bc

The Tale of You and Me

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
HE
playboy
arrogant
badboy
bxg
lighthearted
bold
campus
highschool
small town
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Friendzone—iyan ang kalagayan ni Miggy sa buhay ni Yuan. She is secretly inlove with her best friend. Hindi niya masabi ang tunay na nararamdaman sa takot na masira ang friendship nila. Kaya heto siya, dinadaan na lang sa loveletter ang lahat. Nakapuno na siya ng isang box pero wala pa rin siyang lakas ng loob na ibigay sa kababata.

Pero paano kung aksidenteng nakita ni Yuan ang box ng love letters niya?

Friendzone no more na nga ba

Or

Friendship over na?

chap-preview
Free preview
Chapter One
NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ng sunod-sunod na pagbusina sa labas ng gate. Agad kong binuksan ang ilaw ng lampshade sa tabi ng kama ko. Sinuot ko na rin ang makapal kong salamin sa mata. At saka napabuntong-hininga nang pagtingin ko sa relo ay lagpas alas-dos na ng madaling araw. Gusto ko sana magbingibingihan at bumalik sa pagtulog pero hindi pa rin tumitigil ang pagbusina sa labas. Pupusta akong anytime ay may sisigaw na kapitbahay dahil nabulahaw na ang pagtulog. Ilang beses na bang inireklamo ang bestfriend kong si Yuan ng mga home owners sa subdivision? Ang kababata ko naman kasi pasaway. Titino lang ng ilang araw and on the next day balik na naman ulit sa dating gawi. Kung nasa bahay man ay halos lumindol ang buong kabahayan sa lakas magpatugtog ng rock music na abot hanggang kapit-bahay. And worst, ginagawang tambayan ng mga barkada niyang maiingay ang bahay na gumagambala sa katahimikan ng subdivision. Hindi naman pwede na pagagalitan ko ang kababata ko dahil nakikitira lang ako sa bahay niya. Kinuha lang ako ng ninang ko na mama ni Yuan sa probinsya para dito ako sa Maynila pag-aralin ng koliheyo. Dati kasi kaming magkakabit-bahay sa Negros. Matalik na magkaibigan ang magulang namin ng kababata ko. Binansagan na playboy si Yuan sa university namin. Paano ba naman kasi kaliwa't-kanan ang mga girlfriends. May pagkakataon pa nga na may nagsabunutan sa harap ko dahil nagpang-abot, parehong nagki-claim na girlfriend ni Yuan. At ang magaling kong kababata nasa isang tabi lang habang kakamot-kamot ng ulo. As usual ako na naman naglinis ng kalat niya. Sa pagkakatanda ko, tinanong ko ang dalawang babae kung payag ba silang mawala sa buhay nila si Yuan? Ang sagot ay hindi. So, para walang gulo ay nag-suggest ako na gumawa na lang sila ng schedule para makasama si Yuan. Aba, ang mga loka pumayag ba naman! Ibang klase rin ang kamandag ng bestfriend ko 'no? Kung sabagay hindi ko rin naman masisisi ang mga babae sa University namin kung nahuhumaling kay Yuan dahil hindi rin kasi matatawaran ang kagwapuhan niya. Naku! Malalaos ang mga sikat ng Korean or Chinese stars kapag makatabi ang kababata ko. Hindi ako nagiging O.A dito ha, pero swear gwapo talaga siya. Matangkad, higit na anim na pulgada yata, infact hanggang balikat lang niya ako. Sayang nga eh, hindi mahilig sa sports. Pwede sana maging basketball player. Matipuno rin ang kababata ko, hindi iyong tipo na pang body builder ang katawan, nasa tamang lugar lang ang mga muscles. Take note, hindi pa iyan alaga ng gym, so, ano paano pa kaya kung ganoon nga? Higit kong nagustuhan ay ang tsinito niyang mga mata na kung tumitig ay tila nanunuot. Tagusan hanggang kaluluwa. Iyong kahit titigan ka lang niya parang hinahalukay na ang sikmura mo. Namana kasi niya ang mata sa Daddy niya na may dugong Chinese. Matangos din ang ilong ni Yuan. Pointed. Hindi parang building na may left and right wing. May pinagtataka rin ako, bakit kaya kahit red lips si Yuan ay lalaking-lalaki pa rin tingnan? Nakakainggit nga dahil hindi ganyan ka pula ang lips ko. Hindi nga ako makapaniwala na nagkaroon ako ng isang kaibigan na hindi kapanipaniwala ang existence dahil sa taglay na kagwapuhan. Ano lang naman ba ako? Isang ordinary student na walang dating, hindi mo nanaiisin na lingunin. Pandak din ako. Nerd. Probinsyana talaga ang dating dahil lagi akong nakasuot na mahabang palda. Lagi akong balot na balot sa mga suot ko na kulang na lang talaga ay bibliya para magmukha akong pastora. Pero kahit ganito ako never akong kinahiya ni Yuan. Clingy pa nga sa'kin. Dapat talaga ay nakahawak sa'kin sa tuwing naglalakad kami, gaya na lang ng lagi niyang pag-akbay at pagholding hands sa'kin. Inggit na inggit sa'kin ang mga girls kaya mas lalo ko pa silang iniinis. Ang ginagawa ko niyayakap ko si Yuan sa beywang niya. O 'di ba ang sweet namin? For Yuan, walang malisya ang lahat pero sa'kin? I doubt. O siya, aaminin ko na. Inlove ako sa best friend ko. Isa din ako sa mga babaeng nababaliw sa kanya—iyong sa'kin nga lang ay palihim. Hindi pwedeng i-broadcast dahil friendship over ang siguradong kahahantungan namin. Parang kapatid lang ang turing niya sa'kin at kahit kailan hindi ko nakikita na lalagpas pa diyan. Oh my God! Ang dami ko na palang pinagmuni, nakalimutan ko na ang kababata ko sa labas! Mabilis akong bumaba sa kama. Pagkasuot ko ng tsinelas ay agad akong lumabas ng bahay upang buksan ang gate. Wala sina ninang at ninong. Three days ng nasa Boracay. Mahilig talaga maglagalag ang mag-asawa. At saka role ka na talaga ang maging taga bukas ng gate sa tuwing late ng umuuwi ang kababata ko. "Bakit ang tagal bago mo ako pinagbuksan?" tanong ni Yuan. Napansin kong good mood siya dahil sa halip na kutusan ako ay ang lawak pa ng ngisi niya. "Napasarap ang tulog ko." "Always!" "Bakit ang saya mo?" "Siyempre dahil malapit na ako sagutin ni Samantha!." "Eh di good!" Lihim na tumirik ang mata ko. At nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Si Samantha ang tinagurian na pinakasuwerteng babae sa University. Imagine, siya lang nakuha sa atensyon ng kababata ko. Paakyat na ko sa second floor kung saan magkatabi ang kuwarto namin ni Yuan nang maabutan niya ako. Nakangisi siya sa'kin habang tinataas ang hawak niyang beer in can and bucket ng fried chicken na may tatak pa ng sikat na restaurant. Na-gets ko ang gusto niya mangyari. Napailing ako. Sorry! Kung siya happy, ako naman wala sa mood. "Sige na please!" "No way!" Binilisan ko ang paghakbang ko. Pero bago pa ako makapasok sa kuwarto ko ay mas nauna na siya sa'kin. Agad akong napasimangot. Hindi ko siya pinansin bagkus humiga ako sa kama. At nagtalukbong ng kumot. Naramdaman ko na lumundo ang kama. Humiga din siya. Kaya agad akong napabangon at pinagsisipa siya dahilan para mahulog siya sa kama. "Yuan!" Mabilis ko siyang dinaluhan. Pero nabawasan ang pag-aalala ko nang makita ko siyang nakangisi habang nakatitig sa kisame. "Para kang baliw diyan!"sabi kong hinampas siya sa balikat. "I'm so happy and excited Miguelita Santos." Napapikit ako. Nag inhale, exhale. Pigil ang inis. Ayaw ko kasi na tumatawag ako sa tunay kong pangalan. Gusto kong Miggy lang. Feeling ko kasi sinaunang tao kapag nababanggit ang pangalan ko. At alam iyan ng kolokoy! "Bakit ka excited?" "Sa next date namin" "Congrats," sabi ko lihim na umismid. "Guess what." "Hindi ako manghuhula." "Pilisopo ka talagang bansot ka." Marahan niya akong kinutusan sa ulo. "Ang sabi sa'kin ni Sam, sasagutin na niya ako kaya paghahandaan ko talaga date namin." "Para kang sirang plaka. Paulit-ulit?" Ngiti lang sinagot sa akin ng kababata ko. Muling tumingin sa kisame na animo'y nangangarap. "Mahal ko si Sam…"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook