CLYDE'S POV Alam kong lalaban siya. Kilala ko si Nathalie di sumusuko yon. Matapang ang asawa ko at di basta basta sumusuko. Bago ko pa tuluyang puntahan sila pinunasan ko muna ang luha ko. Alam kong ayaw akong makita ni Nathalie na umiiyak. Ayaw na ayaw niya. Pagdating ko dun sa Emergency Room agad tumingin sa akin sila Daddy. "Anak!"-Bigla akong yinakap ni Mommy at agad siyang humagulgol ng iyak. "B-buhay s-siya."-Pagkasabi niya para akong nabuhayan! Yun bang lanta na bulaklak pero biglang nabuhay? Bumitaw si Mommy sa pagkakayakap sa akin at hinayaan niya akong silipin si Nathalie. "Babe..."-Bulong ko sa pangalan niya dahil bumalik yung heartbeat niya. "Salamat, Lord."-Dagdag ko. May Doctor na lumabas at tinawag kami. "This is a miracle."-Sabi niya. "Akala namin tuluyan

