NATHALIE'S POV
"Seriously?"- Gulat na gulat sila Dake ng sinabi kong Si Kara ay babaeng anak ng pumatay sa Mama ko. Mula ng pinagusapan namin ni Lala, iniisip ko kung paano nangyari lahat to.
Lahat ng may pakana ay si Kara Davina Reyes. Bakit niya ginagawa to' sa amin? Naiingit ba siya? Dahil walang nagmamahal sa kanya?
"Yes."-Sagot ko sa kanila.
Bigla na lang sumakit ang ulo ko, dahil siguro sa kakaisip.
"Mam! Si Clylie po ang taas ng lagnat!"-Sigaw ni Kimi kaya agad kaming umakyat papunta sa kwarto niya. Natatakot ako...
Agad ko siyang hinawakan, at sobrang init niya.
"Dalhin na natin siya sa Hospital!"-Sigaw ko, at agad kaming bumaba para makaalis na agad.
"Blythe! Kayo muna bahala kay Chase!"-Sigaw ko at sumakay na ng sasakyan.
"Baby, pupunta tayo ng Hospital. Okay?"-Kahit na natatakot ako linalakasan ko lang ang loob ko. Iyak lang siya ng iyak.
Kasama namin ngayon si Dake at siya ang nag dri-drive. Hanggang sa makarating kami ng hospital, agad na tumawag si Clyde ng Doctor.
"Ano po nangyari kay baby?"-Tanong ng isang nurse.
"She's sick!"-Agad na sabi ni Dake.
"This way Mam."-Agad niyang pinahiga si Clylie. Dumating din agad ang Doctor. Chineck yung dibdib niya.
"Di siya gaano makahinga,kaya mas mabuting lagyan natin ng Oxygen si Baby."-Sabi ng Doctor. Um-oo si Clyde at ako naman ay nasa gilid ni Clylie.
"Baby, gagaling ka din okay?"-Bulong ko sa kanya na patuloy siyang umiiyak.
Linagyan siya sa ilong ng wire, oxygen.
Mga ilang oras tumahimik na siya sa kakaiyak niya. Ang hirap tignan na ang anak mo ay may sakit. Ang sakit tignan na yung anak mo namimilipit ng sakit.
"Okay na daw siya babe, bumaba na yung lagnat niya."-Sabi ni Clyde. Kanina pa ako nakatulala.
"Gusto mo bang makapagpahinga?"-Tanong niya sa akin.
"Dito na lang ako."-Sabi ko, at medyo inaantok na din ako. Isinandal ko ang ulo ko kay Clyde. Bahala na kong makatulog, basta nandito lang ako sa tabi ni Clylie.
~~~
Nagising ako ng marinig ko si Mommy.
"Anak, kamusta na lagay niya?"-Tanong ni Mommy kay Clyde.
"Okay na po siya, bumaba na din yung lagnat niya."-Kinusot ki ang mata ko saka tumayo.
"Princess? Are you okay?"-Tanong uli Ni Mommy.
"Im okay."-Tipid kong sagot kahit na sumasakit yung ulo ko at medyo gutom.
Hanggang ngayon tulog pa din si Clylie. Naisipan kong lumabas, para magkape saglit.
"Babe? Where are you going?"-Lalakad na sana ako para lumabas ng magsalita si Clyde.
"Mag kakape Babe."-Sagot ko.
"Samahan na kita Babe."-Nag nod ako at sabay kaming lumabas.
Lumabas kami ng sabay, at hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ko alam kong bakit nanlalabo ang paningin ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"Babe coffee or mocha?"- Di ko namalayan nandito na pala kami sa coffee vending machine.
Di ko na talaga kaya, nanlalabo na yung paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
~~~