“Reyna, ang dami mo ng pera. Talagang bigatin ka na, bakla! Kung nasa barangay dagat-dagatan lang tayo ay paniguro na marami ng makikipagkaibigan sayo!” Nakuha ko na ang mga payment sa mga ginawa kong kwento sa ibang mga mini series sa tv network kaya may mga pera na naman na pumasok sa bank account ko. Si Rosa na rin kasi ang siyang nag-aasikaso ng lahat kaya siya ganito kasaya dahil binigyan ko siya ng malaking bonus. “Kaya malas ng pamilya ko na mas pinili nilang iwan ako at mabuhay sila sa squatter area na yon! Akala yata nila ay susuyuin ko sila para magkaayos kami? Bahala sila!” Mula ng wala akong naging sagot sa pamilya ko ng minsan silang mag message sa akin tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng nanay namin ay hindi na nila ako muli pang kinontak. Hindi sila kawalan. At hindi

