Rem's Pov: Hindi ako nakapag-review sa exam dahil pag-uwi namin kagabi ay agaran akong nakatulog sa sobrang pagod na rin. Sinadya ko talaga na agahan ang pasok para naman makapag-review ako sa library. Kaya dumeretso na ako agad sa library at agad naupo nang makakuha ng tamang libro para sa aking aaralin na subject. Hindi pa nga nangangalahating oras ay may umistorbo nasa akin na ikina-badtrip ko. "Hi, Rem!" bati sa akin ng isang kaklase kong babae sa na dito rin pala nagre-review. Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin. Isa siya sa kaklase ko sa isang minor subject. Ano ba 'yan! Bakla na nga ako kumilos, ang dami parin naghahabol sa akin at nagpapapansin, nakakabadtrip na kung minsan. "Hello," bati ko na rin sa kan'ya. "Wala ata si Abby," ngiting-ngiti niyang puna habang lumingon-l

