NATHALIE'S POV
Pagkagising ko wala si Clyde sa tabi ko. Tumayo ako at dumeritso sa cr. Habang papunta ako ng cr naalala ko na naman yung panaginip ko. Grabi! First time pa lang ako nanaginip ng ganon katindi.
Pagkatapos ko nag toothbrush dumeritso na ako sa kwarto ng kambal. Kinuhanan na din namin ng yaya ang kambal dahil hindi namin sila mabantayan ng 24 hours. Dalawa ang kinuha ni Mommy. Kasi kapag isa daw yung kinuha, mahihirapan lang daw yung magbabantay.
"Where's Chase?"-Tanong ko kay Kim at Kimi, pangalan ng nagbabantay kila Chase. Bale' mag kapatid yung kinuha ni Mommy.
"Nasa kusina po sila ni Sir Clyde."-Linapitan ko si Clylie na tulog pa. Ang laki na nila, ilang linggo na lang Mag iisang taon na sila ng kambal niya.
"Sige, teka nag almusal na ba kayo?"-Tanong ko sa kanila.
"Nag kape na po kami kanina."-Sabay ngiti nilang dalawa.
"Okay, kayo muna bahala kay Clylie. Bababa lang ako."-Paalam ko sa kanila.
Pagkababa ko may naamoy akong mabango.
"Papa!"-Nagulat na lang ako ng nag tawag si Chase. Mas lalong nagulat si Clyde at lumapit pa siya kay Chase.
"Ulitin mo nga baby!"-Sabi ni Clyde na tuwang tuwa.
"Ma-ma!"-Bigla siyang tumingin sa pwesto ko. Tuwang tuwa siya ng makita ako, hindi ako makapagsalita dahil ito ang unang tawag niya sa amin!
"Babe! Tinawag tayong Papa at Mama!"-Halos mapalundag si Clyde sa tuwa. Ngiting-ngiti naman ako. Nakakatuwa lang na first time kang tawagin ng anak mo.
"Galing galing!"-Sabay palakpak ko.
"Babe nagluto pala ako ng pancake."-Sabay lapag ng pancake at may honey sa ibabaw.
"Thank you."-Pagkasabi ko agad kong kinain.
Ding.Dong.Ding.Dong
"Ako na mag bubukas."-Sabi ko sa kanya. Agad akong naglakad papunta pinto. Sino kaya yon? Ang aga pa lang, tsaka imposible na sila Dake to.
Pagkabukas ko nabigla ako sa nakita ko.
"Lala?"
"Oh nagulat ba kita?"- Tanong niya umiling' ako saglit.
"P-pasok po kayo Lala."-Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Clyde! Nandito si Lola!"-Sigaw ko.
Pinaupo ko muna si Lala...
"Hi Lola!"-Bati ni Clyde na dala--dala si Chase.
"I-ito ba ba yung anak niyo?"-Halos di makapaniwala si Lala sa nakikita niya.
"Opo."-Agad siyang tumayo at lumapit kila chase.
"Halika, sama ka sa akin apo."-Napangiti kaming dalawa ni Clyde ng tawaging Apo si Chase. Sumama agad si Chase kay Lala.
"Lo-lola!"-Mas lalo kaming napangiti dahil tinawsg niyang Lola si Lala.
"Ah Nathalie pwedi ba tayong mag usap?"-Tanong ni Lala sa akin.
"Oo naman po Lola, tungkol po saan?"-Tanong ko, umupo muna kaming tatlo.
"Tungkol sa pagkamatay ng Nanay mo."-Bigla akong kinabahan.
"Nahuli na po ba yung pumatay kay Mama?-Agad kong tanong.
"Sa ngayon hindi pa. Nagpainvestigate pa din kami, sabi ng investigator nandito daw sila sa pilipinas. At may dalawa siyang anak Lalaki at Babae. Kasing taon mo lang yung babae."-K-kasing taon ko? Hinintay ko lang magsalita uli sa Lala.
"Pero patay na daw yung pumatay sa Nanay mo. Yun palang' sumagasa sa Mama mo ay may gusto sa Daddy mo. Siguro ganon siya kadisperada. Sinadya niya talagang sagasaan ang Mama mo."-Napapalunok na lang ako.
"Nabalitaan din namin na yung anak niyang lalaki ay namatay na din. Basta yun lang ang sinabing balita sa akin ng investigators."-Napapaisip na lang ako.
"Edi' yung babae na lang po ang buhay?"-Di na mapigilan ni Clyde ang magtanong.
"Yes, teka may litrato ako ng anak niyang babae."-Agad na inilabas ni Lala ang isang envelope.
"Nandiyan din lahat ng profile nila."-Nanginginig ako habang inilalabas ko ang mga papel sa envelope.
R-reyes? Ang apelyedo ng pumatay sa Mama ko? Lalo akong nanginginig sa susunod na nakita ko.
Totoo ba to?
Ang anak niyang babae ay kundi si Kara Davina Reyes. At yung nabanggit ni Lala na Nasagasaan ay yung kapatid ni Kara na pinaghihigatihan niya ngayon? Tinignan ko si Clyde.
"Babe... ang natitirang anak ng pumatay kay Mama ay si Kara Davina Reyes."-
~~~~~~