Tumahimik na lamang si Rica at pinagpatuloy akong pakainin. Sa dami ng pinagdaanan ko dito sa islang ito bakit ba akong patuloy na nahuhulog kay Rafael. Umiling ako nang susubuan akong muli ni Rica. "Busog na ko," "Ano ka ba, nakaka-dalawang subo ka pa lamang. Kailangan mong magpalakas," sagot nito at pinilit pa akong pakainin. Wala akong magawa at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain ng biglang nagbukas ang pinto ng silid. Humahangos pumasok si Matt at iniabot sa akin ang isang sulat na nakabalot sa makukulay na papel na may hugis rosas. Hindi siya nag-salita at lumabas na ng silid bago pa akong magtanong sa kanya. "Ano yan?" usisa ni Rica. "Hindi ko rin alam," sagot ko at akmang bubuksan ito ng hablutin ni Rica sa kamay ko. "Akin na yan," giit ko. "Ako nang magbabasa! Mahirap na baka

