Hendrix Kyro William (King)
Continuation of King’s flashbacks
Tama siya, simula noong mawala si Butler Shun ay hindi ko na rin nakikita pa si Vanessa sa school at nagkikita lang kami nito madalas ay sa isang sikat na bar. Nagpapakalasing ito at noong mga oras na iyon ay tumawag si Dad sa akin at sinabi na papatayin niya ang babaeng kasama ko nang mga oras na iyon. Dahil sa labis kong takot ay inaya ko pa itong sumama sa akin. Hindi ko alam ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata noong gabing iyon na wala siyang pag- aalinlangan na sumama sa akin. Dinala ko siya sa isa sa mga rest house na nasa Tagaytay at kinabukasan ay agad kong pinaliwanag sa kanya ang nangyayare, ipinaliwanag ko sa kanya na may binabalak sa kanyang masama ang aking ama dahil ayaw nitong mapupunta ako sa mga babaeng walang kahit na anong katungkulan sa underground arena.
Pero, iyon ang gabing aking pinagsisisihan. Kung alam ko lang sana na ginagamit niya lang ako, kung alam ko lang sana na pagtatangkaan niyang patayin ang ama ko, at kung alam ko lang sana na sisirain niya ang pagkatao ko gamit ang mga salitang kanyang binitawan edi sana, edi sana hindi ko na lang siya inayang sumama sa akin.
“K-king, ayos ka lang ba?” natigil ang aking pag iisip nang marinig ko ang tanong sa akin ni Henry.
“Peitho, Aikka, and Axel…” seryosong tawag ko sa kanilang tatlo at sabay sabay namang tumingin ang mga ito, “Alam ko na ang tunay n’yong pagkatao, alam ko na kayo ang myembro ng Dark Angels.”
Tumahimik ang paligid pagkatapos kong sabihin iyon sa kanila, mayamaya lang ay nagulat ako nang sabay sabay na tumawa ang mga ito.
“Hindi na masama, ilang buwan bago mo nalaman, King,” tumatawang sabi ni Peitho sa akin kaya hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao.
“Bilib na ako sa’yo, King, pero… masaydong mabagal,” nakangising sabi ni Aikka sa akin.
Napatiim bagang naman ako bago ngumisi at nagsalita sa kanila.
“Kung hindi pa binaril ni Vanessa si Dad, hindi ko pa malalaman,” sabi ko sa kanila at sinundan ito ng isang pekeng tawa.
“Wala kaming intensyon na itago iyon at wala rin kaming intensyon na ipagkalat iyon,” nakangiting sabi ni Peitho.
“Wait- what? Binaril ni Vanessa ang Daddy mo?” gulat na tanong ni Aikka sa akin.
“Yes,” tipid kong sagot.
“Seryoso ka ba? Hindi magagawa ni Vanessa iyon, especially sa Dad mo, King,” sangat ni Axel, “Mahal ka ni Vanessa kaya malabo ‘yang sinasabi mo.”
“Nakita ng dalawang pares ng mga mata ko at inamin niya na rin…” malungkot na sabi ko, “Na hindi niya ako tunay na minahal at ginamit niya lang ako upang makakuha ng impormasyon tungkol sa Emperor.”
FLASHBACKS
“Nandito na tayo, hindi ka ba bababa, King?” tanong sa akin ni Luke.
Walang imik akong bumaba sa Van at inilibot ang tingin sa paligid, ngayon ay kasalukuyan kaming nasa isang bagong bukas na restaurant na malapit lang sa eskwelahan. At dahil sa sobrang abala ko kanina sa pagbabalik tanaw sa nakaraan ay hindi ko namalayang nakasakay na kami ng sasakyan at nakarating kami dito ng hindi ko namamalayan.
Bumaba na rin sila Peitho, Aikka at Axel mula sa kanilang sinasakyan. Tama, may sarili silang sasakyan at kasama nila doon si Zane na ayaw mahiwalay sa kanyang nobya.
“Tara na, baka maubosan tayo ng seats,” sabi ni Peitho at naunang maglakad papasok ng restaurant.
Sa tinagal tagal ng dalawang taon ay naging malapit kami sa kanila, madalas ay naroroon ang buong tropa sa kanilang bahay. Hindi ko magawang magalit sa kanilang tatlo dahil maging sa kanila ay hindi na rin nagpakita pa si Vanessa, iniwan pa nito ang alaga niyang white tiger na si Duke na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng sakit. Luckily, nagawa nitong makarecover mula sa kanyang sakit at ngayon ay masigla na muling nakikipaglaro sa amin.
Emperor
It’s the day.
Sakay ng isang limousine ay nagtungo ako sa lugar kung saan ko ‘siya’ susunduin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil finally ay napagdesisyonan na ‘niya’ na dito na manatili sa Pilipinas. Dalawang taon ko rin siyang kinukumbinsi na dito na tumuloy kasama ang aming kapatid at ngayon ay dito na nga ito tuloyang maninirahan.
I wonder kung anong nagtulak sa ‘kanya’ na bumalik dito even if I promised ‘her’ na ako na ang bahalang maningil sa buhay ng mga taong dahilan ng aming pagkakawatak watak.
“Jacob, prepare a welcome party for my sister and I,” utos ko sa isa sa aking mga tauhan.
“Yes, Emperor,” sagot agad sa akin ni Jacob.
Tulad nang inaasahan, hindi na ito nagtanong kung bakit para sa aming dalawa ng aking kapatid kung gayong hindi naman ako umaalis ng bansa. Marahil ay kahit dalawang taon na ang nakakalipas, naalala pa rin ni Jacob na ito ay kasama sa plano upang mapalabas namin ang mga kalaban. Ngunit, tila hindi ata sapat ang aming naging plano ng aking kapatid bago ito umalis kaya napilitan siya ngayong bumalik dito sa Pilipinas.
Ilang sandali pa ay nagawa na naming makarating sa lugar kung saan ko susunduin ang aking kapatid. Saktong dating namin ay nakita ko itong bumababa mula sa eroplanong kanyang sinakyan, hinahangin ang buhok nito na nagkukulay ginto katulad ng aking buhok. Pinagbuksan ako ni Jacob ng pinto at ako naman ay bumaba upang salubongin ng yakap ang aking kapatid.
“I missed you,” salubong ko sa kanya.
“Namiss din kita, Twin,” nakangiting sagot niya sa akin.
Napangiti na lang rin ako nang makita ang kanyang ngiti, parang kailan lang ay nagtungo pa siya sa palasyon at pinasok ang palasyo upang patayin ako.
“Let’s go, nagpahanda ako ng maraming pagkain sa bahay,” nakangiting sabi ko sa kanya, “Mamayang gabi na tayo pupunta sa palasyo, kapag nakapagpahinga ka na.”
Nakita ko ang kanyang pagkunot ng noo, “Mag aano naman tayo sa palasyon, may problema ba?”
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, “Wala naman, nagpahanda lang ako ng isang simpleng welcome party para sa ating dalawa.”
Hindi na siya nagsalita pa, wala pa rin pinagbago sa kanya. Kahit na paminsan minsan na siyang ngumingiti sa akin ay hindi pa rin nawawala sa kanyang pagkatao ang pagiging cold.
“It’s been a years, Philippines,” malamig niyang sabi bago nag umpisang maglakad.
“Mukang na-miss ng kapatid ko ang Pilipinas, ah?” sabi ko sa kanya habang humahabol sa kanyang paglalakad.
“Nahh,” sagot niya sa akin bago tuloyang pumasok sa limousine.