MAPAYAPA ang pakiramdam ni Humphrey habang siya ay naglilibot sa malawak na hardin ng bahay ng kanyang Lola Lucija sa Baler, Aurora. Napapapikit siya sa bawat pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang mukha at katawan. Para siyang ipinaghehele ng hangin. Para bang inaakit siyang ipikit ang mga mata at matulog ng mapayapa.
Matagal na panahon na rin simula noong magkaroon siya ng ganoong pakiramdam. At nakakadama lang siya ng kanoong kaginhawaan sa tuwing nasa bahay siya kanyang abuela. Lalasapin niya ang kapayapaang nararamdaman dahil alam niya na kapag bumalik na siya sa Maynila, magiging magulo na naman ang buhay niya. Unang-una na kapag nakita niya ang mga kapatid. Nai-imagine palang niya ang sermong aabutin niya sa pinakanakakatanda sa kanilang Castillion brothers kinikilabutan na siya.
Nakapikit man ang mga mata ay napangiti siya nang maramdaman ang aninong tumabon sa kanyang mukha mula sa mabining sikat ng araw. Kilala niya kung kaninong anino iyon. Nararamdaman niya.
"Lola, gising po ako." nakangiting saad niya.
"Humphrey, apo ko, hanapin mo." sabi ng kanyang lola sa nanghihinang tinig.
Kumunot ang noo niya sa tono ng boses nito. Ang kapayapaang nadarama niya ay nabahiran ng pag-aalala para sa matanda. "Ayos ka lang po ba, lola?"
Ninais niyang bumangon pero hindi niya magawa sapagkat mayroong malakas na pwersa ang pumipigil sa kanya. Sinubukan niyang labanan ang pwersa pero hindi niya matalo iyon.
Doon na siya nakaramdam ng pagkabahala at pagkataranta nang hindi na marinig pang muli ang boses ng kanyang abuela. Hindi na rin niya ito maramdaman. "Ano po ang ipinapahanap ninyo sa akin, lola?" tanong niya sa nanginginig na tinig. Baka naman naroon lang ang abuela niya sa malapit at tinutukso lang siya.
Ang noo'y maaliwalas na hangin, ngayon ay napalitan na ng lamig na nanunoot sa kanyang kalamnan at yaring tumutusok sa kanyang kaibuturan. Mas lalo siyang kinabahan.
"Lola?! Lola Lucija! Ano po ang nais ninyong ipahanap sa akin, lola?!"
Nagsimula siyang pagpawisan ng malapot dahil sa takot na kanyang nadarama. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari ano mang sandali. Mas lalo siyang nag-panic. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at malapot siyang pinagpapawisan. Sinubukan niyang magsalita pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Walang mangyayari kung magpa-panic siya.
Huminga siya ng malalim, nagbilang ng hanggang tatlo bago pakawalan ang hangin sa kanyang baga. Ginawa niya iyon ng tatlong ulit.
"Lola?!" tawag niya sa abuela nang kumalma na siya.
"Ang susi. Hanapin mo." bulong ng isang tinig sa kanya na nagmumula sa hangin.
Hindi niya matukoy kung ang kanyang abuela ba ang nagsalita dahil kakaiba ang tinig. Boses bata iyon. Hindi bata na walang muwang, kundi, parang binibini. Kakaiba sa boses ng kanyang lola na medyo garalgal na dahil sa katandaan.
"Anong susi, lola?!"
"Hanapin mo ang susi, Humphrey. Huwag mong hahayaang ikaw ay madaya ng iyong sariling mga mata, hijo. Maniwala ka."
Sa wakas ay nagawa niyang imulat ang mga mata at makakilos pero natigilan siya nang makita ang kanyang kinaroroonan. Wala na siya sa bahay ng kanyang abuela sa Baler. Nasa isang kagubatan na siya. At nasusunog ang kagubatang iyon.
Nararamdaman niya ang init ng apoy. Napaatras siya at napasigaw ng walang kasing lakas nang magsimulang umapoy ang kanyang braso. Sa kanyang pagkataranta ay hindi niya namalayang hindi nasusunog ang kanyang balat.
"Tulong! Tulong! Lola!"
Halos manakit ang kanyang lalamunan sa kakasigaw ngunit wala siyang marinig na papalapit na tao. Ang pagniningas lang ng apoy at ang malakas na pagdampi ng hangin ang siyang maririnig sa kagubatan. Ang kanyang mga sigaw ay para bang kinakain ng apoy at kagubatan.
Muli siyang napatitig sa kanyang braso at napasinghap nang makitang patuloy na nasusunog iyon pero hindi naagnas.
"Paanong—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang masilaw siya ng matinding liwanag na nakapagpapikit sa kanya. Iniharang din niya ang nag-aapoy na mga braso sa kanyang mga mata upang hindi iyon sumakit sa sobrang liwanag.
Nang maramdamang humupa na ang liwanag ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga braso at sinilip ang dahilan. Napasinghap siya nang makita ang isang susing nag-aapoy na nakalutang sa ere.
"Hanapin mo ang susi, apo!" bulong ng kanyang abuela sa kanya.
Tinatantsya niya ang bawat hakbang palapit sa susi. Iyon ba ang ipinapahanap sa kanya ng abuela? Hindi niya alam kung para saan ang susi na iyon pero yaring napakaimportante niyon para sa kanyang abuela. Kaya naman desidido siyang makuha ang susi.
Subalit nag-aapoy iyon. Ano ang gagawin niya? Napatingin siya sa nag-aapoy na mga braso. Hindi siya nasusunog at hindi niya nararamdaman ang init ng nasusunog na balat kaya baka pwede niyang hawakan ang nagliliyab na susi? Pero paano kung masunog talaga siya kapag hinawakan niya iyon? Ah, bahala na. Ang importante makuha niya ang susi.
Lumunok siya at kinakabahang inabot ang susi. Sa paglapit ng kamay niya sa susi, wala siyang maramdamang pagkapaso sa kamay niya. May nararamdaman siyang init na bumabalot sa kanyang kamay. Pero nagdadala ng kapayapaan ang init na iyon sa kanyang puso. At maging sa kanyang kaluluwa. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay kaginhawaan, na sa wakas ay nahanap na rin niya ang matagal na niyang hinahanap.
Nang kumuyom ang kanyang kamao palibot sa susi ay napasigaw siya sa sobrang init niyon na para bang sinusunog pati ang kanyang kaluluwa. Ang kaninang kaginhawaang naramdaman niya ay nawalang parang bula. Halos hindi na niya makayanan ang init na iyon. Para bang sinusunog ang buo niyang pagkatao. Pati na ang kanyang kaluluwa.
* * * * *
NAPAKURAP si Humphrey at napatitig sa kanyang kamay na nakahawak sa hawakan ng kawaling pinaglulutuan niya na ngayon ay sunog ng itlog. Ilang segundo muna niya iyong tinitigan bago rumehistro sa kanyang utak na kumukurot-kurot na ang kanyang kamay.
"Ouch!" daing niya at mabilis na binawi ang kanyang kamay. Tumunog ang pagkahulog ng kawali sa nag-aapoy pa ring kalan. Malutong siyang napamura at iwinawasiwas sa ere ang kamay sa isiping mawawala ang sakit niyon.
Napakunot ang noo niya nang makarinig ng tawa mula sa kanyang likod. Masama ang tingin na nilingon niya ang tumawa.
"Seryoso, Humphrey? Matagal mo ng hawak ang kawali, ngayon ka lang nakaramdam ng sakit? At saka nasusunog na iyang niluluto mo uy!" naaaliw na tukso sa kanya ni Francheska.
Noon lang siya tila nagising at nalipat ang tingin sa niluluto. Mabilis na pinatay niya ang apoy sa stove at kinuha ang spatula. Pero kaagad din niyang nabitiwan iyon dahil sa hapding bumalatay sa kanyang kamay. Muli na naman siyang napamura. Bakit ba pinapahirapan siya ng kay aga?
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Francheska, ang kanyang bestfriend. Na sana ay hindi na lang niya naging matalik na kaibigan. Lumapit na ito sa kanya.
Titig na titig siya sa mukha nito nang kunin nito ang kanyang kamay. Kaya naman kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. "Oh, my god! Napasó ka!"
Ni hindi man lang niya naramdaman ang p*******t ng kanyang kamay dahil naaaliw siya sa pagkataranta nito.
Hinampas nito ang balikat niya nang hindi pa rin siya kumilos. Mahina siyang tumawa. Ito kasi ang malakas na tukso pero pagdating sa huli ito rin naman ang labis na nag-aalala. Napaka-cute talaga nito.
Nagpahila lang siya rito at nagpaubaya nang itulak siya nito paupo sa silya sa kitchen counter. Mabilis itong kumilos at kinuha ang emergency kit, saka nilinis ang kanyang sugat. Pinanood lang niya ang bawat kilos nito. Mas lalo siyang nabatubalani sa kagandahan ng kanyang kaibigan nang matitigan ito sa malapitan. Naka-pokus lang ito ang kanyang kamay na napaso.
Hindi siya tinanong ni Francheska tungkol sa halik nila doon sa may race track. Para bang hindi man lang iyon nangyari. It made him feel sad. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila pero gusto rin naman niya na mapansin siya ni Francheska hindi bilang kaibigan kundi bilang isang lalaki. Wala siyang ibang gusto kundi ang maging masaya si Francheska sa tabi niya.
Wala sa sariling inabot ng kanyang kamay ang buhok nitong tumatabon sa mukha nito. Napangiti siya nang masilayan ang napakaganda nitong mukha. Simple lang ang ganda nito, hindi pang modelo pero ang kasimplehang iyon ang nagustuhan niya rito maliban sa napakabuti nitong puso.
Napakurap-kurap siya nang pinitik nito mga daliri sa harap ng kanyang mukha. He looked at her questioningly while also berating himself for thinking too much.
"Hoy! Ano'ng inginingiti-ngiti mo riyan?" Nakasimangot na tanong nito, magkasalubong ang mga kilay.
"Huh? Nakangiti ba ako?" Nalilitong tanong niya.
Mas lalo lang itong napasimangot dahilan upang magbalik siya sa tamang huwisyo. Doon na rin niya sa wakas naramdaman ang mahapding pagpintig sa kanyang kamay.
Napangiwi siya at napatingin sa kanyang kamay. Pero natigilan siya nang mapagtanto na parang may nabubuo sa gitna ng kanyang palad. Napakunot ang noo niya at tinitigang mabuti ang kanyang palad. Pamilyar sa kanya ang paso sa palad. Hindi nga lang niya matukoy kung ano.
"Ang weird, `di ba?" sabi ni Francheska.
"Weird?" ulit niya sa sinabi nito.
Kinuhang muli ni Francheska ang kanyang kamay at t-in-race ang paso niya. "`Kita mo `to? Hindi ba nagfo-form siya ng susi?"
"Susi..." bulong niya.
Susi? Bakit parang may kakaiba siyang nararamdaman sa salitang "susi"? Para bang may kung anong humahatak sa kanya sa "susi." Pero hindi naman niya maalala o matukoy kung ano iyon.
Muli siyang napatitig sa kanyang palad at totoo nga. Hugis susi ang paso niya. Bumilis ang t***k ng puso niya. May nararamdaman siyang importante sa "susi" pero hindi nga niya matukoy kung ano. Muli siyang napatitig sa palad. Ikinuyom niya ang palad para mahimas ng kanyang mga daliri ang paso.
"Well, linisin na natin ito." sabi ni Francheska at hinipan ang kanyang palad.
Napatitig siya sa mapupulang labi nito at kahit hindi kinakailangan ay nakaramdam siya ng init sa kanyang puson. He mentally cursed and shifted a little in his seat. Pinagpapawisan siya sa rumi ng kanyang isip.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Francheska, may tono ng pag-aalala sa boses nito.
Tumango siya, hindi magawang magsalita. Hindi siya nag-aalala sa paso niyang iyon. Malayo naman iyon sa bituka at hindi siya mamamatay dahil lang doon. Mas nag-aalala siya na baka marinig nito ang bilis ng t***k ng kanyang puso at mahalata nito ang namumuong pagkabuhay ng kanyang katawan.
"s**t!" mahina niyang mura sa sarili. Minsan gusto niyang iumpog sa pader ang ulo niya para matauhan siya.
Ngumisi naman ito. Nagniningning ang mga mata halatang may naiisip na namang itukso sa kanya. "Don't tell me hindi mo makayanan ang sakit?"
"Shut-up, Franky and hurry it up. May race pa tayo." masungit niyang utos dito. Dahil kung hindi siya magsungit baka kung ano ang masabi niya na pagsisihan lang niya sa huli.
It has been a week since the incident in the bar. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya iyon makalimutan. Napakahiwaga kasi ng pangyayaring iyon. Lalo na iyong babaeng may puting buhok. Hindi na iyon mawala sa isip niya nitong mga nakaraang araw. Kahit kasi sabihin niya sa sarili na kathang-isip lang iyon ay nananaig pa rin ang pakiramdam niyang hindi lang iyon basta gawa lang ng isip niya.
Iningusan siya ni Francheska. "Tse! Ikaw na nga itong ginagamot, ikaw pa `tong kung sino makapag-utos. Iwan kaya kita rito?"
Pinisil niya ang may kaliitang ilong nito. Kapag ganitong naiirita na ito, mabilis naman siyang tumitiklop. Francheska knew that and she was taking advantage of it everytime. Alam naman niya iyon pero hinahayaan lang niya. Iba talaga kapag mahal mo. Kung iba ang gumawa niyon sa kanya baka minura na niya hanggang sa kabilang buhay. "Come on, sorry na. Nang-aasar ka na naman kasi eh."
Tinabig nito ang kamay niya. "Humphrey ah! Magtigil ka sa kakapisil diyan sa ilong ko. Ang liit na nga niyan, pinagdidiskitahan mo pa."
"Ang cute kasi eh."
Francheska send daggers to him by glaring and he just raised his uninjured palm as a means of surrender while chuckling. That's how they fight. Pero alam niyang magbabati rin silang dalawa. Kung hindi niya ito kayang tiisin, hindi rin naman siya nito kayang tiisin kapag siya na ang tinutupak.
Alam naman kasi niyang sa bandang huli ay siya rin ang hihingi ng paumanhin dito. Hindi kasi talaga niya matitiis ang babaeng mahal niya.