Nasa sasakyan na kami ngayon pauwi na ng manila. As usual natutulog sa backseat si rejs at cedrick at ako eto sa tabi nstong mokong na mj na to nagpapaantok. Nagswimming kami nung isang araw at kahapon sa falls na sinasabi ni mj. Napakaganda ng mga view dun kaso medyo nakakatakot kasi madulas ang daan tapos masyadong liblib, pero sobrang naenjoy namin ang pag bakasyon namin lalo ako sobrang saya ko talaga. Ang dami naming magagandang picture mula sa beach hanggang sa falls, ang dami naming groupie pictures. Ang dami rin naming napagkwentuhan, basta sobrang naenjoy talaga namin ang bakasyon.
Kinuha ko ang cp ko ng tumunog nito at ang daming nag notif. May signal na sa dinadaanan namin.
Facebook : Aira Mae De Vera sent you a friend request.
Kit Jason Romualdez sent you a friend request.
Messenger: Jamie De Vera added you to a group chat.
Jamie: Hey guys!! Nakagawa nako gc reply kayo. Ingat pag uwi,nasa byahe na kami nila aira. ) reply ko sa gc na ginawa nya at binalik na ang cp ko sa bulsa ko, akmang pipikit na ako habang nakasandal sa bintana ng kotse ng magsalita si mj.
"Huy wag mo ako tulugan baka antukin din ako, kausapin mo ako"
"Why would i?" mataray kong sambit.
"Eto naman ang sungit na naman, Nakakainis ka na. Napakamoody talaga ng mga babae, bipolar ka ba?"
"Mas nakakainis ka balakajan" nakita kong kumamot kamot pa sya sa buhok nya.
Nasa school kami ngayon at tumutulong para sa mga school decoration for event na magaganap. Nandito kami ni rejs sa gym kassma ang mga kaklase namin pati na rin si bwiset at si cedrick. Nagvolunteer kasi kami since bored lang kami dahil walang pasok, at ako naman di parin pinapaduty dahil under training parin ang bagong employee at si ate sally ang nagtetraining sakanya.
"Nandito ba si Ms. Bernardo?" biglang may sumulpot na estudyante at mukhang ako ang hinahanap.
"Ako ba?" paninigurado ko at tinaas ko ang kamay ko para makita nya ako agad.
"Yes Ms. Bernardo, the dean wants to see and talk to you. Come with me" lumabas na yung lalake at ako naglalakad na palabas lara masundan yung lalaki nang bigla akong hatakin ni rejs.
"Ano nangyare? Why?"
"Duh ewan ko den." tuluyan na akong lumabas at sinundan ang lalaki. Sumunod lang ako sa lalaki ng sumunod hanggang sa nakarating kami sa isang room. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto kaya nagpasalamat ako at ngumiti sakanya.
"Good afternoon po." nahihiyang bati ko.
"Good afternoon, have a seat."
"I want you to cooperate to the coming anniversary event of our school"
"Anong klasing cooperate po?"
"I heard na sumasayaw ka raw pero hindi ka kasali sa dance troupe?" tumango lang ako.
"Actually yung dance troupe ng school,may mga grupo sila at may mga performance sila sa darating na event. I want you to create your own group since sumasayaw ka naman at kailangan ka rin talagang may performance ka kasi ikaw ang top 1 sa batch nyo. " maotoridad nyang saad at nagulat ako.
"Ahmmm,paano po yun ilang araw nalang ang natitira?"
"You can do it, Kaya ngayon palang bumuo ka na ng grupo mo kahit hindi madami basta hindi mababa sa apat. You may go" lumabas na ako ng kwarto na yon ng tulala. Grrr paano ba to? Nakakainis naman okay lang sana eh kaso ilang araw nalang ang natitira para magpractice at maghanap ng grupo. Arghhh what should i do? Si rejs nalang siguro ang isasama ko kaso ang problema kailangan ko pa dagdagan. Bumalik ako ng gym at pagbalik ko lumapit agad sakin si rejs.
"Ano sabi?" curious na curious na tanong nya na halata mo sa mukha nya na kinakabahan na ewan.
"Kailangan ko raw makipagcooperate sa event,gumawa raw ako ng sarili kong grupo para sa sayaw." walang kabuhay buhay kong sambit.
"Kami ni mj magjoin kami,diba jey?" nilingon nya si mj at alam kong pinanlakihan nya ng mata to or maybe pinipilit na sumang-ayon dahil napakamot pa si mj sa ulo nya at halata sa mukha na nagdadalawa isip pa.
"Rejs ayoko mamilit" malamig kong sambit.
"Ano ka ba hindi kami napipilitan diba tep? sumagot ka naman kasi"
"Ah oo anong klasing sayaw ba?"
"Di ko pa alam"
"I'll join too racs" si cedrick na ngiting ngiti at halatanh excited.
"What if hiphop na may halong salsa yung magpartner."
"Suggestion lang naman" pahabol lang salita ni mj ng mapatingin kami sakanya.
"Puwede"
"I think it's a good idea, what do you think racs?"
"Oo nga racs ano sa tingin mo?"
"Wahhh ayoko tignannnn" stress na stress kong saad at kinulong ko ang mukha ko sa mga palad ko sabay upo sa bleachers.
"Hey come on don't stress yourself too much, we're here. We will help you, saka hindi bagay sayo umarte lalo kang pumapangit" matutuwa na sana ako eh tapos bigla pakong bibwisetin eh. Tinignan ko sya ng sobrang sama, kung nakakamatay lang siguro ang masamang tingin malamang napatay ko na sya. Nagpeace sign sya bigla at tumawa. Hindi ko na lamang sya pinansin at nag isip nalang.
°°°°°°
Sinunod ko nalang ang suggestion nila, Kaming dalawa nitong si bwiset na mj ang gumawa ng choreo kahit sobrang aso't pusa namin nakabuo naman kami ng maayos na choreo. Si cedrick naman ang nagremix ng kanta, si rejs naman ang nagrecruit ng dalawa pang couple which is babae at lalake. Sa Costume naman ay tinulungan kami ng isa sa officer ng student council kasi kaibigan pala netong si mj. Hindi na ako nagulat na marsmi na agad kaibigan ang mokong na to nung una kami nagkita kahit na transferee sya dahil sikat talaga sya at pala-kaibigan. Ewan ko ba sakin lang sya laging nang bubwiset. Partner ni cedrick si rejs, Ako naman partner ko si mj at ang dalawang recruit ang magpartner since magjowa ang nakuha ni rejs. Wala na akong magawa ng kami ni mj ang pinagpartner dahil president ng student council ang isa rin sa tumulong samin at may point sya hindi bagay na magpartner si mj at rejs dahil sobrang laki ng agwat nila sa height, ang liit masyado tignan ni rejs. Ang president ang nagdesisyon sa iilan kaya hindi na rin ako pumalag para hindi na humaba lalo na't konti lang ang araw na ibinigay sa amin.
"Thank you to the Boni group for a wonderful and beautiful performance, And now let us all welcome the UI group, let's give them around of applause."
Kinabahan agad ako ng marinig ko ang grupo na tinawag, dahil kami na iyon at narinig ko na rin ang malakas na hiayawan at palakpakan. Ang costume namin ngayon, kaming mga babae ay nakapalda na asymmetrical ang style yung bandsng harapan nya maigsi at kitang kita ang hita at binti pagkatapos ay yung likod mahaba, kulay dark gray ito habang nakaleggings na itim kami. Ang pang itaas naman ay fitted na croptop na lower back. Pag natapos ang salsa dance at hubarin agad namin ang paldat croptop, dahil pag hiphop na leggings at brallete na kulay gray naman ang top namin. Sa lalako natural na itim na long sleeve turtle neck na may chaleco na gray habang ang pang ibaba ay itim na pants lang din. Nasa step na rin namin kung paano magchange outfit.
"Bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko lava balls?"
"Ano ba? Wag ka magulo baka magkamali tayo, di ako makapagfocus sayo kaya wag moko titigan"
"Ano ka ba? Sumasayaw ka naman pero hindi mo alam ang eye contact?"
"Lava balls focus on me" Pahabol pa nya at ngising ngisi ang mokong na mj na to. Sa totoo lang hindi ako makafocus pag tumitingin ako sa mga mata nya, Salsa ang sinasayaw namin ngayon maya-maya ay hiphop na.
"Tara picture muna tayo guys. Yung tayo lang kasi kanina puro may ibang kasama eh" si rejs habang nakanguso, tapos na rin ang sayaw namin at sa wakas nag tagumpay naman kami, wala namang nagkamali. Ngayon lang kami nafree time apat dahil kanina sobrang dsming papicture ng papicture lalo na kay cedrick at mj, as usual puro babae syempre.
"Sus kunwari ka pa gusto mo lang ako masolo eh kasi kitang kita kong selos na selos ka kanina dun sa mga babaeng nagpapicture sakin eh" si cedrick na mapang asar na nakangisi.
"In your dreams"
"Talaga lagi ka talagang nass panaginip ko"
"Shut up!!"
"Huy kunwari pa kinikilig bat namumula ka?"
"Ano ba ROGELIOOO!!!"
"Ano rin ba REGINAAAA!!!"
"Tama na yan ang pangit nyo maglambingan, tara na magpicture na tayo." pang-aawat ko sakanila at parang mga maamong tupa na sumunod naman agad sakanilang amo. Nagpicture kami, marami pictures dahil di talaga nagsasawa si rejs sa mga selfies.
"By partner naman!" si mj na nakangisi na mapang asar sa akin.
"Oo nga, tara rejs"
"Ayoko"
"Sige pagbigyan kita cedrick alam kong idol mo ako eh"
"Luh asa ka"
"Kayo nalang guys, Ayoko babush punta ako canteen"
"Huy racs wait lang"
"Wag ka namang kj bespar"
"Ang kj talaga ng lava balls ko" rinig kong sunod sunod na salita galing sskanila, nagulat ako ng may humatak sakin kaya napaout of balance ako. Akala ko'y tuluyan na akong nahulog sa sahig pero nasalo ako ng nakahatak sakin, walang iba kundi ang mortal na bwiset kong kaaway.
"Ano ba? Bakit kailangan mo kong hatakin" akmang tatayo nako at aalis sa pagkakahawak nya ng bigla syang magsalita.
"Wag kang gagalaw kung hindi hahalikan kita" bigla nyang mas lalong nilapit sskin ang mukha nya at malapit na magdikit ang mga ilong namin. Naramdaman kong pinamulahan ako ng pisnge, i was f**king shock and i stunned for a moment until cedrick shout.
"Ayieee yung bestfriend ko babae naaaa"
"Ano yan racs?" si rejs na nagulat sa reaction ko, kaya mabilis akong tumayo at hinawakan ang kwelyo na turtle neck na dsmit nya, nilapit ko rin ang mukha ko sakanya but this time he is the one who was shock and getting reddish. Kunwari hahalikan ko sya pero hindi naman itutuloy at nag tagumpay ako sa plano ko dahil nilayo nya ang mukha nya.
"Turning red huh" sambit ko sakanya na nakangisi sabay binitawan ko sya at tumingkayad ako, inakbayan ko sya medyo bumaba naman sya ng kaunti dshil sa ginawa ko.
"Rejs bilis" mukhang nakuha naman agad ni rejs ang sinabi ko at agad agad na nagtake ng picture samin, si mj ganub parin ang itsura. Nagpose ako ng nagpose na magagandang awra na alam kong maganda ako don, pagkatapos ay nagpose rin ako ng akmang babatukan ko si mj pero pose lang yon habang nakaakbay parin ako sakanya. Hanggang sa natapos kami ganun lang sya.
"Ayan na may picture ka na sa crush mo ah, pahalata ka masyado eh. TURNING RED!!!" nakangisi kong saad at nagtawanan lang sila cedrick at rejs habang si mj ngumisi lang sabay kamot sa ulo nya. Nagpictureran rin sila mj at kitang kita ko ang lakas ng chemistry nila bagay na bagay sila hahaha