna, bobo ka ba o sadyang mahina ang utak

