Nang makasama ko si Louise ay tila mas lalong nadagdagan ang pagmamahal ko kay Abby. Hindi ko alam parang nakikita ko si Abby kay Louise at si Louise kay Abby. Ano 'yon salawahan na ba ang puso ko? Dahil parehas na parehas ang nararamdaman ko sa kanila? P'wede ba 'yon?
Si Abby? Mahal ko siya kahit walang s*x. Gan'on kalaki ang respeto ko para sa kan'ya. Siya kasi iyong babaeng p'wede mong iharap sa altar.
Minsan iniisip ko dahil sa pagpapanggap ko na bakla ay baka hindi niya na ako magustuhan. Dahil minsan, kahit anong harang ko sa mga manliligaw ni Abby ay marami parin ang umaaligid at mga nagpapapansin sa kan'ya kahit hindi niya naman pinapansin ang mga iyon. Kung minsan ay ako ang kumakain ng mga binibigay ng mga manliligaw niya sa sobrang dami ng mga natatanggap niya.
Alas nuwebe ng gabi ng maka-recieve ako ng text galing kay Abby. Sa sobrang lakas ba naman ng notification ko ay nagising na agad ako. Maaga kasi akong nakatulog kanina dahil sa sobrang pagod.
Abby:
Magkita tayo sa tabi ng mall. Nagtext si Harvey. Puntahan natin si Rina sa Cavite.
Ako:
Okay. Saan kita susunduin?
Abby:
Sa tabi ng mall nga! Ayaw kasi magbasa ng maigi, e! Ayos ka lang ba? Lutang ka, girl?
Ako:
Sige, I'll be there at 5 a.m.
Abby:
Siguraduhin mo lang, bakla ha!
Ako;
Oo, maliligo lang ako saglit tapos pupuntahan na kita.
Nang sumapit ang 4:30am ay naligo na agad ako. Matapos maligo ay mabilis lang akong nagbihis. Sa sasakyan na ako nagsuklay. Kilala ko si Abby, nang-iiwan 'yun ng late. Mabilis akong nakarating sa tabi ng mall na usapan naming dalawa ni Abby. Nakita ko agad siyang naghihintay sa tabi kaya naman agad ko na siyang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan ko.
"Akala ko matatagalan ka pa, e!" Sabi niya nang makasakay sa aking sasakyan.
Pagpasok niya pa lamang ay naamoy ko na ang mabango niyang pabango. Same katulad ng kay Louise. Sobrang bango na bigla akong pinanayuan ng balahibo. Hindi ko alam pero bigla kong na-miss si Louise. Pagtataksil na ba iyon kay Abby kahit wala naman kaming relasyon?
"Bago ba 'yang pabango mo?" Tanong ko na ikinalingon niya agad.
"Yap! nag-try ako ng iba, e! mabango ba?" She sweetly smiled.
"Oo, sobra! ang sarap amoyin," sabi ko habang nagda-drive.
"Saan nga pala nagpunta si Rina? Kalurkey naman kasing babae iyon! Kung saan-saan nagsususuot!" Reklamo ko sa kan'ya. Dahil sa isang taon na din kaming magkakaibigan ay tinuring ko na din na barkada si Rina, para ko na din kapatid 'yun kaya kapag may problema ay talaga to the rescue kami ni Abby.
"Hayaan mo na, naghahanap ng kasagutan 'yung tao! Ang hirap paniwalaan pero may mga bagay siya na naikukwento na nagiging totoo." Sabay kaming nagkatinginan ni Abby nang sabihin niya iyon na para bang may bigla siyang nasabi na ikinatikom ng bibig niya.
Haha... Siguro ay naisip niya rin iyung naisip ko na magkakatuluyan kami sa huli.
Dumaan muna kami sa isang drive-thru dahil alam kong isang ito, mahilig kumain kaso hindi naman nanaba.
"Ang dami mo naman in-order!" Reklamo niya.
"Hay, nako! Sa'yo pa lang, ubos na order ko, girl!" Sabay tingin sa kan'ya ng masama.
Napahagikgik naman siya at sabay yumakap sa braso ko.
"Kaya love na love kita e! Alam na alam mo ang gusto ko!" sabay kiliti niya sa aking tagiliran kaya naman napaayos ako ng upo bigla.
Dahil kasi sa pagkiliti niya ay nadale ng braso ang kan'yang boobs na agad nagpainit sa aking pisngi. Damn! Pisngi nga lang ba, man?
"Nambola pa ang palhak!" Kontra ko sa sinabi niya.
Hindi pa siya nakuntento ay hinalikan niya pa ang aking pisngi na nagdulot ng sandali kong pagkatulala. Tila ba nagkaroon ng sariling utak ang aking mga kamay at pinihit ang music player sa aking sasakyan at binuksan iyon upang mawala ang pagkatulala ko.
Damn, man! Parang gusto ko na siya sunggaban ng halik sa ginawa niyang iyon!
"Kadiri ka talagang deputa ka!" sambit ko nang makabawi sa halik niya sa aking pisngi.
Kunwari ay diring-diri ako kaya naman lagi niya iyong ginagawa upang maipang-asar niya. Akala niya ha!
Habang bumabyahe kami ay sinusubuan niya ako ng pagkain pati na ng inumin. Ganyan siya ka-sweet sa akin. Para kaming mag-syota na kung tutuusin. Sanay na sanay na kami sa isa't-isa.
Hanggang sa Makarating kami sa mansion na itinuro sa amin ni Harvey.
"Ang layo pala nito! Halos liblib na ang lugar," sabi ni Abby habang pinagmamasdan ang paligid.
"Oo nga at nakakatakot pa," sambit ko habang lumilinga sa paligid. Madilim pa lang ng umalis kami kaya naman ng makarating kami ay medyo sumisikat na si haring araw, my favorite time.
"Bakla ka lang talaga!" pang-aasar niya.
"Halikan kita d'yan, e!" sambit ko sa baritonong boses na ikinatahimik niya. "Hindutin pa kita d'yan, e!" Hamong biro ko sa kan'ya.
"O sige nga! Ano, ano?" Sabay lapit niya ng labi sa akin na tila ba naghahamon sa akin.
Hindi ko sana gagawin ngunit naakit ako sa kan'yang labi. Kaya naman ng inihinto ko sa tabi ang aking sasakyan ay mabilis pa sa alas kwatro na sinunggaban ko ang kan'yang labi.
Nang mahalikan siya ay nalasahan ko ang labi ni Loiuse. f**k!
Nilamukos ko ng marahas ang kan'yang labi at ipinasok ang aking dila sa kan'yang nakaawang na labi. Ginalugad ng dila ko ang loob ng kan'yang bunganga hanggang sa sensual kong sinipsip ang kan'yang dila. Habang ang isang kamay ko ay kusang pumasok sa loob ng kan'yang t-shirt at humimas sa kan'yang s**o. Damn! Sobrang lambot ng kan'yang s**o, ang sarap paglaruan. Kumibot-kibot tuloy si manoy!
Nang tumigil ako ay naiwan siyang tulala.
"Tss!" Sabay ngisi ko nang makitang tulala siya matapos kong halikan at matapos kong hawakan ang kan'yang s**o.
"Gagu ka talagang bakla ka!" Inis na inis niya akong pinaghahampas nang matapos siya ay dinalaan ko lamang siya.
Nang makarating sa mansion ay agad kaming pinatuloy ng may-ari.
"Maganda umaga ho," bati ko kaagad sa Ginang na nagpatuloy sa amin sa loob.
"Pasensya na ho sa abala pero nandito po kami para dalawin ang aming kaibigan na si Rina," sambit naman ni Abby.
"Ayos lang iho at iha. Gusto ko ng maraming bisita dito sa aming mansion. Bibihira na lang kasi ang nagpupunta rito. Welcome sa aming tahanan," sambit ng nakangiting Ginang.
Naroon si Harvey sa upuan, nang makita kami ay agad itong tumayo. Sabay-sabay na kami na nagtungo sa silid na tinuluyan ni Rina.
"Ikaw na bruha ka! Magkakasakit ka lang, pinili mo pa di-" naputol ang aking mahina pambungad nang makapasok kami sa loob ng silid.
"Ahem..."
Ay, oo nga pala dapat mauna 'yung jowa na bumati. Matapos kamustahin si Rina ay naisipan muna namin bumaba ni Abby kasama si Noah. At eksaktong pagbaba naman namin ay inalok naman kaming mag-almusal ng mama ni Noah. Syempre, pagkain iyon kaya naman hindi na kami nagpapapigil pa. Masaya ang naging almusal namin kasama ang ina ni Noah. Kalog din pala siya kausap, bagets na bagets. Matapos ang almusal dumeretso na kami sa likod ng mansion nila Noah.
Mula rito sa taas ay tanaw na tanaw ko na ang man made lake. Kaya naman hinila ko ang kamay ni Abby at mabilisan kaming bumaba ng hagdanan na gawa sa bato.
"Ang ganda!" anas ni Abby.
"Oo nga, ang ganda!" pagsang-ayon ko sa kan'ya habang nakatitig sa maamo niyang mukha habang nililipad-lipad ang ilang takas ng kan'yang buhok. Wala sa sariling hinawi ko iyon at inilagay sa likod ng kan'yang tenga.
Ngnitian niya ako sabay patalong-talong naglakad patungo sa mga cabana na animo'y isang paslit.
"Alam mo ba, pangarap ko din ang magkaroon ng cabana na malapit sa dalampasigan," nakangiti niyang sambit habang nakatingin sa mga cabana na aming nadadaanan.
"Hayaan mo... pagdating ng panahon, ipapagagawa kita niyan," Sabay hawak ko sa bewang niya.
"Talaga?" Tuwang-tuwa niyang sambit sabay harap niya sa akin.
"Oo, sa paso!" Sabay belat ko sa kan'ya.
"Ah, ganon ha!" Mabilis niyang itinaas ang kan'yang blusa at humawak sa kan'yang sinturon na tila tatanggalin niya iyon.
"Ay, gaga! Maghunos-dili ka! Virgin pa aketch!"
Itinagilid niya ang kan'yang ulo at tumingin ng masama sa akin.
"Ilusyunadang bakla 'to!" Nang makalas niya ang sinturon ay nag-ambang ito na isusuot sa aking leeg ang hawak na sinturon ngunit agad na akong tumakbo ng mabagal.
Syempre, papahabol muna ako sa aking mahal.
Nang mahuli niya ako ay agad kong ipinulupot ang aking mga braso sa kan'yang maliit na bewang. At kaagad binuhat siya na parang sako. Hmm... akala niya ha! Inunahan ko na siya sa pagpulupot ng sinturon sa aking leeg, imbes na sinturon ay siya ang sinampay ko sa aking balikat.
"Hooooy! Ibaba mo akong bakla ka!" Sigaw niya.
"Neknek mo!" Biro ko sa kan'ya.
Ramdam na ramdam ko ang kan'yang matambok na hiyas na nakadikit sa aking balikat. Oh, s**t! Mali ata ang ginawa kong pagkarga sa kan'ya. Bigla tuloy naramdaman ko ang pag-twitch ng aking alaga.
Wala sa sariling hinampas ko pa ang kan'yang p'wetan. Damn! Sobrang tambok din ng kan'yang p'wetan. Kaya maraming lalaki ang naghahabol sa kan'ya. Malaki na ang dibdib pati ba naman ang p'wetan. Pinisil ko pa ng isang beses ang p'wet niya sabay halakhak ko.
"Manyak ka talagang bakla ka!" Sabay pukpok nito sa likod ko na ikinatawa ko lamang.
"Gusto mo bang makatikim ng manyak na bakla?" Paghamon ko pa sa kan'ya.
"Gagu! Ibaba mo na ako, nahihilo na ako!" Ngunit sa halip na ibaba ay pinalo ko ulit ang p'wet nito at naglakad pabalik sa mansyon nila Noah.
Nang makasalubong namin si Noah ay nagtaka ito kung bakit karga-karga ko si Abby.
"Anong nangyari sa kan'ya?" Nakakunot-noong tanong ni Noah.
"May bakanteng silid ba kayo d'yan?"
"Bakit?"
"Parurusahan ko na ito! Masyado ng maraming alam!" Biro ko kay Noah.
"Gagu, re-rapin mo na ba? Doon sa taas sa unang silid," sakay pa nito sa biro ko.
Nakipag-appear pa ako bago umakyat sa taas upang dalhin doon si Abby.
"Hoy! Gagu, saan mo 'ko dadalhin?" Tila may takot na sa boses niya nang sabihin niya iyon.
"Sa kwarto nga! Babaonan na kita!" Biro ko ulit.
"Gago!"
Nang makarating kami sa tamang silid ay agad akong binuksan ang pinto at ini-lock iyon. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Abby. Nang lumapit ako sa kama ay ibinalibag ko siya doon at agad na inibabawan siya habang hawak ang dalawa niyang kamay.
Inilapit ko pa ang aking mukha na halos magdikit ang aming mga labi. Kitang-kita ko ang pamumula ng kan'yang mukha ng gawin ko iyon. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkurap ng mata. Nang tangka ko siyang hahalikan ay pumikit ang mga mata nito na agad kong kinatawa.
"Palhak kang bruha ka! Naghihintay ka din sa halik ko!" Biro ko na bigla niyang ikinagalit.
Natatawa akong napahiga sa kama ng hawiin niya ako. Dali-dali siyang tumakbo at lumabas ng silid. Napailing-iling tuloy ako ng 'di oras.
May gusto na kaya siya sa akin?