Queenie and Adan 9

1762 Words
SA GALIT ni Queenie kay Adan ay nakuha niyang tunguhin ang sariling kuwarto sa kabila ng pusikit na karimlan. Wala siyang pakialam kung nagkabangga-bangga man siya sa barandilya ng hagdan at magkamali ng bukas ng pinto. Nang marating niya ang silid ay saka siya nagmukmok. Abut-abot ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Sa gigil niya ay napagdiskitahan niya ang mga lamok na nagkamaling dumapo sa kanyang mga binti. Hampas dito, hampas doon. Hindi naman nagtagal ang brownout. Gayunpaman ay naglalatang pa rin ang inis sa dibdib niya kahit pa nga maliwanag na sa buong kabahayan. Padarag na bumaba siya ng kama. Ini-on niya ang switch ng ilaw. Subalit nang isasara na niya ang pinto ay nakita niyang nakatayo roon si Adan. “Go away!” singhal niya. Ngunit para itong walang narinig. Nanatili ito sa kinatatayuan. Hindi naman niya maisara ang pinto dahil nakaharang ito. Isang matalim na irap ang ipinukol niya rito bago padaskol na tumalikod. Narinig niyang tumikhim ito. “I came here para magpaliwanag. Pero sasabihin ko na sa iyo ngayon pa lang, wala akong balak humingi ng sorry.” Napahumindig siya. Brute! “Puwede bang pumasok?” Pumihit siya at hinarap ito. Hindi siya natutuwa sa arte nito. Gusto niyang ibato ang lahat ng unan sa mukha nito. Humakbang ito papasok sa loob. Subalit halata sa mga mata nito ang pagiging alerto, wari ay nahu-hulaan ang laman ng isip niya. “I’d like to explain. I know I offended you.” Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. Nakatayo siya sa paanan ng kama. Tumigil ito sa gitna. “Sige. Dalian mo lang at gusto ko nang matulog,” pagtataray niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Halatang na-amuse ito sa sinabi niya. Lalo tuloy siyang nainis sa nakitang ngisi nito. “You drove me crazy,” direktang sabi nito. Seryoso ang tono nito, gayundin ang anyo. Pinagtakhan niya ang bilis ng pagpapalit ng ekspresyon nito. Ngunit base sa nababasa niyang emosyon sa mga mata nito ay natitiyak niyang seryoso ito sa sinabi. Titig na titig ito sa mukha niya. Parang inuukit sa memorya nito ang kanyang anyo. Hindi siya nakatagal na makipagtitigan dito. “I didn’t mean to offend you. I was thinking of a way to break the spell. It came to my mind so suddenly na nasabi ko na bago ko naisip ang magiging epekto sa iyo.” He is not sorry, sa loob-loob niya. Yet his tone was obviously telling her he was sorry. “Sige, kalimutan na natin iyon,” matabang na sabi niya rito. “Of course not,” biglang tutol nito. “`Di ba, sabi ko sa iyo, I’m not sorry? Hindi mo pa naririnig ang lahat ng sasabihin ko.” “Ano pa?” “I liked what happened. Hindi ako nagsisisi. And don’t tell me that you didn’t like it.” Marahas siyang bumuntong-hininga. “Right. And you’re not bad, anyway.” She managed to sound libe-rated. Dumilim ang ekspresyon nito, wari ay hindi nagustuhan ang narinig. “Okay, ngayon pa lang ay pag-usapan na natin kung ano ang desisyon mo.” “Decision?” bulalas niya. “What decision?” Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of shiver that made her knees go weak. “Queenie, we have established a passionate tension between us. We never know what will happen next,” kaswal ang tonong sabi nito. Passionate tension, by golly! Napailing siya. He had chosen a delicate term at parang gusto niyang tawanan na lamang iyon. But he was serious. “Queenie, kung wala namang mabigat na dahilan ang pagpunta mo rito, I’d like you to go. Hindi dahil itinataboy kita kung hindi dahil sa sitwasyon nating dalawa. You are just a door away.” “So...?” Kumunot ang noo nito, halatang napikon sa sinabi niya. “You know what will happen next. You see this?” Itinaas nito ang isang kamay; ang hintuturo at hinlalaki ay halos magkadikit. Bahagyang-bahagya lamang ang awang sa pagitan ng mga daliri. “I’m this close to taking you!” “So, bakit hindi mo ginawa?” hamon niya. “Queenie!” anito sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. “Sinusubukan mo ba ako?” Umiling siya. “I’m just asking.” Nakita niya ang pag-alon ng dibdib nito. Alam niyang kinakalma nito ang sarili. Gayunpaman, wala siyang nararamdamang takot dito. “Still, are you going to stay?” pormal na tanong nito. Naupo siya sa dulo ng kama. “Of course.” “Are you ready to face the consequences?” tanong uli nito. Sinupil niya ang ngiti dahil ang pakiramdam niya ay tila nasa witness stand siya at nililitis. Baka mapilipit na nito ang leeg niya kapag hindi pa niya sineryoso ang sinasabi nito. “Queenie...” “Yes.” “I’ll admit, I’m attracted to you. I think no one would feel otherwise.” “I’m flattered,” aniyang hindi napigil ang sarili. “Queenie, don’t blame me if time will come, and I’ll come knocking at your door.” “Tell me, pagbubuksan ba kita or I’ll just ignore you?” Nagsalubong ang mga kilay nito. Inilang-hakbang lamang nito ang pagitan nila. Niyuko siya nito kaya naman ang mukha nito ay halos dumikit na sa kanyang mukha. She got excited sa halip na matakot sa anyo nito. Halatang-halata sa hitsura nitong napipikon na ito. At pakiramdam niya ay nakaganti na siya rito sa pagkapahiya kanina. Sinapo ng mga palad nito ang magkabila niyang pisngi. Naipikit niya ang mga mata... waiting for their lips to meet. Ngunit tanging ang hangin na nagmumula sa bibig nito ang naramdaman niya. “Provoke me more, Queenie. Wala tayong sisihan pagkatapos,” anito sa nang-aakit na tono. Napahugot siya ng hininga. Iniangat niya ang isang kamay at kinabig ang batok nito. A second later she was kissing him na ikinabigla nito nang husto. Alam niyang hindi nito inaasahan na gagawin niya iyon. Kumislap ang mga mata niya bago tuluyang ipinikit ang mga iyon. Ito naman ngayon ang naparalisa. Pakiramdam niya ay hawak niya ang lahat ng pagkakataon. Kahit kailan ay hindi siya naging wild katulad ngayon. Maski na sa America siya lumaki, maingat siya sa pakikipagrelasyon. Nungkang siya ang mag-initiate para magkaroon sila ng intimacy ng mga naging boyfriends niya noon. Pero iba ngayon. Kung bakit ay hindi niya alam. Maybe because of what happened. She was embarrassed kaya naman gusto niyang gumanti rito. Pero hindi ganitong klase ng paghihiganti ang nasa isip niya. Tama man o mali, she was enjoying their kisses. She bit his lower lip and inflicted a little pain to part his lips. He did. The next second, his tongue slid inside her mouth. At nang mga sandaling iyon ay para siyang naparalisa. He started moving. His kiss was like fire, its warmth slowly spreading all over her. At kung hindi siya nakaupo ay malamang na bumagsak na siya sa sahig. Her knees became weak. At gayundin ang buo niyang katawan. Bale-walang hiniklas nito ang kamay niyang nakakapit sa batok nito. Marahan siya nitong naihiga sa kama. Hanggang sa dumagan sa kanya ang katawan nito. “You have three seconds, Queenie. Just say ‘no.’ Or there will be no turning back...” bulong nito sa kanyang tainga. Ang mainit nitong hininga ay halos magpakilig sa buong pagkatao niya. He was kissing her earlobes the next moment. “One... two...” “No.” Parang tumigil ang galaw ng orasan. Natigil din ang kanilang mga paggalaw. Nanatiling walang kilos sa ibabaw niya ang lalaki. Parang inuulit nito sa isip ang binigkas niya. He took a deep breath, pagkatapos ay kumilos para umalis sa ibabaw niya. Mabilis naman siyang bumangon. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga. Pilit niyang kinalma ang sarili. Bagaman umaalon ang kanyang dibdib ay nakuha niyang magsalita. “I-I said ‘no’... d-dahil...” She was at a lost for words. Bunga iyon ng nararamdaman niyang tensiyon dulot ng nangyari sa kanila at sa tila nang-aarok na titig nito sa kanya. “Dahil ano?” untag nito. “Adan, will ours be just a casual affair?” Napatingala ito. Tila sa kisame nito mahahanap ang isasagot sa kanya. Hanggang sa bumalik ang paningin nito sa kanya. “May boyfriend ka ba, Queenie?” Mabilis siyang umiling. “Wala.” Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Noon din ay nagpasya siyang sabihin dito ang dahilan ng pagpunta niya sa Baler. “Ipinagkasundo akong ipakasal ni Daddy sa anak ng kaibigan niya. Ayaw ko kaya ako naririto. Nagtatago. Pero `pag ipinilit ni Daddy ay wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.” “Sa America ka halos lumaki pero ipinagka-kasundo ka pa rin ng parents mo? Imposible yata iyon!” “Posible. Lalo at gustung-gusto ako ni Greggie.” She didn’t want to sound conceited, ngunit totoo naman ang tinuran niya. “I don’t like Greggie. I can’t imagine spending my whole life with him.” “How about me?” “A-anong ‘how about you?’” Bumalik ang katarayan niya. “Can you imagine yourself living with me?” “Okay lang. Naa-amuse naman ako sa `yo. Mula kahapon hanggang ngayon. But that’s not the point. Huwag mong isingit ang sarili mo sa problema ko.” “Mukha namang wala kang problema. Kung hindi mo pa sinabi ay hindi ko malalamang may problema ka pala. Akala ko, bakasyunista ka lang dito.” “That’s almost the same. Now tell me, why did you ask?” “Hindi pa ba halata?” Isinuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. “I wanted to know if there’s any complication. At malaki pala.” “Anong complication?” Napangiti ito. Pagigil nitong pinisil ang ilong niya. Natigilan siya sa inakto nitong iyon. Si Tody lang ang gumagawa sa kanya ng gayon. “You always ask gayong matalino ka naman. O dapat ko pang ipaliwanag na mabuti? Queenie, bawat segundo na naririto ka, the passionate tension between us definitely grow stronger. I’m asking para alam ko kung ano ang dapat kong paghandaan.” “I’m single,” deklara niya. “I know that. And liberated, too, as I see it.” That’s what you think, sa loob-loob niya. “So what now?” “Don’t ask me, Queenie. Ask yourself.” Nagsimula na itong humakbang palabas ng kuwarto. “Nasa kabilang pinto lang ako. Anuman ang magiging pasya mo, let me know. For the meantime, goodnight.” “Goodnight yourself!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD