CHAPTER 4

683 Words
CHAPTER 4 Buong byahe tahimik lang ako kahit angdaldal netong katabi ko,di ko nalang sya pinapansin kahit papansin masyado. Eto namang bff ko tulog na tulog sa likod,mukhang pagod na pagod sobrang nakakapagod kasi role play lalo na sya pa ang bida hahaha best actress kasi tong bff ko eh. Hanggang sa nakarating na kami sa condo ni rejs,ginising ko na sya at gumising rin naman agad dumiretso kami sa elevator kahit second floor lang naman ang condo ni rejs pano ang tamad netong bff ko since day one talaga ayaw nyang maglakad sa hagdsn ewan ko ba dito. "Racs pakiluto mo nalang ulam sa ref,ikaw na bahala kung anong lulutuin mo kasi inaantok na ako baka mamaya nalang ako kumain if magising ako mamaya,sa guess room ka nalang matulog tep tapos tulungan mo si racs ilipat yung mga gamit nya papunta dito sa kwarto ko,racs napag usapan na natin to diba sige na sleep nako guys wag kayo mag away please good night" di na kami nakasagot dahil dere deretso na syang pumasok sa kwarto nya. Dumiretso naman ako sa kusina para magluto,hindi ko na tinanong si bwiset kung ano gusto nya bahala sya noh.Ewan ko di naman ako rude na tao pero pagdating sakanya lahat ng bad sides ko nalalabas ko nakakainis kasi sya. Habang nagluluto ako may naramdaman ako sa likod ko. "Ang bango naman at mukhang masarap,alam mo ba paborito ko yang adobong baboy na yan tapos maraming sili." masigla ang boses nya,kahit papaano pala nakakatuwa rin sya pero ngayon lang dahil masigla sya at hindi nang aasar. "anong mukha? masarap talaga syempre ako nagluto"  mataray kong saad ng hindi sya nililingon. "ang sungit mo lagi sakin bakit ganyan ka?" "bakit di mo itanong sa sarili mo? saka pwede ba wag ka magulo dahil nagluluto ako,istorbo ka." "okay fine lava balls" "shut up" °°°°°° Natapos na ako magluto at nakapagbihis na rin,kumakain ako sa lamesa ng biglang sumulpot ang mokong. "Uy bakit di ka naman nag aaya? luto na pala,naamoy ko lang sa kwarto ko kasi ang bango talaga nakakagutom." "what ever" tinarayan ko nalang sya at pinagpatuloy ang pagkain. "want some water? or juice?dapat hindi ka kumakain ng walang nakahnda na water or juice dahil baka mabulunan ka." wow concern huh "water" tipid kong sagot. "may pinag iipunan ka ba?" napatingin ako sakanya habang nilalapag nya ang tubig sa tabi ng plato ko. "excuse me?" "may pinag iipunan ka ba kako?" ulit nya pa. "pick up lines ba yan or what?" "tanong yan lava,tanong" "ewan ko sayo" umirap ako at inalis ko ang tingin sakanya "kasi naman ang tipid mo lagi magsalita pag kausap mo ako kaya baka kako may pinag iipunan ka" sabay tawa sya. "haha funny" i said it sarcastically. "corny ba? hahahahaha" di ko na sya pinansin,dinedma ko na sya hanggang sa matapos ako kumain at nagpunta na ng kwarto,tinabihan ko na si rejs na mahimbing ang tulog. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cp ko may nagnotif galing sa sss,tinignan ko agad ito. *MJ Soriano added you* di ko pa naaunlock yung cp ko tumunog na agad uli,notif naman galing sa messenger. *Mj Soriano wants to send you a messages* pinindot ko muna yung sa sss notif,pinag iisipan ko kung iaccept ko ba. Inistalk ko muna sya,wow 5k followers mukhang famous at ang daming commenters at reactors. Di ko sya inaccept at nagpunta na ng messenger para makita kung anong message nya,pagkabukas ko sa message nya. (Hey accept mo ako,famous ako noh!! Let's hang out tomorrow.) Sineen ko lang sya at pinatay na ang cp ko di na ako nag abalang mag reply sakanya dahil hindi rin naman ako interesado.Pipikit na sana ako ng tumunog na naman. (Pati pa ba naman sa messenger ang sungit mo? Crush mo siguro ako noh :) HAHAHAHA) kapal ng apog nito ah. nakakainis. (Ayoko kita kausap. Duh hindi kita type presko.  Stop messaging me.)  reply ko saknya dahil nakakainis talaga sya.  Nagreply naman agad sya. (Ang cute mo HAHAHAHA naiimagine ko mukha mo na pikon na pikon sakin my lava balls) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD