CHAPTER 6
2:30 pm na nang makarating kami dito sa Calatagan Batangas beach resort,meron daw kasi silang rest house dito oh diba ang sosyal ng magpinsan parest house rest house nalang,sa tv ko lang naririnig at napapanood ang pagpunta sa mga rest house na yan ngayon eto nandito na kami. Bigatin talaga tong bff ko at ang asungot nyang pinsan eh.
"Racs bilisan mo dyan swimming na tayo" magkasama kami sa kwarto ni rejs habang sina ced at si mr.bwiset nasa kabilang kwarto magkasama.
"Excited ka naman rejs,hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo?"
"Eh bukas ng hapon uuwi na rin tayo kaya sulitin na natin to noh,minsan ka lang makapag enjoy dahil puro ka aral trabaho aral trabaho"
"Oo na sige na antayin mo na ako sa labas"
"Syempre magbihis muna ako at magbihis ka na rin" ani rejs.
"Sabi ko wag ka magshort eh,nagswimsuit ka nga takip na takip parin naman nakakainis ka talaga racs!!ang sexy sexy mo naman pero ayaw mo maging confident pagdating dyan sa katawan mo" iritable saad ni rejs sa akin.
"Rejs parang di mo ako kilala ah alam mong di ako komportable sa mga ganyan"
Iritable rin ako dahil pilit sya sakin ng pilit na suotin ko etong suot ko ngayon,pumayag na nga akong suotin ko kahit di ako kumportable tapos gusto nya pa alisin ko yung maong short ko. Eh kahit papaano nga medyo naging komportable ako sa pinasuot nya sakin dahil nagmaong short ako tapos gusto nya pa ipahubad sakin tong shorts ko.
"Maputi naman mga singit mo racs,bakit hindi ka komportable?"
"Basta rejs wag ka ng makulit ayoko nga saka ano ba problema sa suot ko eh maong lang naman dinagdag ko maganda parin naman tignan"
"What ever! Tara na nga hays" hinatak nya ako papuntang palabas ng kwarto para makapunta na kami ng seashore pagkalabas pa lamang namin ng pinto namin bumungad na agad sa amin ang dalawa.
"Ang tagal nyo na-------Owww wowww racs first time kita nakitang nakaganyan ah,sa buong pagkakaibigan natin at pag swimming natin lagi kang nakarash guard" napa-o pa ang bibig ni ced halatang gulat na gulat at akala mo ay impress na impress.
"Ano ka dyan? Pinilit ko lang yan tapos ayan nagshort pa" inis paring saad ni rejs
"You look so beautiful and hot" ani mj habang tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Shut up!!! Ang manyak mo tumingin,stop staring at me" bulyaw ko sakanya.
"Grabe ka naman sakin pinupuri ka na nga eh"
"Di ko kailangan ng papuri mo"
"Ang sexy mo racs paisa nga" alam kong nagbibiro si ced dahil halatang halata naman at sanay na sanay na ako saknya,sa sobrang tagal naming magbff pa naman eh. He's pervert talaga pero alam naming biro lang lagi.
"Ulol" I raise my middle finger to him.
"You're so pervert talaga"
"Huy nagseselos yung REGINA ko,wag ka mag alala sayo lang ako bente otso" napahalaklak naman ako sa kakatawa dahil sa sinabi ni ced kay rejs.
" F**k you" she raise her middle finger to ced
"okay come on f**k me" panghahamon ni ced kay rejs at bigla nya itong inakbayan habang kami tawa ng tawa si rejs naman ay pikon na pikon sakanya.
"yuck you're so pervert talaga,let me go." inalis nya ang pag kaakbay sakanya ni ced sabay tumakbo sa seashore at hinabol sya ni ced. Ang cute talaga nila tignan,ewan ko ba bakit hindi naging sila pihikan kasi talaga tong si rejs eh pero di ko sya masisisi dahil babaero tong bff ko. Pero naalala ko noon way back second year kami sasagutin nya na sana si ced kaso biglang may umeksena sakanila...
"Asaan ba si ced? Sasagutin ko na sana sya racs eh."
"Really?" gulat na gulat pa ako
"Oo ayaw mo ba? HAHAHA" ngiting ngiti naman ang bff ko na halatang kilig na kilig.
"Tara hanapin natin baka nasa court at may training." pagkarating namin ng court ay nagulat kami at nabigla kami sa nakita namin. Kahit nakatalikod si ced alam naming si cedrick yon,napahinto kami sa paglalakad. May kahalikan si cedrick,napahinto sya ng tumingin samin ang babae at nilingon nya rin kami. Nagulat ako ng makita ko ang babae. Si Lycaaaa.
Si Lyca ang ex gf ni Gerald. Gerald was the first guy who broke the heart of my bestfriend rejs. Way back first year college ,Si gerald ang first bf ni rejs nagbreak sila dahil kay lyca which is naging third party and then after the break up of gerald and rejs,Lyca and gerald became couple together. Saksi ako sa lahat ng pagsasuffer ni Rejs dahil kay gerald at lyca,that time pausbong palang friendship namin ni rejs and then when they broke up,i help rejs to move on and i help her for everything,even in school works that why she passed all her subjects. Our friendship became deeper to the point we became bestfriends and we treat each other like real sisters. Kaya nga natira ako sa condo nila eh. Tapos etong si gerald nahuli si lyca na nanlalaki,ayan nakipagbreak sya kay lyca then hinabol habol nya si rejs which is maa lalong naging mahirap kay rejs dshil nagmomove on na sya at malapit na sya sa stage na mapatawad si gerald at kalimutan na ito pero hindi ko iniwanan si rejs lalo na sa sitwasyon nya. Ang tagal ring nangulit ni gerald sakanya siguro he saw the worth of my bestfriend but suddenly rejs is moving forward and i'm happy for her and thankful for that. Kaya siguro etong Lyca na to naghihigante dahil galit na galit sya kay rejs. Papalapit na kami ng biglang tumakbo palabas si rejs.
"I'm sorry racs,Let me explain dude."
"Dude mo mukha mo gago ka,tinuring pa naman kitang matalik na kaibigan binalaan na kita na wag mo sasaktan si rejs wala pa man din kayo niloko mo na sya. Gago ka wag ka sakin magsorry ulol ka." inis na baling ko sakanya sabay sinikmuraan ko sya at narinig ko pa ang pag aray nya saka ako umalis at sinundan ni rejs.
Nasaktan si rejs pero buti nalang hindi na sya ganun naging broken katulad nung kay gerald. Lagi kamong sinusuyo ni Ced pero lagi rin kaming umiiwas hanggang sa umabot rin ng ilang buwan pagsuyo nya samin ni rejs pero ako isang buwan lang nya sinuyo dahil pinatawad ko rin agad sya sa nagawa nya kay rejs after all kasi bff ko parin sya lalo na pag may nakakaaway ako/kami sya ang taga pagtanggol namin,pinaliwanag nya rin naman ang lahat na sineseduce daw sya ni lyca lalaki lang daw sya at tao lang kaya di nakapagpigil,pinaintindi nya rin kay rejs yon pero mga 2 and half months siguro bago nya napatawad si ced. After all that happened,the three of us decided to forgot what happened like it didn't happened. We became bestfriends,Rejs and Ced clear all the things. Napag usapan naming tatlo na wala ng string attach or kung ano anong jowa saming tatlo,kung magjowa man hindi samin,like hindi ako pwede magkagusto kay ced at hindi rin sya pwede magkagusto sakin,hindi rin pwede silang magkagustuhan ni rejs at hindi rin kami pwede ni rejs na alam kong malabo hahahahaha kaya kaming tatlo,we became stick and strong together.
"Hoy ayaw mo ba magswimming? Hello? Can you hear me? Are you there? Are you blind? or what?" nabalik ako sa reyalidad ng iharang harang pa ni mj ang kamay nya sa mukha at kinaway kaway yon na animo bulag ako,hinampas ko ang kamay nya.
"Ano bang pake mo? Ikaw ata ang bulag,hindi mo ba nakita na ayaw kitang kausap"
"Palusot ka pa,eh kanina ka pa tulala siguro iniimagine mo crush mo noh at alam kong ako ang crush mo dahil sobrang gwapo ko noh"
"Parang nilamig ako bigla ang hangin dito grabe" sabay niyakap ko ang sarili ko na nagkukunwaring nilalamig,tumayo ako sa pagkakaupo sa buhangin. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako dito sa buhangin nung inaalala ko nakaraan namin kanina. Pinuntahan ko sina rejs na nagsiswimming sa dagat.