I. Nagmamasid

3010 Words
MALAKI ang ngisi ni Humphrey nang mauna siyang makarating sa finish line. Isang tropeyo na naman ang maiuuwi niya. Iyon ay dahil sa matalik niyang kaibigan na palaging nariyan para suportahan siya. Pagkalabas na pagkalabas niya sa kotse ay kaagad siyang dinumog ng mga kababaihan para batiin. Pero wala sa mga ito ang kanyang atensiyon. Nasa nag-iisang babae lang na kumakaway mula sa malayo. Nag-thumbs-up siya sa babae habang malaki pa rin ang ngisi. Nakaka-proud na manatalo lalo kapag nandiyan at sumusuporta ang taong mahalaga sa iyo. Bahagya siyang natigilan nang may mahagip na kulay puti ang kanyang mga mata. Nang tingnan niya iyon ay isang babaeng may mahaba at puting buhok ang nakita niya. Hindi makapaniwalang napakurap siya. Pero wala na ang babae nang muli niyang imulat ang mga mata. Kinurap-kurap niya ang mga mata pero hindi na uli niya nakita ang babae. Baka guni-guni lang niya iyon. Itinulak niya sa likod ng utak ang nakita. Muli niyang nginitian si Francheska, ang isa sa mga babaeng napakaimportante sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga nakapaligid sa kanya. Lumapit siya rito at walang seremonyang kinarga ito. Nanlaki ang mga mata ni Francheska at pinalo siya sa braso. “Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!” Tumawa lang siya at pinanggigilan itong yakapin ng mahigpit. Hanggang sa napahalakhak na rin ito. “Paano ba `yan, panalo na naman ako. Nasaan na ang premyo ko?” Tiningnan niya ito ng makahulugan. Itinaas-baba rin niya ang mga kilay habang nakangisi. Inikutan siya nito ng mga mata. Kahit na nagsusuplada ito ay may ngiti pa ring nakaguhit sa labi nito. At iyon ang nagpapalakas ng kanyang loob sa tuwing may mga pinagdadaanan siya. “Wala akong sinabing may premyo akong ibibigay sa iyo.” sita nito sa kanya pero malawak ang ngiti sa mga labi. Halatang-halata ang pagka-proud nito sa kanya na siyang ikinalaki ng ego niya. “Aw, come on. Kahit kiss na lang ang ibigay mo sa `kin.” Sinabayan niya iyon ng pagnguso. Nandidiring itinulak siya ni Francheska. “Tigilan mo nga ako, Humphrey. Para kang sira sa hitsura mo.” “Ang cute ko kaya.” nakangusong saad niya. Umiling-iling ito. Yaring hindi alam ang sasabihin dahil sa kakulitan niya. “Abot hanggang Pilipinas ang ego mo, `tol.” Tumawa siya. Kasalukuyan silang nasa Canada dahil doon ginanap ang car racing event. Maraming lugar na siyang napuntahan dahil nga sa pangangarera niya. Marami na rin siyang nasalihang mga paligsahan. Minsan talo, minsan panalo. Pero mas marami pa rin ang mga paligsahang naipanalo niya. Sa paligsahan niya nakilala si Francheska. Mabilis silang naging magkaibigan dahil magka-vibes sila. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan niyang ito pero hindi niya magawang dumiskarte. Hindi sa torpe siya pero dahil natatakot siya na baka masira ang ilang taong pagkakaibigan nila. Natatakot siya na baka hindi na nila maibalik sa dati ang turingan nila. Alam niyang walang mangyayari kapag takot ang pinairal niya. Pero mas gusto niyang ganito na magkaibigan sila at palaging magkasama kaysa nagtapat nga siya pero magkakahiwalay naman sila. Hihirit pa sana siya nang may mahagip na naman ang mga mata niya. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng babae dahil malayo ito mula sa kinatatayuan niya. Ang mahaba at puting buhok nito ang nakakuha sa atensiyon niya. Totoo kaya ang buhok na iyon? Iyon ang pangalawang pagkakataon na nakita niya ang babae. Pakiramdam tuloy niya ay palagi itong nakatingin sa kanya pero wala naman siyang maramdamang may masama itong balak sa kanya kaya pinapabayaan na lang niya. Baka isa lang ito sa mga tagahanga niya na weird ang taste sa kulay ng buhok. Uso pa naman ngayon ang nagpapakulay ng buhok. May nakasabay nga siyang motorista kanina habang nagpapa-gas ng kotse na kulay ube ang buhok. Pakiramdam tuloy niya ay unti-unting nagiging weird ang mga tao. Ipinilig niya ang ulo. Kung saan-saan na naman napupunta ang imahinasyon niya. Nahahawa na yata siya sa kapatid niyang si Claude na palaging lumulutang sa ulap. Napatuwid siya nang tayo nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa kanya, sa pagkakataong iyon ay parang nanonoot na. Para bang inaanyayahan siyang lingunin ang direksiyon ng nakatingin sa kanya. Pinigilan niya ang sarili pero hindi mawala-wala ang pakiramdam niyang iyon kaya sa huli ay bumigay din siya. Hindi man niya masyadong makita ang mukha ng babae, alam niyang ito ang nagmamay-ari ng mga matang naramdaman niyang nakatingin sa kanya. Sa kung anong dahilan ay nagsitayuan ang mga balahibo niya. Akmang hahakbang siya palapit dito nang marinig niya si Francheska. “Ano pang ginagawa mo riyan? Halika na!” Nilingon niya si Francheska. Nakalayo na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan. Pagbaling niyang muli sa direksiyon ng babae ay wala na ito. Ipinilig niya ang ulo. Baka naman imahinasiyon lang niya iyon. Pero parang totoo talaga. Nararamdaman pa rin niya ang nanunuot na titig ng dalaga. Sumunod siya kay Francheska. “Ano bang nangyari sa `yo at bigla ka na lang natulala r’on?” “Wala. Akala ko lang may nakita ako.” He shrugged and draped his arm on her shoulder. “So, where’s my kiss?” “Dream on, Humpty.” “Franky! Don’t call me that.” “Humpty. Humpty. Humpty.” “Francheska, kapag ako napikon lagot ka sa `kin.” banta niya. Iniikot lang nito ang mga mata. “Palagi ka na lang nagbabanta. Hindi mo naman ginagawa. You’re all bark and no bite, Humpty.” Kumilos si Humphrey ng hindi nag-iisip. Namalayan na lang niya na nasa mga bisig na niya si Francheska at magkasugpong ang mga labi nila. Hindi niya intensiyong gawin iyon pero hindi rin siya umatras. Naramdaman niya ang mga kamay nito sa bisig niya. Ang akala niya ay itutulak siya nito palayo pero umakyat lang ang kamay nito at pumulupot sa leeg niya. Mas lalo niyang nilaliman ang paghalik dito. Nararamdaman niya ang lambot ng katawan nito sa harap niya. He could feel her ample breasts pressing against his chest. He ached and he craved to feel her body tight against his, under him and above him. Naputol lang ang paghahalikan nila nang may marinig silang tumikhim. Francheska jumped away from him like a deer caught in the headlights. He was able to hold back the curse that was on the tip of his tongue. “I—ah, Devon! Anong ginagawa mo rito?” hindi mapakaling tanong ni Francheska sa taong umisturbo sa kanila. Matalas ang tingin at nakasimangot na tiningnan niya si Devon. Matagal na niya itong kalaban. Dahil may gusto rin ito kay Francheska. Palagi sila nitong nagbabanggaan kapag nagkakaharap sila. Hindi niya ito gusto at hindi rin naman siya nito gusto. “Talaga bang kailangang sa public place ninyo iyan gawin?” Inakbayan niya si Francheska nang makita ang pamumula ng mukha nito. “Walang pakialamanan, pare. Nagdadala ka rin naman ng mga babae, ah. At minsan nga ay mas Malala pa ang eksenang ginagawa mo kaysa sa isang simpleng halik.” Totoo naman iyon. Hindi nga niya gusto ang pagmamayabang na ipinapakita nito. Walang kiyeme ito kung nasa public place man ito o wala. Kaya nga bukod sa pagiging karibal nito kay Francheska ay hindi talaga niya ito gusto. Wala na kasi itong respeto sa mga babae. Sumimangot ito at masama ang tinging ibinigay sa kanya. Naramdaman niya ang paghila ni Francheska sa laylayan ng suot niyang damit. “Humpty, tayo na.” Kung wala lang si Francheska roon ay baka inupakan na niya si Devon. Pero ayaw niyang ipakita ang pagiging mainitin ng ulo niya kapag nasa harap niya si Francheska. Hindi sa hindi nito alam ang ugali niyang iyon. Katunayan ay personal na nitong nakita kung paano siya magalit. Pero isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na ipapakita ang bahagi niyang iyon rito nang minsang madamay ito dahil sa katigasan ng ulo niya. Tatalikod n asana sila nang tawagin ni Devon ang pangalan niya. Nilingon niya ito pero hindi pa rin niya binibitiwan si Francheska. “Bakit?” “Sa susunod na maglalaban tayo, tatalunin n akita.” seryosong saad nito. “Hihintayin ko ang araw na iyan.” sabi niya, saka tinalikuran na ito ng tuluyan. Binalingan niya si Francheska. “Paano tayo magse-celebrate?” “Mag-bar-hopping tayo.” * * * * * NAGIGING dalawa na ang paningin ni Humphrey kaya alam niyang lasing na siya. Tumigil siya sa pagsasayaw at sinapo ang ulo nang bigla na lang iyong bumigat. “O, bakit huminto ka?” lasing na rin na tanong ni Francheska. “`Lika, dansh-dansh uli taaaayo. Ooo… jug, jug, jug…” “Lasing ka na.” sabi niya. “Lashing ka ren. `Di lang me.” “Uwi na tayo, Franky. Gusto ko ng matulog.” “Shige, vay!” Ikinawit niya sa balakang nito ang isang braso at hinila ito palayo sa magulong dance floor. Muntik na silang matumba dahil sa biglaang pag-ikot ng paningin niya, idagdag pa ang paghila niya sa bigat ni Francheska. Tumawa ito. “`Di `runong `lakad, Humpty.” “Hindi ka rin kaya marunong maglakad. Kailangan pa nga kitang hilahin.” sagot niya. Nang makarating sila sa parking lot ay hinila niya si Francheska sa kalsada imbes na sa kotse niya. Gusto na talaga niyang magpahinga dahil wala na siyang lakas para patuloy na hilahin si Francheska. Tagaktak na ang pawis niya. “Uy, sakay tayo sa car mo. `Wag natin iwan. Baka `nakaw.” “Hindi pwede. Pareho tayong lasing. Mag-taxi na lang tayo.” Mabuti na lang at medyo gumagana pa ang utak niya dahil pakiramdam niya ay magsa-shutdown na iyon anumang sandali. “Hikaw lang lashing.” “Lasing ka rin.” Muntik na siyang sumubsob sa lupa nang bigla na lang itong dumagan sa likuran niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakahawak sa poste. “Darn! Franky! Lasing ka nga.” Tumawa lang ito at sinabunutan siya. “Hiya! Hindi lang ako sa car racing magaling, Humpty. Pati sa horsey racing.” “Hindi ako kabayo.” “Eh, di sa human racing. Hiya! Hooo.” “Francheska!” gigil na sigaw niya nang sakalin siya nito at kagatin sa tainga. Kaagad na nagpumiglas siya para makawala rito. Dahil abala sa pag-intindi sa lasing na kaibigan ay hindi niya nakita ang humahagibis na kotse. Kung hindi lamang dahil sa kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya ay baka napahamak na silang dalawa. Dahil doon ay nawalang parang bula ang agiw sa isip niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakaupo na sa gilid ng kalsada. Napakatahimik ng lugar na iyon kahit na nga may bar sa likod nila. Humihingal na napatingin siya sa kabilang panig ng kalsada. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng puno. Kulay puti ang mahaba nitong buhok. Nang tingnan niyang mabuti ang mukha nito ay isa lang itong teenager. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Para bang nakita na niya ito noon. “Sino ka?” namalayan na lang niyang tanong niya rito. Hindi sumagot ang dalaga. Tinitigan lang siya nito. Nailang siya sa tagal ng titig nito kaya wala sa sariling napaatras siya. Humakbang ito palapit sa kanya. May natapakan siya sa semento. Nang tingnan niya kung ano iyon ay kaagad na binaha ng pag-aalala ang dibdib niya. Mabilis siyang lumuhod at ikinulong sa bisig si Francheska. “Franky!” Nang haplusin niya ang mukha ng dalaga ay nakahinga siya ng maluwang dahil natutulog lang pala ito. Muli siyang tumingin sa kabilang panig ng kalsada pero wala na roon ang babaeng may puting buhok. At hindi na rin mga kahoy ang nasa harap niya kundi isang restaurant. Kumurap-kurap siya at ang restaurant pa rin ang nakikita niya. Humigpit ang yakap niya kay Francheska. Siguro lasing lang talaga siya kaya kung anu-ano na ang nakikita niya. Sakto namang may humintong taxi sa harap nila. Kaagad siyang sumakay habang kalong pa rin si Francheska. Mariing ipinikit niya ang mga mata nang bumabiyahe na sila. Were those things he was seeing are because he was just drunk?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD