Chapter 2

1272 Words
Mangyan Binibilang ko ang perang nasa aking alkansyang maraming kalawang na nakita ko lang sa sapa. Nasa 400 pesos ang pera ko at bukod doon, hindi ko na binilang ang mga barya dahil nilalaan ko ito para pambaon ko sa pasukan. "Lola! Pupunta na akong palengke bibili po ako ng school supplies." Tumayo si lola at tumango. Nagtitimpla ito ng kape at pinatay ang kahoy na may apoy. Ang nilulutuan namin ay lupa lang at nilagyan ni lolo ng malaking bato para mapatungan ng kaldero. Umubo si Lola Tata. "Sige! Magmadali kana Sol baka gabihin ka." Huminga ako ng malalim at tinitigan ang perang hawak. Hinimas ko ang likod ni lola at nilagyan ng damit. "Yan la. Wag' kang magpabasa ng likod po." Tumawa si lola Tata. "Sol,ako pa? Malakas pako sa lolo mo! Tsaka bukas samahan mo'ko sa lola Donita mo ha? Maglalabada ako doon." Si lola Donita ay kapatid ni lola na nakapangasawa ng may kaya. Mayroon silang sari sari store at hardware sa palengke. "Opo lola!" Lumabas ako ng aming kubo at nakita si lolo na paparating na at may hawak na maliit na plastik. May laman iyong konting bigas. "Lolo! May bigas kang dala? Sino nagbigay?" masayang tanong ko. Mabuti narin at hindi kamote o saging ang hapunan namin. Ngumiti si lolo at pinakita iyon sa akin. "Si pareng Isko! Kasi tinulungan ko siyang hanapin ang nawawala niyang bebe kaya ito binigyan ako. Oh, bibili kana?" "Opo, bibilisan ko. Baka kung may sobra sa pera ko bibili akong ulam at solmux ni lola." Lumamlam ang titig ni lolo sakin. May hinugot ito sa bulsa at binigay sakin ang 100 pesos. "Hindi. Ito na Sol. Ibili mo nalang yan lahat ng mga kakailanganin mo." Kinagat ko ang labi at kinuha iyon. "Sige lo! Bibili akong kare kare at balot para sayo lo!" "Ayan ang gusto ko sayo Sol! Alam na alam mo! Sige umalis kana para hindi ka gabihin." "Sige lo!" Tantiya ko nasa alas tres na nang hapon base sa pwesto ng araw. Wala naman kaming orasan pa sa bahay. Isa rin iyon sa mga pinag iipunan ko. Mahirap kasi sa pagtatanim ng palay si lolo. Kahit na sila yung nagtanim wala parin kaming napepera at makakain dahil sa sobrang mura ng palay ngayon. Para makashortcut ako ng daan ay binagtas ko ang palayan. Ang palayan kasi ay nasa gilid lang ng high way kung saan nag tatrabaho si lolo. Pawisan na ako ng makaabot sa highway. Ang suot kong brown na damit ay nabasa ng sarili kong pawis. Ang aking short naman na hanggang tuhod ay kulay puti. Nakangiti akong pinagmamasdan ang mga sasakyan na nadadaanan ako at ang mga nakasakay doon. Nakasakay doon ang isang pamilya na mula pa yata sa pag shopping. Mukhang naghahanda na sila para sa pasukan. Pagkadating ko sa palengke, ang araw ay bumababa na. Mas lalo akong nagmadali. Masaya akong titigan ang mga iba't ibang paninda. Nahawakan ko ang mga tela ng damit hanggang sa makakita ako ng mga notebooks at ballpen. Tulad ng dati, dito rin ako bumibili. May nakita akong kapwa ko mangyan na namamalimos. Nilapitan ko iyon at binigyan ng sampung piso. "Hello! Anong pangalan mo? Saan kayo nakatira?" madumi ang damit niya. Tinanggap niya ang pera. "Diyan kami sa plaza natutulog. Ako pala si Luz." "Ah ganon ba. Sana makatulong yang binigay ko. Alam mo kasi, wala rin ako e. Pero hayaan mo, tuwing makikita kita dito...bibigyan kita! Ako pala si Sol." "Salamat Sol." malungkot siyang ngumiti. Napanguso ako at tumalikod na. Bumili ako ng mga notebooks at dalawang ballpen tsaka papel. Gustong gusto kong bilhin ang bagpack pero nang tiningnan ko ang presyo 'nun.. "360..." nanlumo ako at binalik nalang iyon. "Sa susunod nalang!" kumbinsi ko sa sarili pero ang totoo baka hindi na naman. Ito rin kasi ang sinabi ko noong nakaraang taon pero hindi ko naman nabili. Mas importante sakin ang gamot at uulamin namin. "Ito na po ang bayad ale!" "Hmmm, ikaw pala yan hija. Tandang tanda ko last year ikaw rin ang bumili ng notebook at papel dito. Gandang ganda ako sayo. Gusto ko ang pagka morena mo." Napatingin tuloy ako sa aking balat at tumawa. "Kasi po tide labada po ang sabon ko. Mga tira tira po iyon sa sabon ni lola." Humalakhak ang tindera. "Naku, loka ka! Ito bag para sayo." Napamulagat ako. "Ale, wala po akong pambayad diyan." Umiling ito at hinawakan ang aking kamay para makuha ko. "Ayos lang! Sayo na yan. Nakakaawa rin kasi kayong mga mangyan at nagpupursiging makapag tapos. Sayo na yan." Walang kupas tuloy ang aking ngiti hanggang sa huminto ako sa karinderya para bumili ng kare kare. Nakabili narin ako ng balot ni lolo at mga gamot ni nanay. Huminga ako ng malalim ng mabayaran ko na ang kare kare na 50 pesos. Nang bilangin ko ang natirang pera nasa 80 pesos pa iyon. "Ale, may bigas po kayo?" "Mayroon ineng." "Mayroon pong 40 pesos ang kilo?" "Mayroon ineng! Magkano ba?" "Dalawang kilo po." Umuwi ako sa bahay na masaya dahil may dala akong ulam, may bigas pa! Dumaan ako ulit sa palayan para malapit sa aming baryo. Medyo mababa na ang araw kaya mas binilisan ko. Kahit na sanay na ako minsan na ginagabi, natatakot parin ako. Kung may klase kasi, marami kaming umuuwi at nilalakad ang palayan para makauwi, mga kapit bahay lang rin namin. Magkadikit lang kasi ang elementarya at highschool. Nakita ko sila Jenessa sa ilalim ng kahoy at sumisilong doon. Nakita kong may kasama siyang lalaki at may motor sa gilid. Rinig na rinig ko ang hagikhik niya. "Oh! Ikaw pala Sol! Yan ang bag mo sa pasukan?" Napuna pala nito ang bag kong dala. Dahan dahan akong tumango at pinagpatuloy ang paglalakad. "Ang cheap naman. Ba't kulay blue e babae ka?" Napahinto ako ulit. "Uh, ayos lang to sakin." Tumawa ito. "Oh, uwi kana. Baka mapanis yang ulam mong dala. Kawawa kayo at baka wala pang makain." nang uuyam ang boses nito. Tumango ako. Nakita ko ang pagmamasid nila sa likod ko. "Titingnan ko kung may buntot ba talaga sila-Ayy! May dugo ka?!" sapo nito ang dibdib at nandidiri na nakatingin sakin. Kahit ako kinabahan at itinabon ang bag sa aking likuran. Hindi ako makasagot. May nakita akong dalawang sasakyan na mukhang papatungo rin dito sa palayan kaya nagpagilid ako. Napasinghap ako ng hawakan ni Jenessa ang braso ko. "Hoy! Sabi ko may tagos ka! Ambastos mo! Hindi ka nagpasalamat! Mangyan ka nga." Tumawa ang lalaking kasama niya at lumapit rin sakin. "Jenessa tama na. Lasing kalang!" Kinuha ko iyong pagkakataon para tumakbo. Hindi ko na natabunan ang puwet ko dahil sa aking pagtakbo. Sobra ang aking kaba lalo na nang marinig na lasing pala si Jenessa! Hinihingal ako nang huminto ang siyang paghinto rin ng dalawang magarang sasakyan malapit sa sapa kung saan papasok sa baryo namin. Natigil ako para titigan iyon nang lumabas doon ang lalaking nagtanong pangalan ko! Napalunok ako sa sobrang kaba. "Hey.." aniya sakin na ikinaatras ko. Hiyang hiya ako dahil alam kong nakita niyang may tagos ako! "P-Po?" "Soledad ,right?" Tumango ako. "Who's that Frost?" may babaeng lumabas sa isang sasakyan. Nanatili parin ang tingin ni Frosto sakin. "Oh! Kayo yung sa baryo ng mga mangyan! Goodness, ang ganda mo." Ngumiti ako yumuko. "Salamat po." Pasimple kong tinabunan ang aking puwetan ng bag tsaka lumakad palayo. Nang lumingon ako ay nahuli ko ang tingin ng lalaking si Frosto na nasa akin parin. Nakahawak siya sa labi niya tila nilalaruan niyon at nakahilig sa kanyang sasakyan kahit kinakausap siya ng babaeng kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD