CHAPTER 3
"Baket racs?Ang taas non ah." tanong ni rejs sakin.
"Duhhh ayoko makasama yang bwiset,bastos,walang modo at presko na lalaki na yan,grrrr" inis na inis kong sabi.
"Baket racs? Sya ba yung tinutukoy mo sakin kanina?" sabat naman ni ced at tumango nalang ako dahil sa sobrang inis ko.
"Duh ayoko rin kita makasama at sino ka ba?"
"Aba gago ka ah." Akmang sasasapkin na sya ni ced ng biglang awatin ni rejs si ced.
"Wait,wait,wait stop it guise. He's my cousin"
"Cousin?"
"Pinsan?" sabay naming sambit ni ced na halata sa boses naming gulat na gulat kami,dahil nakakagulat naman talaga.
Ang hambog na lalaki na to pinsan ng bestfriend ko? WTF?
"Ang taas uli ah,Oo guise pinsan ko sya and racs sya yung tinutukoy ko sayo na pinsan ko na mag tatransfer dito sa school natin at pansamantalang dun muna sya sa condo ko hanggat di pa tapos gawin yung condo nya.remember? i told you before at pumayag ka naman." bigla kong naalala ang sinabi nya sakin last two weeks nung nasa car nya kami at nasa byahe kami way to her condo. Grrr. Pano ba to? di ko kaya makisama sa lalaking ganto...
"Baket pinapaalam mo pa sakanya rejs? eh pinsan mo naman ako,sino----" pintulo agad ni rejs ang sasabihin ng preskong lalaki na to
"Shut up MJ. wala kang pake,she's my bestfriend and if you don't like her, go find your own place." natuwa naman ako sa sinabi ni rejs talgang mahal ako ng bestfriend ko.
"Ok fine. " sabay inangat nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.
"Rejs let's talk outside Yung dalawa lang tayo."
"Okay sige,Ced samahan mo muna si mj at magtext nalang ako sainyo kung san tayo magkita after namin mag usap ni racs, please lang wag kayong mag away mag uusap lang kami ni racs.Both of you Behave ok?" maotoridad na sambit ng bff ko sa dalawang mokong,at iginaya nya nako papuntang cr.
"So ano yon bff ko?" tanong agad ni rejs sakin.
"Rejs sorry huh,pero di ko kaya makasama yung bwiset mong pinsan na yon. is that okay with you kung dun muna ako kila ced? pakikiusapan ko nalang si granny dahil for sure kay ced wala namang problema." pakiusap ko sa bff ko.
"racs naman wag moko iwan please."
"parang tanga to,di naman kita iiwan dun lang muna ako kila ced habang nandyan pa pinsan mo."
"ihhh racs pleaseeee?" nagpuffy eyes pa sya at parang nagmamakaaa pa ang mukha nya na nagpaguilty sakin pakiramdam ko tuloy sobrang arte ko,di pa ako nakakasagot ay sumagot na uli sya agad.
"okay gets ko na. sya nalang ang hindi ko patuluyin tutal marami naman syang pera magdorm muna sya." nakonsensya naman agad ako sa sinabi nya
"huyy wait rejssss,ano kasiii---" di pako natatapos sumagot na sya
"Ano racs?"
"galit ka ba? sige na nga di nako aalis wag mo na paalisin pinsan mo,basta awatin mo yan pag bwibwisetin ako ah"
"yeheyyyy yonnnn oo ako bahala say wag kang mag alala" sabay yakap nya sakin. Tinext nya agad si ced pero di nagreply kaya tinawagan nya at sinagot naman nito,sinabi nitong nasa sm na sila kung saan tambayan namin at kung saan ako nag part time. Wala pang ilang minuto nakarating din kami agad dun,pagkarating namin may order na agad sila na para samin.
"okay magkakilala naman na siguro kayo?" tanong ni rejs kina ced at sa hambog na nasa harapan ko habang katabi ko naman si rejs at sa harap nya si ced.
"yes" sabay nilang sagot
"okay gotcha. So teptep this is racs my bff since senior high day.and racs this is my cousin teptep." nginitian ko sya ng hilaw at nakipagkamay sya sakin.
"Mark Jhoseph Sy Soriano nga pala but you can call me mj pogi" Nginitian nya ko na lalong kinainis ko.
"Racs" matipid kong sagot, Hinimas himas nya pa kamay ko na parang ayaw bitawan kaya lalo kumulo dugo ko sakanya. Pinisil ko ang kamay nya at pinaikot ikot ang mga buto nya na ininda nya agad.
"Aawww---arayyyyy" sabay hatak nya sa kamay nya kaya nginitian ko sya ng nakakainis na ngiti hahhaha bwiset kang lalaki ka ah.
"Racs what? I told you my full name tapos ikaw mukhang nickname mo lang ang pkilala mo and wait you look familiar,anong apelido mo?"
"wala ka na dun."
"bernardo" sabay na sagot namin ni ced. pinanlakihan ko naman sya agad ng mata dahil sa kaepalan nya sabay peace sign sya sakin.
"ah wait" bigla syang tumingin sa itaasat humawak sa baba nya na parang may iniisip at inaalala na nagpakunot naman ng noo ko.
" i know na, racquelita rose huh?"
"and so?" pag tataray ko naman sa mokong na pangit na to.
"ah ikaw yung first honor sa school board right?"
"anong pake mo?"
"lava balls ka talaga" sinipa ko ang binti nya sa ilalim ng mesa.
"Ouchhh!!! Violent ah i like it" Ngumisi nanaman sya ng nakakabwisit
"hey racs stop that,kumain na nga tayo guise. " sabat ni rejs. Kumain na rin kami at pagkataps dumuty na rin ako. Mabilis lang ang naging oras,natapos na rin ang duty ko at nagulat pako ng kasama parin ni rejs ang pinsan nyang bwiset pero si ced mukhang umuwi na kanina pa as usual,sanay na rin naman akong ced hindi na rin ako nagulat. Naglakad na kami papuntang parking lot at pagakarating namin sa kotse ni rejs ay nagsalita ang pinsan nya.
"Rejs wala ako dalang car naggrab lang ako kanina,akin na susi mo ako na magmaneho."
"okay" sabay abot nya ng susi
"racs okay lang ba sa back seat na muna ako gusto ko humiga,sleep lang ako saglit mukhang inabutan tayo ng rush hour at traffic na naman eh,pleaseee racsss?" pag pipilit ni rejs sakin na hindi ko mahindian.
"okay sige" kahit naipilitan akong tumabi sa bwiset na mokong na to.Pagkapasok sa kotse nahiga agad si rejs na mukhang pagod na pagod nga,nagulat ako ng biglang lumapit ang mukha ng mokong na pinsan ni rejs sakin,tinulak ko agad sya.
"what do you think your doing?" mataray kong tanong.
"assuming ka naman lava balls,ikakabit ko lang yung seatbelt mo dahil mukhang di ka marunong magkabit baka mahuli pa tayo,amagbayad pa ko ng wala sa oras."
"stop calling me lava balls." sabay kabit ko sa seat belt ko
"what ever lava balls." pang aasar nya na pa na hindi ko na pinatulan.