Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan matapos marinig ang boses ni Rafael. Kanina pa ba siya sa may pintuan. Lumapit siya sa amin at tiningnan si Rica. "Diane, labas muna ko." sabi ni Rica at nagmadaling siyang lumabas. "Nagugutom po ba kayo Sir?" pormal kong sabi upang maiwasan ko ang kanyang tanong. "No," usal nito at naglakad sa sala at umupo. "May kailangan po ba kayo?" "Oo," Mabilis na sagot nito at tinitigan ang aking mga mata. "Ano po ang maipaglilingkod ko?" tanong ko ng direkta sa kanya na walang kurap kahit na sobrang bilis ng t***k ng aking puso. Animo’y may mga dagang tumatakbo rito. "I wanted you to unfold everything," Napakunot ang noo ko sa kanyang tinuran. "Unfold?" "Oo, I want you to reveal to me everything," giit niya. Natuwa ako na may pag-asang paniniwa

