Hindi kumibo si Rafael, bagkus hinila niya ako papasok sa kubo. Binitawan niya ako pagpasok namin sa loob. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sakin at para ba akong hinubaran sa kanyang mga titig. Napapitlag ako sa aking iniisip at pumunta na lang sa kusina upang uminom. Nanginginig kong tinungga ang tubig at unti-unting rehistro sa aking isipan ang aking nagawa. Mga pagkakataon na hindi ko mawaksi at ma-ipagkaila sa aking sarili. "Can we talk?" Nagulat ako sa pagsasalita ni Rafael. "Para saan pa?" Pilit kong tinatago ang aking pag-alarma sa presensya niya. Lumapit siya sakin at mabilis naman akong naglakad pabalik sa sala. "Wala tayong dapat pag-usapan," "Meron. Bakit hindi mo na lang aminin ang nagawa mo sa kuya ko para matapos na ang kahibangan ko." Nagulat ako sa diretsong niyang

