Marissa And Mark Story
Kwento ni Marissa at Mark
si marissa ay 34 taong gulang at pang lima sa kanilang magkakapatid. at siya ang bunso sa kanila kulay blonde ang buhok at maputi ang kanyang kutis at katamtaman lang ang kanyang tangkad. siya ay lumaki sa hirap ang kanyang tatay ay si Lito at ang kanyang nanay naman ay si Mona. ang mga magulang ni marissa ay mahirap lamang kaya si marissa ay nagbabanat ng buto para makapag aral. ang pamilya ni marissa ay mga pure muslim.
si mark ay matangkad moreno at higit sa lahat ay may kagandahang lalaki din. tulad ng ibang lalaki mapapahanga ka din sa kanya dahil siya ay may pagka bolero at mabait kung tatawagin. si mark ay isang christian at lumaki sa romblon.
kabanata 1.
Hindi naging madali ang buhay ni marissa dahil sa estado ng kanyang pamilya. ang kanyang ama ay utusan lang ng may mga kaya sa kanilang lugar. para magkaroon ng trabaho para may pang bili sila ng mga pangangailangan nila sa araw araw.
hindi man sapat ang kinikita ni Lito para sa kanyang mga anak ay kinakaya pa rin nila para mabuhay. at ang nanay ni marissa na si mona ay tumutulong din sa paghahanap buhay.
at kapag may nag haharvest ng palay o mais sa lugar nila ay kaagad ito pumunta upang makakuha at ito na ang kanilang ginagawa ng bigas ang palay ang harvest. at kapag mais naman ay binibilad muna bago ibenta at saka isalin at ibili ng bigas depende kung magkano lang ang halaga nito.
kaya sa limang anak ni Lito at Mona ay dalawang anak lang nila ang nakaya nilang papasok sa paaralan. at ang tatlong anak nila yon mga nakakatandang kapatid ni Marissa ay hindi man lang naranasan ang pumasok sa paaralan.
kaya ang ibang kapatid ni Marissa ay inorante at hindi marunong magsulat. si Marissa ay malaki ang kanyang pangarap. gusto niya maging nurse balang araw kung siya ay makapagtapos ng pag aaral.
kaya lahat ng ginagawa ni Marissa para siya ay makapag patuloy sa pag aaral. nagbabanat buto siya, kahit walang baon sa paaralan nag aral parin siya at hindi hadlang ang walang baon para hindi makapag aral.
mahirap kay Marissa ang ganung sitwasyon niya pero kailangan niyang tiisin para sa kanyang pangarap. hanggang sa dumating ang pagsubok sa kanilang pamilya.
nagkasakit ang kanyang ama, wala silang pera para magpa ospital ang kanyang ama.
“ Marissa anak, baka huminto ka muna sa pag-aaral dahil may sakit ang tatay mo at wala na akng alam, na tutulong sa akin kapag hindi gumaling tatay mo?”
ang sabi ni Mona.
“Nay maawa po kayo sa akin gusto ko po mag aral at pangako po hindi po ako hihingi ng pera para hindi kayo mahirapan sa akin.” ang sagot ni Marissa.
Ang pagsubok ng pamilya ni Marissa ay nalampasan pa nila at gumaling pa ang kanyang ama.
Sa pag aaral hindi maiwasan na may babayaran ka din sa paaralan at may project din.
kaya hindi maiwasan ni Marissa na humingi din sa kanyang magulang. Alam ni Marissa na makakatanggap siya ng sermon sa kanyang ina pero sinikap pa rin niyang sabihin dahil mag final exam na sila sa sunod na araw.

“ Marissa anak, baka huminto ka muna sa pag-aaral dahil may sakit ang tatay mo at wala na akong alam, na tutulong sa akin kapag hindi gumaling tatay mo?”
ang sabi ni Mona.
“Nay maawa po kayo sa akin gusto ko po mag aral at pangako po hindi po ako hihingi ng pera para hindi kayo mahirapan sa akin.” ang sagot ni Marissa.
Ang pagsubok ng pamilya ni Marissa ay nalampasan pa nila at gumaling pa ang kanyang ama.
Sa pag aaral hindi maiwasan na may babayaran ka din sa paaralan at may project din.
kaya hindi maiwasan ni Marissa na humingi din sa kanyang magulang. Alam ni Marissa na makakatanggap siya ng sermon sa kanyang ina pero sinikap pa rin niyang sabihin dahil mag final exam na sila sa sunod na araw.
kabanata 2.
Umiyak si Marissa dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pang bayad niya at pagbili ng project.
at kapag hindi siya makabayad ay hindi ma pirmahan ang kanyang clearance report.
Ganun din ang kanyang project at kapag hindi siya nakabili dalawang pirma ang hindi ma pirmahan sa kanyang clearance report.
gulong gulo si Marissa dahil walang wala ang kanyang magulang. Gumawa ng paraan ang kanyang tatay.
tumayo at lumapit sa mga kilala na may pera upang mangutang, pero hindi siya pinalad at wala itong nautangan.
walang magawa ang tatay ni Marissa kundi ang umuwi ng bigo at malungkot dahil hindi niya binigay ang kunting kahilingan ni Marissa.
“ Anak, ipagpaumanhin mo anak kahit saan na ako lumalapit sa mga kilala ko para mangutang pero wala talaga nagpahiram sa akin.” ang malungkot na sabi ni Lito sa kanyang anak na si Marissa.
“ Tay! bakit na po kayo kung saan saan lumapit alam niyo naman po walang nagpapautang sa atin, kasi alam po nila na wala tayong pang bayad?” ang iyak na sabi ni Marissa sa kanyang tatay.
“ Tumahimik na kayo diyan kung wala na talaga huwag na ninyo ipilit.” ang galit na sabi ng kanyang ina
“ Mabuti pa po siguro tumigil na ako sa pag aaral kung ganito lang ang mangyayari sa akin.” Ang mahinang sabi ni Marissa at hindi niya mapigilan umiyak.
Pinaghinaan na ng loob si Marissa dahil hindi na niya alam kung paano siya makapag exam kung wala silang mahanap na pera.
mahirap sa kalooban ni Marissa ang nangyayari pero wala silang magawa kundi ipasa diyos na lang ang lahat ng nangyayari.
alam nilang sa hirap ng buhay ay makakayanan kung sama sama ang buong pamilya. Walang ibibigay ang panginoon na pagsubok na hindi malalampasan.
Pilitin man ni Marissa na magpatuloy sa kanyang pag aaral ay wala siyang magawa matanda na rin ang kanyang magulang at wala na silang mapagkukunan ng pera.
ayaw man ni Marissa na huminto sa kanyang pag aaral pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang katotohanan na hanggang fourth year high school nalang siya at hindi na siya makaakyat sa entablado upang mag martsa.
walang magawa c Marissa kundi umiyak at tanggapin ang katotohanan. Nagpasya siya na lumayo sa bahay nila at doon muna sa ate niya dahil hindi niya kaya makiya ang kanyang mga classmate na pumapasok sa paaralan.
“ Nay! ngayon po na hindi na ako nag aaral nakikiusap po ako doon muna ako kila ate Nora, gusto ko umiwas at lumimot.” Ang sabi ni Marissa habang umiiyak.
Hindi na kumuntra ang ina ni Marissa sa sinabi ng kanyang anak dahil alam niya kung gaano nasasaktan ito.
Marami ang nabigo at nasayangan sa pag hinto ni Marissa sa kanyang pag aaral pero wala silang magawa kundi tanggapin ang pasya ng kanyang kaibigan.