"MALAKAS daw ang bagyong iyan, Ma'am. Tutal naman ay Sabado, iuuwi ko na lang ang lililipin ko." Maagang-maaga ay nagtungo sashop ni Katrina ang isa niyang mananahi. Hindi naman ito nagsisinungaling sa sinabi. Katunayan ang malakas na pagbuhos ng ulan na sinamahan pa ng rumaragasang hangin.
Madali naman siyang pumayag. Tiyak naman niyang maiingatan nito ang tahiin kahit na iuwi sa bahay.
"Si Helen?" tanong niya habang inaayos nito sa isang plastic ang damit. Isa pang mananahi ang tinutukoy niya.
"Baka hindi na makatawag sa inyo, Ma'am. Bahain sa lugar nila, eh."
"Okay. Siguro naman ay maganda na ang panahon sa Lunes. Pumasok kayo, ha?"
"Asahan ninyo. Sige ho at aalis na ako."
Bago pa ito tuluyang makaalis ay tumanggap naman siya ng tawag mula kay Faith. Hindi rin daw ito makakapasok. Baha na sa dadaanang kalye.
Maunawain naman siya sa ganoong sitwasyon. Isa pa ay wala naman silang rush job na nagde-demand ng oras anuman ang panahon. Ibinaba na niya ang telepono at nagsara ng pinto.
Nakakatakot ang paghampas ng hangin sa mga puno. Tila anumang sandali ay mabubunot ang mga iyon. Ilang poste rin ang isinasayaw ng hangin. Nahiling niyang sana ay tumigil na ang malakas na hangin at ulan. Mas kinatatakutan niya ang panganib na maaaring idulot niyon.
Tiniyak niyang secured ang shop bago muling umakyat.
SUMIGID ang kirot sa ulo ni Jude bago pa man siya tuluyang magising. Lumalim ang gatla sa kanyang noo habang binabalikan sa isip kung ano ang nangyari nang sinundang gabi.
Nagpunta siya sa bar. Uminom nang uminom hanggang sa maramdamang umabot na siya sa kanyang limit. Pagkatapos niyang magbayad ay tumawag siya ng taxi. Iniisip niya si Katrina kaya nang tanungin siya ng driver kung saan siya ihahatid ay ang address ng shop ng dalaga ang sinabi niya.
Bumiling siya. Nahulog ang isa niyang bisig at umabot iyon sa carpeted na sahig. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. Hindi pa nangyaring naging mababa ang kanyang kama para umabot ang kamay niya sa sahig. O hindi niya nakuhang umabot sa kanyang kama?
Ibinukas niya ang mga mata at sumalubong sa kanya ang estrangherong paligid. Muli siyang napapikit. Hindi ito ang kanyang pad.
"Good morning," malamyos na tinig ni Katrina ang bumati kay Jude.
Dumilat ang binata.Nakatayo si Katrina ilang piye mula sa kanya. Napakapreskong tingnan ng dalaga sa slacks na krema at knitted blouse. Mamasa-masa pa ang nakalugay na buhok ni Katrina.
"Good morning," ganting bati ni Jude at mabilis na bumangon.
Gaya ng nakasanayan ay in-exerise ang leeg. Pinalagutok pa iyon bago nag-inat.
Napangiti naman si Katrina. At home na at home ang kilos ng binata. And to her surprise, hindi niya iyon minasama. It was as if he belong to her house.
"I'm sorry too. I know I owe you an apology," dagdag pa nito habang sinusuklay ng daliri ang gulong buhok.
Ikinibit lang ni Katrina ang mga balikat. "Nasa loob ng kuwarto ko ang bathroom. Madali mo naman iyong makikita. Ihahanda ko ang agahan while you're refreshing yourself."
Tumango ang binata. At nang humakbang siya patungo sa kitchen ay kumilos na rin ito.
"I'm really sorry," hindi matapos-tapos sa paghingi ng paumanhin si Jude nang kumakain na sila. "Believe me, I'm not always like that. Ito nga ang unang pagkakataong nagkalat ako sa ibang bahay. I was thinking of you at natatandaan kong nagpahatid ako rito. Then my mind went to all directions."
Nagitla si Katrina. Narinig na naman niya rito ang salitangiyon. At ngayong tiyak niyang malinaw ang isip ni Jude minabuti niyang isatinig na ang gustong itanong. "You were thinking of me? Bakit?"
Nawala ang atensyon ng binata sa pagkain. Nag-angat ito ng paningin at sinalubong ang kanyang mga mata. May ngiting gumuhitsa mga labi nito ngunit mas higit na damdamin ang nakikita niya sa mga mata.
"After the kissed we've shared, do you really have to ask why I couldn't get you out of my mind?"
She looked both pleased and embarrassed. Wala siyang maisip na itugon sa tinuran nito kaya nagyuko na lang siya ng ulo. Kunwa ay abala sa paghihiwa ng papaya.
Amused naman tinitigan ni Jude ang dalaga. She was blushing na lalong ikina-amused nito. At habang tinititigan si Katrina, iniisip ni Jude kung mayroon pang higit na kaakit-akit sa mukha nasa harap niya ngayon.
"May bagyo yata," ani Katrina pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan nila. Mula sa nakapinid na glass window ay lumalagos ang repleksyon ng kidlat. She feared it would break the glass.
"Weather," ani Jude.
Magkatulong sila sa pagliligpit ng pinagkainan. Pagkatapos niyon ay wala na silang ibang maisip na gawin. Alam ni Katrina, it was her best time para magkulong sa kuwarto at gumuhit ng mga bagong designs. Pero hindi niya nararamdaman ang mood para doon.
"Puwede kong ipagamit sa iyo ang kotse. Baka mahirapan kang kumuha ng taxi."
Bahagyang tumango si Jude. Alam niya na pasimpleng pagtataboy iyon sa kanya ni Katrina ngunit ayaw pa niya umalis. Pinigil niya na mapabunot ng paghinga. It was the same feeling he had noong huli siyang manggaling kay Katrina. Parang ayaw niyang humiwalay.
"Do you have any plan for the day?" tanong ni Jude.
Iling ang itinugon ni Katrina. Huli na nang maisip niyang dapat ay sinabi niya sa binatang nakatakda siyang mag-sketch.
"I'll just spend the whole day at home. Maybe we could spend this day with you."
"Iniimbita mo ba ako?" tanong ni Katrina.
"Yes," prangkang wika nito. "I hope I won't receive no for an answer."
Tumingin si Katrina sa labas. She wanted to answer an eager yes ngunit nagpigil siya.
"Ano ba ang gagawin natin? Ang lakas ng ulan. Maiipit lang tayo sa bumabahang kalye."
Napangiti si Jude sa narinig. "Then, we'll not leave this place. Puwede mo bang ipahiram sa akin ang susi ng kotse?"
"Where will you go?"
"Katrina, gusto kong makabawi sa iyo sa pang-aabala ko kagabi. I'll buy us lunch at nakita kong may VCD player ka sa kuwarto. Aarkila ako ng ilan then we could watch together."
Napatango na lang siya. Sa tono ni Jude ay parang hindi maaaring umusal siya ng pagtutol. Iniabot niya rito ang susi ng kanyang kotse.
Nang umalis ito ay tinungo niya ang bintana. Mula roon ay tanaw ang nakaparada niyang sasakyan. Tumingala pa si Jude bago ito sumakay sa kotse. Naramdaman nito marahil ang pagtanaw niya.
He waved a hand at saka pinausad ang sasakyan.