15 Years Ago.... NATHALIE'S POV Makalipas na ilang taon yung nangyari sa amin. Yun talaga ang pinaka mas matinding nangyari sa Pamilya ko. Pangako ko sa sarili ko di na mangyayari sa amin yon. Hindi na. Masaya din kami ni Clyde dahil malaki na sila Chase at Clylie. Si Chase sa akin lagi nakabuntot at si Clylie naman na kay Clyde sila lagi ang magkasama. Sila Jake at Blythe kasal na at may anak na. Babae yung anak nila at tatlong taon ang pagitan ng anak nila sa kambal. Si Six at Selena ayon' sila pa din pero wala pang kasal. Si Vivian naman nasa state at don siya nagsimulang nagkatrabaho. Pero tumatawag din siya sa amin ni Blythe. Tsaka si Rex hindi ko na nakita mula ng naging okay na ang lahat. Gusto ko sanang magpasalamat pero di ko na siya nakita. Nangako na din ako kay Clyde n

