bc

Sometimes You Just Know - Volume 4

book_age16+
549
FOLLOW
2.1K
READ
fated
second chance
arranged marriage
confident
sweet
bxg
lighthearted
city
brothers
passionate
like
intro-logo
Blurb

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of shiver that made her knees go weak.

"Queenie, we have established a passionate tension between us. We never know what will happen next," kaswal ang tonong sabi nito.

Passionate tension, by golly! Napailing siya. He had chosen a delicate term at parang gusto niyang tawanan na lamang iyon.

But he was serious.

"Queenie, kung wala namang mabigat na dahilan ang pagpunta mo rito, I'd like you to go. Hindi dahil itinataboy kita kung hindi dahil sa sitwasyon nating dalawa. You are just a door away."

"So...?"

Kumunot ang noo nito, halatang napikon sa sinabi niya. "You know what will happen next. You see this?" Itinaas nito ang isang kamay; ang hintuturo at hinlalaki ay halos magkadikit. Bahagyang-bahagya lamang ang awang sa pagitan ng mga daliri. "I'm this close to taking you!"

"So, bakit hindi mo ginawa?" hamon niya.

"Queenie!" anito sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. "Sinusubukan mo ba ako?"

*****

Katrina was a wedding gown designer. Wala pa man sa isip niya ang pag-aasawa pero may dinesenyo na siya para sa sarili na kino-consider niyang perfect wedding gown. Just for her, take note. At dahil tuwang-tuwa sa sarili niyang design at hindi naman siya naniniwala sa pamahiin, isnukat niya iyon.

Habang suot niya ang traje de boda ay may isang makisig na lalaking walang abog na pumasok sa kanyang opisina. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa pala siya nito pinagmamasdan habang kandahirap siyang sa pag-aabot ng zipper sa likod ng gown.

"Let me help you..."

At bago pa man siya makakibo at naramdaman naniya ang pagdaiti ng daliri nito sa kanyang likuran.

It was Jude.

chap-preview
Free preview
Queenie and Adan - 1
PAGOD na ibinagsak ni Queenie ang sarili sa mahabang sofa. Kasabay ng pag-itsa niya ng Escada bag sa isahang sofa ay itinaas niya ang kanyang mga binti, saka ipinatong ang mga iyon sa makapal na glass center table. She had a tiring day. Maghapon ay namasyal sila ng kaibigan niyang si Patt. Fil-Am ito na kagaya niya rin ay spoiled sa mga magulang. Ginamit nila ang kanilang American Express card sa paraang labis na ikatutuwa ng credit company at ikaiiling ng kanyang ama. At habang pinakikiramdaman niya ang pagpintig ng mga muscles niya sa binti ay tinititigan naman niya ang mga shopping bags. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Muli ay nabigyan na naman niya ng kasiyahan ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata. Nagugutom siya ngunit maaari pa namang ipagpaliban ang nararamdaman niya. Mas gugustuhin niyang umidlip muna. Bumili siya ng latest Sandra Brown paperback. Plano niyang basahin iyon mamaya paghiga kaya kailangang may puhunan na siyang tulog. Hindi pa natatagalang napipikit ang mga mata niya nang gulantangin siya ng sunud-sunod na tunog ng buzzer. Nalukot ang kanyang ilong. At kahit nakakaturete na ang ingay ay sadya pa rin niyang binagalan ang kilos. "Romalyn!" Umagaw sa ingay ng buzzer ang tinig ng kanyang ina. Nawala sa pagkakalukot ang kanyang ilong. Bigla siyang nagtaka. Nilakihan niya ang mga hakbang at saka binuksan ang pinto. "Mommy!" Tila siya nakakita ng multo. Pati ang tangka niyang paghalik dito ay nabitin. Wala ang natural na aliwalas sa mukha ng inang si Dorina. Tikom na tikom ang mga labi nito at kulang na lang ay pandilatan siya ng mga mata. Tuluy-tuloy itong pumasok at napasimangot nang makita ang mga shopping bags. "Tell me, 'My. What is it?" tanong niya agad habang inilalagay ang chain lock ng pinto. Kilala niya ang ina. Hindi siya nito tatawagin sa kanyang buong pangalan kung hindi ito problemado. "Get me a cup of coffee," sa halip ay tugon nito. Ang Croco bag nito ay hindi nahiwalay sa makinis pa rin nitong braso. May ilang sandaling napatitig siya sa bag. Bago iyon at walang dudang elegante. Tinungo niya ang kitchen habang ang nasa isip ay kung ano ang ikakatwiran sa ina. Maaaring ang credit card ang dahilan. May sarili na siyang kita ngunit hindi pa rin binabawi ng kanyang mga magulang ang extension ng credit card ng mga ito sa kanya. Bagay na sa tuwina ay ikinaliligaya niya. Kahit kailan ay hindi siya kinapos sa mga pangangailangan niya. She called her wants "needs." Dahil sa tuwing may makikita siyang magagandang bagay sa loob ng malls maging pabango man iyon o sapatos o kahit na ano, basta nagustuhan niya, ang pakiramdaman niya ay kailangan niya iyon. Napabuntong-hininga siya. Kanino pa ba siya magmamana kung hindi sa kanyang ina? Sa mall na yata siya natutong lumakad mag-isa. At hindi kataka-takang mula nang ipinanganak siya ay pawang signature brands ang mga isinusuot niya. Luho iyon. Lalo at kinukunsinti siya ng mahal niyang ama. Dalawang puswelo ang sinalinan niya ng pinakulong kape. Sa hitsura ng mommy niya ay mukhang "confe-rence" ang nahihimigan niyang mangyayari. "Your coffee," aniya at ibinaba sa center table ang puswelo. Dinala nito sa bibig ang puswelo. At kagaya ng inaasahan niya ay ininom nito ang kape with poise. Pagkaraan ay gumala ang paningin nito sa kabuuan ng apartment na tinitirhan niya. Animo ay noon lamang nito nakita ang lugar samantalang ito mismo ang tumingin sa apartment bago siya nito pinayagang bumukod. Nanatili ang mga magulang niya sa mansion nila sa Chicago samantalang siya ay nagpasyang manirahan sa Cambridge. "C'mon, Mommy. What is it?" inip na tanong niya rito. Nilingon siya nito. Sandali nitong pinag-aralan ang mukha niya, bagay na ikinapipikon niya. Nagpawala siya ng buntong-hininga. At nahiling niyang sana ay napansin nito iyon. "Romalyn..." "Queenie," pagtatama niya. She hated her second name. Kahit na nga ba variant iyon ng pangalan ng sariling ama. Nagisnan na niyang tinatawag siyang "Queenie." "All right, Queenie," pagbibigay naman nito. Muli ay iginala nito ang paningin sa paligid. "You've been here for three years. Or four years?" Nagkibit ito ng mga balikat. "I can't exactly remember. At siguro ay sanay ka na rito. But I guess you don't need to stay here anymore." "Mommy!" Magkahalong pagtutol at pagkamangha ang lumangkap sa kanyang tinig. "You don't mean that!" "Maaari. Pero hindi ang iyong daddy." Padabog siyang tumayo. Kinuha niya ang cordless phone at anyong magda-dial nang sansalain siya nito. "Hindi ka niya kakausapin. Unless sasama ka sa akin ngayon." Napamaang siya rito. "What's this?" Tumindig na ito. "Halika na. Naghihintay sa atin ang daddy mo." Humakbang na ito patungo sa pinto at wala siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin. Nilingon siya nito, nasa anyo ang awtoridad ng pagiging ina sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at saka hinagilap ang kanyang bag bago sumunod na lamang dito. Nai-lock na niya ang pinto nang maalala ang biniling paperback. Nanghihinayang man ay hindi na niya iyon binalikan. "I CAN'T understand this!" himutok niya habang inaakyat ang bawat baitang. Nang dumating sila sa mansion ay naramdaman niya kaagad ang tensiyon base sa pagsalubong sa kanya ng mayordomang si Susan. Filipina rin ito at kamag-anak ng dating mayordoma sa mansion nila sa Alabang. Nauna na ang mommy niya sa itaas at pumasok sa kuwarto. Si Susan naman ay sumunod sa kanya. "Ano ba ang nangyayari dito?" usisa niya agad kay Susan. "Si Kuya Jude?" "Wala," tugon nito. Dumiretso siya sa sariling silid. Kahit na bumukod pa siya ay mine-maintain pa rin ang silid nilang magkakapatid. At kagaya ng inaasahan niya, ang ayos ng silid ay tila kanina lang siya nanggaling doon. Malinis na malinis at mabango. Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Si Susan ay nasa bandang paanan niya at naghihintay ng iuutos niya. Napangiti siya. Kung tutuusin ay hindi na trabaho ni Susan na maghintay ng iuutos niya. Ito ang mayordoma at ang dapat na gawin nito ay mag-assign ng isang katulong para sa kanya. Pero hindi nito iyon ginagawa. Susan used to be her nanny. At ngayong dalaga na siya ay tila hindi pa rin nito nakakalimutan ang pagsilbihan siya. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang mommy at parang ina na rin niya kung ituring ito. Kung tutuusin, parang barkada na niya ito. Mas nakakapag-confide siya rito kaysa sa kanyang mommy. "Kuwentuhan mo nga ako, Susan," malambing na sabi niya. "Noong isang linggo lang ako galing dito pero bakit ngayon ay parang maraming nangyari na hindi ko alam?" Nagkibit ito ng mga balikat. Bumangon siya. "Hindi ako naniniwala. Hindi ako pupuntahan ni Mommy kung hindi importante. Tell me, Susan," giit niya. Umiling ito. "Wala talaga akong alam." Wala nga yatang alam si Susan, sa loob-loob niya. Dahil kung mayroon man ay hindi naman siya mahihirapang kumbinsihin ito. Magkakampi yata sila. "Si Kuya Jude, hindi ba darating?" Nasa Los Angeles ang trabaho ni Jude. Ngunit kapag ipinatatawag ito ng kanilang ina ay mabilis itong darating sa mansion. Si Tody naman ay sa Pilipinas namamalagi. Ang balita niya ay abala ito at ang asawa nito sa itinayong negosyo. This time, they had decided to have a baby. "Hindi ko alam," tipid nitong sagot. Lumabi siya. Daig pa niya ang imbestigador kay Susan ngunit hindi pa rin siya masiyahan sa naging sagot nito. Iniunat niya ang kamay at inabot ang kamay nito. Kagaya noong bata pa siya, hinila niya ang kamay nito at naglambing. "You mean, nakalagpas ang buong linggong ito na kayo lang ang naririto? Ni hindi nagkabisita ang mga mommy?" Sandali itong nag-isip. "Kasalo nilang nag-dinner kagabi sina Mrs. Legaralde." "Iyon lang?" Kilala niya ang tinutukoy nito. Biyenan iyon ni Tody. "Kataka-taka naman yata." "Sila lang talaga. Iyong dalawa pang bisita, dinig ko'y mag-asawang Abad. Patapos na iyong dinner nang dumating si Greggie. Anak n'ong mag-asawa." That's it! hiyaw ng isip niya. Abad. Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon. At hindi pa man siya ipinapatawag ng ama ay halos alam na niya ang dahilan ng pagpapasundo nito sa kanya. Napasimangot siya. No! hiyaw ng isip niya. Hindi siya papayag na masunod ang gusto ng ama. She was twenty-six at alam na niya ang kanyang ginagawa. She was matured enough to make her own choices... and decisions. Hindi siya papayag na ipagkasundo siya nito. Hindi siya tulad ni Tody. Si Tody lang ang masunurin pagdating sa ganoong bagay. Ni wala siyang ideya kung naging matagumpay nga ang pagsasama nina Tody at Marra. Kung tagumpay man, bakit nagpatuloy sa pagba-ballet si Marra at isinubsob naman ni Tody ang oras sa pagnenegosyo? Gayunpaman, tapos na nga pala ang kabanatang iyon sa buhay ng mag-asawa. Masaya na siya sa huling balita na magkasama na sa Pilipinas sina Marra at Tody dahil tuluyan nang tinalikuran ni Marra ang career para maging full-time wife sa asawa. Subalit hindi iyon ang kanyang punto. Hindi naman niya ginagawang pattern ang nangyari sa married life ng kapatid para sa kanyang sarili. Siyempre, may choice siya. At kahit na sa sarili niyang ama ay hindi siya papayag na magpadikta. Tiningala niya si Susan. "Alam ko na kung bakit ako ipinatawag. They are going to talk to me about their visitor last night. Ipagkakasundo nila ako kay Greggie, kagaya ng ginawa nila kay Tody noon," walang-ligoy niyang wika. Napatitig ito sa kanya at pagkuwan ay tumikhim. Nahulaan niyang may alam ito, lamang ay pinipigil nito ang sarili na pangunahan ang mga magulang niya. "Papayag ka?" Sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "Guwapo naman si Greggie," nanunuksong wika nito. "At saka base sa obserbasyon ko kagabi, mukhang magalang at mabait na anak." "Talagang mabait! Parang si Tody. Papayag ba iyong ipagkasundo siya kung hindi mabait?" paismid na wika niya. "Hindi ako papayag, Susan. Mark my word." Anyong magbubuka ito ng bibig nang tumunog ang intercom. Siya na ang maagap na dumampot ng aparato. "Yes?" "Come to our room," pormal na wika ng kanyang ama sa kabilang linya. Ungol ang itinugon niya rito. Nang balingan niya si Susan ay nakaangat pa ang kanyang kilay. "Ipinatatawag na ako," aniya at nauna nang lumabas ng silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook