CHAPTER 5
"Racssss wake up, racs wake up!!! "
Di ko namalayan nakatulog na pala ako kagabi, nagising nalang ako sa ingay nitong bestfriend ko habang dinadaganan ako at dahan dahankong minulat ang mga mata ko.
"Yesss finally nagising ka na rin. May duty ka ba ngayon? "
"Hmmmmm"
"Huy ano ba may duty ka ba? kasi alam ko wala eh?"
"Ha anong wala? " isang mata ko lang ang nakamulat at nakatingin sakanya.
"Saturday ngayon,diba may itetrain si ate sally kaya hindi ka pinapapasok ng boss mo. "
naalala ko nalang bigla, oo nga pala di ako pinapapasok ng boss ko dahil may bago employee
"Oo, oh ano naman? "
"Tara na bumangon ka na dyan, may pupuntahan tayo come on. Hanggang bukas wala kang pasok diba! Tara naaaa" hinatak nya ako patayo kahit tamad na tamad pako bumangon ay wala akong nagawa kundi bumangon parin.
"San ba tayo pupunta? "
"Basta maligo ka naaaaa"
Wala na rin ako nagawa kundi maligo. Halos 30 minutes ata ako sa banyo bago lumabas at nagbihis habang si rejs inaantay ako sa sala. Pagkalabas ko agad naman tumingin si rejs sa akin.
"Bakit ganyan suot mo?" her lips parted na halatang gulat na gulat. Nakashort akong maong at plain black t-shirt.
"Bakit ano masama? San ba kasi tayo po pupunta? Kailangan ba nakagown pa? HHAHHAAHHA" pagbibiro ko sakanya.
"Gaga basta mag casual ka naman kahit jeans tapos hanging croptop. Ganun gusto kong pormahan mo eh. "
"Ano ba yannnnn"
"Dali naaaaa"
Nagpalit nalang ako, gaya ng sinabi ni rejs nag rip jeans kulay blue nalang ako tapos hanging croptop na kulay gray,tinernuhan ko ng white na converse. Pagkalabas ko napa o ang bibig ni rejs na tinawanan ko lang,nagbiruan pa kami habang papuntang parking lot nang makarating na kami ng parking lot nagulat ako ng pumasok si rejs sa backseat,hindi pa nagsink in sakin agad natauhan nalang ako ng buksan ni rejs ang bintana ng kotse nya.
"Hey racs what are you doing? anong tinatayo-tayo mo dyan,pumasok ka na. ay oo nga pala sa front seat ka,sumakay ka na wag ka na maraming tanong." natauhan ako sa sinabi nya kaya sinunod ko nalang ang sinabi nya at laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa driver seat.
"what are you doing here?" tanong ko sakanya pero bago sya sumagot nilingon ko si rejs na nakapeace sign.
"are you saying he's going with us?" nagtataka at inis kong tanong.
"come on racs,sya may pakana nito inaaya nya kami ni ced na magbeach daw tayo saka we need a break noh dahil sobrang stress at pagod tayong lahat. please racs? wag ka ng kj." paawa effect nya pa.
"paanong----" pinutol agad netong bwiset na katabi ko ang sasabihin ko.
"susunduin na natin si ced at isa pa kanina pa sya nag aantay satin,all are settled kaya wala ka ng poproblemahin pa pati na rin ang mga isusuot nyo maayos na kumpleto na ang lahat. kaya ano let's go?" sabay tanong nya samin ni rejs,di nako sumagot dahil wala na rin akong magagawa at si rejs mukhang excited na excited na.Mabilis lang namin nasundo si ced at nasa byahe na kami.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" iritado kong tanong.
"Hindi ko nga alam dito kay teptep eh basta sabi nya lang magbeach tayo pero mukhang exciting." sagot naman agad ni rejs.
"Oo nga wag ka na maarte racquelita." pang gagatong ni ced na kinainis ko dahil sa pagtawag nya sa first name ko.
"what ever rogelio" palaban kong sagot.
"ayan buti nga kanina ka pa rogelio eh" sabat ni rejs.
"ah rogelio pala huh. crush mo talaga ako eh noh REGINA JUSTINE"
"ew kadiri ka ROGELIO CEDRICK"
tinulak tulak ni rejs si ced na parang diring diri sya at nag asaran sila ng nag asaran,
"bagay talaga kayo" sambit ko na nagpatigil sa dalawang aso at pusa ,sinamaan naman ako ng tingin ni rejs at si ced naman tumawa ng nakakaloko ay sumabay akong tumawa.
"oo you two are cute couple" gatong naman netong katabi ko.
"diba sabi ko sainyo bagay kayo eh"
"bakit hindi nalang kayo?hahaha"
"di ko pa kasi sya sinasagot bro eh"
"ang kapal mo rogelio dun ka nga" sabay tulak ni rejs kay ced
"wait ngayon lang kayo nagkasundo ah hahahahaha" pang babalik naman ng asar ni rejs samin ni mj
"whatever" matipid kong sagot at saka umayos ng upo at tumingin nalang sa gilid ng bintana.
"ganyan ba talaga kayong mga babae pag type nyo kaming mga lalaki susungitan nyo lagi? diba bro?" tanong ni ced na kinagulat ko.
"oo nga bro eh hirap maging pogi noh"
"sobrang hirap"
"ang kakapal ng mukha nyoooo" sambit ni rejs,nilingon ko si ced at binatukan ko etong katabi ko naman ay kinurot ko.
"stop it nagmamaneho ako,mamaya nalang tayo maglambingan" pang bibwiset sakin netong bwiset na to.
"ayieeee huyyy ayan huh may tinatago siguro kayo samin noh"
"oo nga racs kala ko ba walang secrets bat may hindi ka ata sinasabi sakin"
"both of you shut up mema lang yang pinsan mo rejs inaasar lang ako lagi nyan"
"crush kasi ako nitong bff mo rejs eh." pagyayabang na naman netong bwiset na katabi ko at bigla ko syang hinampas.
"ouchhhh violent ka talaga perp i like it talaga hahahaha"
"mamaya na kayo maglambingan nagugutom nako,bro daan ka naman drive thru" saad ced kaya pinanlakihan ko sya ng mata.
"what? nagugutom na talaga ako" di ko ma sya pinansin at binalik nalang ang tuon sa binatana.
"okay may malapit na mcdo sa dadaanan natin ano ba sainyo?"
"cheesy burger bff fries"
"ganun nalang din ako."
"how about you?" tanong sakin ni mj na nakita ko sa side ng mata ko na nakatingin sya sakin.
"i'm not hungry" tipid kong sagot.
"come on don't be mad,i'm just kidding"
"yieee sinusuyo na agad wala pa ngang sila. nice one bro" pang eepal na naman netong si cedrick.
"CEDRICKKKK!!!" rinig kong pagbabawal ni rejs kay ced.
"why? naiinggit ka ba? gusto mo ba suyuin din kita kasi ikaw lagi ang sumusuyo sakin?"
"shut up" halata g inis na si rejs kaya tumigil na si cedrick.
°°°°°°
"Two order of bff fries,eight na cheesy burger with drinks and four sundae" naanlimpungatan ako sa boses na narinig ko na siguro akong si mj yon.
"ang dami naman nyan tep"
"okay lang yan kaya natin ubusin yan"
"oo nga kasi medyo malayo pa byahe para in case magutom kayo pero meron din naman akong mga dalang snacks sa likod." sagot ni mj. Agad din namang nagmaneho si mj ng matapos ibigay ang order,inabot nya sa likod ang isang bff fries,apat na burger,apat na coke,at dalawang sundae. Inabutan nya naman ako ng dalawang burger,dalawang coke at isang sundae di na ako nag inaarte dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.
"Eto yung fries,hati tayo kuha ka nalang" sabay turo nya sa gilid nya at tinanguan ko nalang siya.
"thanks" matipid kong sagot