CHAPTER 3

1035 Words
Emperor Sumunod ako agad sa kanya sa pagpasok ng limousine at huling pumasok naman si Jacob, dahil doon ay bigla akong may naalala at hindi ko maiwasang mapangisi. “Hindi nga naman Pilipinas ang na-miss, baka yung tao, hindi ba, Jacob?” sabi ko sabay baling kay Jacob. “H-ha? Yes, Emperor!” napailing na lang ako dahil halatang halata sa kanya ang gulat. “Tigilan mo ako, baka magbago ang isip ko na sumama sa’yo pauwi sa bahay,” banta sa akin ng aking kapatid. “And saan ka naman pupunta? Sa hari mo ba?” nakangising sabi ko sa aking kapatid na si Vanessa. “Shut up,” malamig na sabi niya sa akin. Hendrix Kyro William (King) “Thank you, guys, magkita kita na lang tayo bukas sa school!” sabi ni Peitho sa amin habang nakababa ang bintana sa passenger seat ng kanilang sasakyan. Tapos na kaming kumain sa restaurant at kasalukuyan kami ngayong nasa tapat ng bahay nila Peitho, inihatid muna namin sila kahit sila ay may sasakyan bago kami tuloyang umuwi sa bahay. “King, check mo daw emails mo, may dumating na invitation sa akin from Jacob,” sabi sa akin ni Luke habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi. Tulad nang kanyang sinabi ay agad kong binuksan ang aking cellphone, tiningnan ko ang aking email at mayroon rin ipinadala sa akin si Jacob. Isa rin itong invitation at gaganapin ito sa YinYang palace. “Sabay na tayong pumunta, King, total wala pang iniuutos sa akin ngayon ang Emperor,” suhestiyon sa akin ni Luke. Tinanguan ko lang ito at hindi na nag abala pang magsalita. Naging tahimik lang ang aming byahe hanggang sa makarating kami sa bahay, lahat kami ay bumaba na at halos magsabay sabay sa pagpasok ng pinto. “Meow~” hinanap agad ng aking mga mata kung saan nagmula ang tunog na iyon at nabaling ang tingin ko sa sofa kung saan kasalukuyang nag iinat si Lucky. “Nainip ka ba, Big boy?” nakangiting tanong ko sa aking pusa habang lumalapit ako sa kanya. Nang makalapit ako ay agad ko itong binuhat, sa loob ng dalawang taon ay masaya ako na napalaki ko si Lucky ng ganito. Mabait na pusa si Lucky at madalas ko itong isinasama sa aking mga pupuntahan, ngunit kapag seryoso at alam kong may laban ang lugar na pupuntahan namin ay iniiwan ko na lang ito sa bahay. “King, baka makalimutan mo, ha? Masquerade ang theme ng party mamaya,” paalala sa akin ni Luke. Tumango lang ako sa kanya bago muling ibinalik ang aking atensyon kay Lucky. “Saang party?” rinig kong tanong ni Zane. “Sa palasyo,” sagot ni Luke kay Zane, “Welcome party para sa Emperor dahil kababalik lang nito sa Pilipinas, nagulat nga rin ako dahil hindi ako ang naatasan na sunduin siya.” “Hahahaha, baka alam ng Emperor na abala ka na ngayon dahil graduation bukas?” tumatawang sabi naman ni Henry dito, “Tapos hindi ka naman pala talag gra- graduate? Pain!” “Tigil tigilan mo ako, Henry, pasalamat ka at may pupuntahan kami ngayon ni King,” sabi ni Luke dito, “Kung wala lang ay baka pinatulan na kita.” “Salamat, Luke, salamat,” sagot naman ni Henry kay Luke. Hindi na sumagot si Luke dito, tiningnan ko silang dalawa at nag umpisa na palang maghabulan ang mga ito. Napailing na lang ako bago tumayo habang buhat buhat si Lucky. “Katokin mo na lang ako kapag aalis na tayo,” sabi ko kay Luke at saka ako nag lakad patungo sa aking silid. Pagpasok na pagpasok ko sa aking silid ay agad akong dumeretso sa aking kama, dahan dahan kong ibinaba doon si Lucky bago ako pabagsak na nahiga doon. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong mga oras na ito, mali, dalawang taon ko na palang nararamdaman ang pakiramdam na ito. Dalawang taon na akong napapagod at tila may hinahanap ang aking katawan, nakakapagpahinga naman ako pero parang may mali sa pagod na nararamdaman ko. ‘Kamusta ka na, Vanessa?’ tanong ko sa aking isipan. Simula noong mapagtanto ko na ginamit niya lang ako, doon nag umpisang maramdaman ang pakiramdam na ito at sa pagdaan ng bawat araw, lingo, at buwan na hindi ko siya nakikita ay tila mas lalong bumibigat ang pakiramdam na ito. ‘Bakit ba kasi kailangang sa ating dalawa pa mangyare ang ganitong sitwasyon?’ tanong ko sa aking isipan bago ko ipinikit ang aking mga mata. -- Unti unti kong binuksan ang aking mga mata, hinanap ko agad ang aking cellphone at tiningnan dito nag oras. Napabalikwas ako ng bangon nang makita na 7 pm na pala at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa lalim ng aking iniisip. Dali dali naman akong tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo. 9pm ang nakalagay na oras doon sa invitation kaya wala akong nagawa kung hindi ang magmadali. Agad kong tinapos ang aking paliligo at lumabas ng banyo nang nakasuot lang ng towel, dumeretso agad ako sa aking closet upang kumuha ng damit. Hindi na ako nag abala pang bumili kanina ng damit dahil marami naman akong bago dito sa aking closet, hindi ko pa naisusuot ang mga ito at ang tanging problema ko na lang ay maskara. Nang makapagbihis na ay inayos ko muna ang aking buhok bago ako lumabas ng aking silid, nagtungo ako agad sa living room at nakasalubong ko naman si Luke na may dala dalang isang maliit na kahon. “Mabuti naman at tapos ka na, papunta na sana ako sa kwarto mo,” nakangiting sabi niya sa akin, “Heto, pinadala ‘yan ni Jacob, meron din na para sa akin kaya ‘yan na ang suotin mo.” Kinuha ko ang ibinibigay niyang maliti na kahon, binuksan ko ito at naglalaman ito ng isang half face na maskara. “Tara na,” sabi ni Luke at tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Sabay na kaming naglakad palabas ng bahay habang hawak hawak ko pa rin ang aking maskara, hindi ako mahilig magsuot ng ganito dahil masyado itong mainit sa muka ngunit wala naman akong magagawa sa pagkakataon na ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD