Chapter 3

1224 Words
Frotos Sinamahan ko si lola ngayon para maglaba sa bahay nila lola Donita, ang kapatid nito. Kahit matanda na si lola ay kaya niyang maglaba. Minsan, tinutulungan ko siya kapag wala akong ginagawa. "Di'ba Sol tutulungan mo pa si Thelma sa pagtitinda ng gulay?" Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sa bahay nila lola Donita. Ngumiti ako kay lola at inalalayan siya sa mataas na lupa para makaakyat kami sa highway. "Alas sais palang la, mamayang alas diyes po punta na ako doon kaya tutulungan kita para mabilis!" "Hay Sol. Ako sayo, tularan mo ang ibang bata diyan! Maglaro ka, mag enjoy ka sa buhay kasi bata kapa diyesi sais ka palang para magbanat ng buto.Kaya na namin to ng lolo mo." Marami nang sasakyan na dumadaan at kailangan pa naming tumawid sa kabila patungo sa bahay nila lola Donita. "La...alam mo naman na masaya naman ako sa mga bata sa baryo natin at mailap ang mga kaklase ko mula pa noon di'ba? Ayaw nila sakin dahil maitim ako at pangit ang buhok ko..." "Hmp! Inggit lang iyon hiija! Ang ganda mo kaya! Manang mana ka sa ina mo. Kung hindi lang iyon nagahasa ng matapos kang ipanganak mabuti sana ngayon ang buhay mo. Ang gandang babae rin kasi ni Marimar mana sakin kaya marami ring naghahangad sa anak kong iyon. Kahit boss niya, baliw na baliw sa kanya. Malungkot ako at hindi namin nabigyang hustisya ang pagkamatay niya." Hindi iyon lihim sakin. Bata palang ako ay sinasabi na iyon nila lola at lolo sakin. Patuloy lang kami sa pag uusap ni lola hanggang sa makarating kami sa kanyang nakakabatang kapatid. "Mabuti at dumating kana Tata. Di'ba sabi ko tuwing hapon ng biyernes ka dito pumunta? Sabado na Tata! Ayan, maraming labahin at mabuting andiyan si Sol para tulungan ka dahil marami-rami ang mga 'yan." Hindi na nag aksaya pa si lola ng oras at nagsimula na siyang maglaba. Kahit na may washing ay alam ko na mahihirapan siya. Noon pa man ay sinasabi na ni Lola Donita na may maglalaba naman para sa kanya pero gusto ni lola na siya nalang para magkapera naman siya. Minsan, hindi ko rin gusto ang tono ni Lola Donita kay Lola pero tinitiis nalang namin dahil hindi naman siya ganoon ka suplada. Ang mga malalaking comforter ay nasa loob ng washing at puro pa iyon kulay puti kaya iyon ang pinagtuonan ko ng pansin habang si lola ay nagmano mano ng mga de kolor na damit. "Sol!" tawag niya sakin. "Po? Bakit la?" nilapitan ko siya. Hinila niya naman ako. "Nagbubuhat ka! Di'ba sabi ko sayo bawal 'yan sa mga may dalaw? Tsaka, maayos ba paglagay mo ng pansapin sa panty mo?" Tumango tango naman ako. "Opo la. Medyo hindi lang sanay la." ngumiwi pa'ko ng naramdaman ang bagay na iyon sa panty ko. "Hay! Dalagang dalaga kana talaga Sol! Sa susunod magboboyfriend-" "La! Ayoko nga!" "Hmmm...hindi ako sigurado diyan Sol. Ngayon palang, ang ganda ganda mo na! Ano pa sa mga susunod na taon? Aba pwede ka nang pambatong Miss Universe!" Tumawa ako. Sino ba naman ang hindi gustong maging Miss Universe? Marami kaming nailabhan ni lola at nagsasampay nalang kami. "Sol,pumunta kana doon kay Thelma at ako na ang bahala dito." "Kaya niyo na po dito lola?" tanong ko. "Oo naman! Isasampay nalang ang mga ito kaya umalis kana." Ngumiti ako at nilapag ang mga basket sa tabi niya. "Sige la! Magdadala ako mamaya ng gulay para may iulam tayo." "Sige! Ako ang magluluto!" Iniwan ko na doon si lola. Ang puwesto naman ng gulayan at prutasan ni lola Thelma ay nasa gilid lang ng daan. Medyo malapit iyon sa palayan na pinagtatrabuan ni lolo. Pawisan ako ng makarating at syempre, babad na naman ako sa init. "Sol! Andiyan kana pala!" si lola Thelma ay nag aasikaso ng isang bumili. "Kanina pa kayo nakapwesto la?" tanong ko bago naupo sa aking puwesto. "Oo. Ang tumal nga ng paninda natin. Tsaka 'yung mga kamatis! Bulok na yan bukas kaya dalhin niyo na sainyo kasi sayang lang yan!" "Sige la!" "Nasaan ang lola mo?" "Naka'y lola Donita la, naglalaba." "Hmp! Iyang so Donita ay umunlad lang ng konti ay kung sino na! Bakit niya pa paglalabahin ang ate niya kung may pera naman siyang ibibigay!" sermon ni lola Thelma. Hindi naman ako nagbigay komento doon. Noon paman ay ganon na ang kanilang kinagagalit kay Lola Donita. "Kaya ikaw Sol! Mag aral kang mabuti para makaahon kayo sa hirap. Hindi ka makakapagtrabaho sa mga malalaking building sa Maynila kung hindi ka college graduate! Mayroon namang nagtatrabaho na hindi college graduate pero janitor at janitress! Sa ganda mong iyan? Hindi iyon bagay sayo! Bagay sayo pang beauty queen!" "Ang itim itim ko ho lola!" tiningnan ko ang aking balat. "Morena Sol! Morena ka! Kahit morena ka wala kang peklat!" Ganito palagi si lola Thelma at sanay naman ako. Sa lunes narin pala ang aming pasukan kaya nag iipon ako ng pambaon para hindi narin humingi kina lola at lolo. Malayo palang ay kita na namin na may papahintong tricycle at alam naming bibili iyon kaya tumayo na ako. "Sol!" Napamulagat ako ng makita kung sino ang bumaba sa tricycle. May huminto ring sasakyan pero si lola Thelma na ang nag asikaso nun at narinig ko pa ang kanyang panunukso. "Rex! Ikaw pala yan!" Mataas si Rex at kaklase ko siya. Siya lang mabait sa akin sa school. Mayroon namang mabait pero walang nananatili hindi katulad ni Rex. "Sa lunes na ang pasukan! Sana magka klase tayo ulit." Tumango ako at ngumiti. "Sana nga para may kaibigan naman ako kahit paano." sabay hagikhik ko. "Pabili ako mansanas isang kilo pala Sol." "Ah, sige!" nagkilo ako ng mansanas at binigay sa kanya. Inabutan niya ako ng bayad kaya kinuha ko iyon. "Sayo natong dalawang mansanas Sol." "Wow! Talaga?" "Oo!" Kinuha ko iyon bago siya nagpaalam sakin at sumakay ulit ng tricycle. "Magkano to lahat?" rinig na rinig ko ang boses na iyon agad. "H-Ha? Ano po ser? L-Lahat?" nautal si lola Thelma. "Opo, lahat.." Kahit ako ay gulat na gulat at tinitigan kung sino iyon! Nagkatitigan kami ng lalaking ilang beses ko nang nakita sa palayan! Si...Frotos? Ewan! Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa tingin niya kaya umiwas ako at nilapitan si Lola Thelma na kaharap ngayon ni Frotos. "Naku,salamat ho ser! Hulog kayo ng langit!" "Lola, tulungan na kita.." "Your name is Soledad ,right?" Napatingin ako sa kanya at tumango. "Hmmm..Can you join me in your village to give this fruits and vegetables?" Wow! Ipapamigay niya sa amin! "Talaga po?" manghang tanong ko. "Yes..." malalim ang boses niya. Maligaya akong tumango. "M-Maraming salamat Frotos.." Kinagat nito ang labi tila nagpipigil ng tawa. "Oh young lady.." ungol nito. Napatigil ako sa ngiti lalo na't makita siya sa harapan ko na sobrang kisig at napakaguwapo. "I'm Frosto...not some candy.." "S-Sorry..." Siniko ako ni lola Thelma. "Ano raw Sol? Humihingi ng kendi?" Ngumiti ako kay lola dahil gusto kong tumawa. "Hindi po la. Pamimigay niya raw itong mga gulay at prutas sa baryo namin." Lumaki ang mata ni lola Thelma. "Mukhang mayaman! At mukhang....." "Mukhang guwapo la?" nagkikilo kami ng prutas habang nag aantay si Frotos. "Mukhang gagahasain ka!" bulong niya sakin na ikinailing ko nalang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD