CHAPTER 14

1315 Words
ONE YEAR LATER RACS POV. Ang bilis talaga ng oras at panahon, kaya habang nasa masayang senaryo ka dapat ay sinusulit mo ang masasayang araw lalo na't maikli lang ang buhay. Isang taon na rin pala ang lumipas ng hindi namin namamalayan at eto na kami ni rejs nag papaligsahan parin sa pagkamit ng matataas na grado. Ang buong isang taon na nagdaan ay hindi rin naman naging madali pero naging masaya naman dshil madalas namin makasama sila dan at naging circle of friends narin namin kahit ss ibang school sila. Ang hindi naman nagbago ay ang bangayan namin ni mj, ewan ko ba hindi talaga kami magkasundo lagi parin kaming nag aaway. Madalas ako pa ang napipikon dahil sa bwiset nya. May pagkakataon pa na nagtatalo kami sa mga school activity lalo na sa thesis. Hindi na siguro talaga kami magkakasundo. Matagal na rin syang umalis sa condo ni rejs kaya taimtim ang buhay ko pag umuuwi kami sa condo. Ngayon nandito kami ni rejs sa bulletin board para antayin ang announcement na ipapaskil lang maya-maya. Kabado kami parehas. "Wag kang kabahan racs, sigurado akong ikaw ang magspeech sa graduation." kumpiyansang kumpiyansa talaga to si cedrick sakin. "Baka bespar ko yan" pahabol nya pa. "Si rejs ba di mo ichecheer? Hahaha" natatawa kong sambit, pag tingin ko kay rejs ang sama ng tingin sakin. "Di na kailangan bayabas na yan eh. Ouchhhhh---" hinampas sya ni rejs ng pagkalakas lakas. Dumating na ang pres. ng student council at eto'y dinidikit nya na ang papel na announcement for seniors/graduating. Dinikit nya na rin ang mga schedules ng buong graduating, like kung ilang weeks ang practice for graduation atbp. Pag ka dikit ay nagkumpulan agad sila. "Yesss racs!!! Sabi sayo ikaw na eh, wohoooo bestfriend ko yannnn" ssbay yakap ng mahigpit ni cedrick sakin at binuhat pako. "Huy ano ba ang ingay mo, nakakahiya ka. Ibaba mo nga ako" Tinignan ko ang top list. Summa c*m laude: Racquelita Rose V. Bernardo (1.19 GWA) Magna c*m laude: Jericho Roy B. Montemayor ( 1.29 GWA) Cum laude: Regina Justine Sy De Guzman ( 1.35 GWA) With Honors: (1.37 GWA) Mark Joseph Sy Soriano Corrine O. Reyes (1.40 GWA) Jennifer R. Bautista Nicole Anne C. Buenna Rogelio Cedrick D. Coronel (1.45 GWA) Kristine Mae M. Macabutas Ruthlyn L. Marasigan Gerald P. Reyes Mary Cheska O. Ramos (1.50 GWA) John Michael V. Guidon Jennifer A. Imperial Hazel Joy E. Peralejo Mark Anthony Santos Jhoseph L. Untalan Troy Daniel Yu (1.75 GWA) Haidee Jane P. Alonzo Lawrence Cristobal Keith Marie Cabungcag Jennielyn F. Diaz Airalyn B. Fernado Charles A. Francisco Joey U. Francisco Christian Lim Florence J. Limpin "Ang kapal mo with honors ka pa ah" bulyaw ni rejs kay ced. "Wow for the first time, Nice sakto graduating tayo" sabay handshake ko kay cedrick. "Congrats bff iloveyou" sabay yakap ko kay rejs at hinalikan ko sya sa pisnge. "Lalong congrats sayo bff, so proud of you i loveyou too" "Bilib ka lang sakin regina eh" sabay belat nya kay rejs. Ako naman di na sila pinansin, paikot ikot yung ulo ko at palingon lingon. Asaan na kaya yun? Teka bat ko ba sya hinahanap? Pake ko ba sakanya. Di lang siguro ako zanay na walang nang bubwiset sakin at umaaligid samin na asungot. "Huyyy namimiss yung pinsan ko" napalingon ako ng sundutin ni rejs ang tagiliran ko. "Ha? Anong namimiss? Pinagshashabu mo dyan? Anong pake ko dun? Mabuti yun wala sya" "Ikaw bespar ah napaghahalataan ka masyado kang defensive. Huwag mo na isipin si mj, nagchat sya sa gc namin balitaan ko raw sya sa result kasi susunduin nya raw yung kambal nya" "Bakit ganyan kayo makangisi sakin? Mga baliw na ata kayo" sa inis ko inirapan ko sila. "Turning red huh" ginaya pa nilang dalawa kung paano ko banggitin at kung pano tono ng pananalita ko sa words na yan, naging fav. line ko na kasi yan pag inaasar ko si mj at yan din ang laging tawag ko sakanya. "Bahala kayo dyan punta na ako sa shop" Napahinto ako sa paglalakad ng hinatak ako ni rejs. "What?" iritado ang boses ko. "Ang sungit naman ng bff ko, meron ka ba ngayon?" tatalikod na sana ako ng magsalita sya muli. "Wait racs, sabi kanina sakin ni pres. corrine pumunta raw tayong dean office dahil need daw tayo kausapin about sa mga announcement. Ano tara na?" "Tsk may duty pa ako eh" "Itext mo nalang boss mo" "Chat or text ko nalang kayo kung nasan ako, chat chat nalang. Bye girls" °°°°°° Bakit ganun parang hindi ako masaya? Dapat nga masaya ako eh, dahil unti unti ko nang nararating ang pangarap ko ng walang tulong ni mama, ay teka may mama pa ba ako? Wala na nga pala. Masaya naman ako pero pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi ganun kasaya na sobra. Nang malaman ng boss ko na summa c*m laude ako, ay nagdesisyon sya na huwag na raw ako pumasok pero bayad ang araw ko hanggang graduation day. Sa graduation day daw treat nya sa shop nya kami ng family ko. Paluluwasin ko sila tatay non, napag usapan naman na namin ni rejs at pumayag naman sya. Kanina kinaussp kami ng dean na kailangan namin magrrsdy for speech lalo na ako. Ang daming diniscuss, magkakaroon pa ng grad ball. Mauuna ang grad ball namin bago ang graduation day, at kailangan raw umattend kami dahil importante rin dawna nandun kami. Ang dami rin naming pinag usapan ng boss ko, sinabi nya rin sakin kanina na kubg gusto ko raw na magresign na okay lang daw para daw magtuloy tuloy na ang journey ko, sumubok na raw ako maghanap ng trabaho since after grad. day ay mag eexam ako ng LET ganun rin sila rejs, sabay sabay kami yan ang plano namin. Ngayon ay hindi ako makatulog, ewan ko kung bakit. Two weeks before graduation day namin. April 4, 2018 ang graduation day namin. Ang grad ball naman ay March 29, 2018 pati yang grad ball problemahin ko pa dahil susuotin pa. March 21 na ngayon di ko tuloy alam kung san lupalop ako hahanap ng susuotin. Natigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cp ko. Raffy is calling.... "Hello raf?" (Ateeee) "Oh napatawag ka?" (Si tatay ateeee) "Oh anong problema? Anong nangyare kay tatay?" "Bakit hindi ka sunasagot?" "Rafraf ano ba? Naiinis na ako, sumagot ka kinakaussp kita" (Nandito kami sa hospital ate, dinala namin si tatay) "Bakit anong nangyare? Saang hospital yan? Pupunta ako, itext mo sakin" Kabang kaba akong binaba ang cp ko muntik pang mahulog ito at pumubta ss closet, di pa man din ako nakakapagbihis tumunog muli ang cp ko. Nilapitan ko to. Dandan is calling..... Di ko muna sinagot at nagmadali akong magbihis, pag tingin ko ang daming text messages at misscalls galing kay dan,jamie at kuya ralph. Merong dalawang msg from jamie, tatlo kay dandan at agad kong binuksan. Nanginginig ang kamay ko habang hawak at binabasa ang mga mensahe nila. From Jamie : Hey racs? Where are you? Dan is keep calling you, Bakit hindi ka sumasagot? Nabalitaan mo na ba? From Dandan: Racs asaan ka? Sunduin kita. Answer my calls racs. This is important. Tinatawagan ka rin daw ni kuya pero hindi ka sumasagot. Alam mo na ba? Racs please answer my calls. Nag aalala ako sayo, Kasama ko si jamie. We're on our way papunta kami dyan sa condo nyo ni rejs wag kang aalis dyan. Antayin mo ako. Di ko na inintindi ang mga mensahe nila, what is important now si tatay....... Hindi ko alam anong nangyare sakanya dshil puro iyak lang ang mga kapatid ko, kaya grabe yung kaba ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang lakas ng pintig at bilis nito. "Rejs samahan mo muna ako, tara na. Importante lang sa kotse mo nalang ipapaliwanag ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD