“Bakla, ayos ka lang ba? Sigurado ka ba na ayaw mo ng magtagal dito sa ospital?” ang nag-aalalang tanong sa akin ni Rosa ng sabihin ko sa kanya na ayusin niya na ang naging bill ko para makauwi na kami. Wala naman akong sakit para magtagal pa rito sa pagamutan. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga ng maayos. Hindi ako komportable na maya't-maya ay may tumitingin sa akin at nagtatanong kung okay na pakiramdam ko. “Napaano ka ba, Reyna? Bakit parang may kausap ka kanina ng makita kita samantalang wala ka namang kausap? Panay pa ang pagsipa mo pero hindi ko maintindihan kung bakit sumisipa ka. Ano may nakikita ka na ba talagang hindi ko nakikita?” Naguguluhang sabi ni Rosa. Ayoko ng tanong ng tanong pero dapat nga ay magpasalamat ako kay Rosa na dumating siya kanina. Kung hindi siya dumat

