Nakatitig lamang ako sa rearview mirror at umaasang babalik si Rafael. Ilang oras na ang nakakalipas matapos siyang mag-walk out. Sa isang iglap may biglang isang lalaking papalapit sa akin. Akala ko hindi na niya ako babalikan. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanya. Nadismaya akong makita na hindi si Rafael ito bagkus si Matt. "Ano na naman ginawa mo sa kanya?" tanong nito. "Wala akong ginawa sa kanya. Sinabi ko lamang ang totoo." giit ko. Umiling lamang ito at binuksan ang driver seat. "Sumakay ka na. You should be thankful that Rafael did not force you to surrender at the police station." dagdag nito at pinaandar na ang sasakyan. Tumahimik lamang ako sa aming buong byahe. Makalipas ang kalahating oras huminga ako ng malalim at humarap kay Matt. "Pwede bang iuwi

