“Sayo ba talaga tong sasakyan na ito, Reyna? Sobrang blessed ka talaga!” Nakuha ko na ang sasakyan ko isa rin sa mga premyo noong manalo ako sa love writing contest. Isang brand new toyota vios. Ayoko pa nga sanang kunin hanggat hindi pa ako natutong magmaneho ngunit naisip ko na baka mamaya ay magkaroon ng problema at hindi na ibigay sa akin. Naisip ko na lang na maghapan ng sariling driver na tatawagin na lang kapag kailangan ko. “Sa akin talaga yan, Rosa. At wala ng iba pang nagmamay-ari niyang kung hindi ako lang.” Sagot ko sa kaibigan kong hanggang ngayon yata ay hindi pa makapaniwala na meron na ako ng mga bagay na dati ay pangarap ko lang. “Sigurado naluluha ang mga mata ng mga taga dagat-dagat sa oras na makita nila na sakay ka nitong sasakyan mo. Ayaw mo bang umuwi muna sa

