bc

BILLIONAIRE RED CASTELLEJOS

book_age12+
531
FOLLOW
2.6K
READ
billionaire
revenge
possessive
fated
dominant
goodgirl
powerful
sweet
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Dont wear clothes that show off your skin.simula ngayon ayokong nagsusuot ka ng mga seksing damit lalong lalo na pag wala ako.dont you know you belong to me now?every inch of you belongs to me.youre mine.all mine.you understand?"

Red Castellejos a successful and wealthy business magnate!a heir to Castellejos group!one of the most powerful and most influential families in the country!he is rude,stubborn and distrustful to anyone.he thinks money can solve everything!lahat kaya nitong gawin sa isang pitik lang ng kamay nito!the handsome,the arrogant and the most dangerous billionaire youll ever met!

Jamie Salvacion a working student and a breadwinner for her family.she is in her final year as a medical student kaya naman kinakailangan niyang kumita ng mas malaki!kaya kung saan mi bakanteng trabaho at kung saan mi mga job openings ay naroon din si Jamie!

Sa pagkrukrus ng landas ng dalawa sa isang fashion event kung saan mali ang pinasukang pinto ni Jamie at aksidente itong rumampa sa runway suot ang red two piece bikini and Red Castellejos is sitting on the front row!

After that event,things started to change for Jamie!dahil nagising na lamang itong nasa napakalaki at napakagarang silid na ito ng binata!and Red Castellejos gave her an offer she couldnt refuse!----to be his playmate in bed!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"haist!!sa wakas nakarating din!"hinihingal na sambit ni Jamie! Napabuga ng hangin si Jamie pagdating na pagdating nito sa mismong harapan ng hotel!kadarating lang ni Jamie sa hotel kung saan magpapart time ito bilang isang event staff o waitress kasama ang kaibigan nitong si Nikki! Ilang buga pa ng hangin bago ito nagpasyang pumasok sa loob ng isa sa pinakasikat at pinakaglamorosong hotel sa Pilipinas! Papasok na sana ito sa loob ng bigla namang tumunog ang phone nito!ang matalik nitong kaibigang si Nikki ang tumatawag! "hello Nikki?"si Jamie! "Jamie asan ka na ba ha?sabi mo susunod ka kanina,kaya nauna na lang ako rito!asan ka na ba?"si Nikki sa kabilang linya! "andito na ako sa hotel.sorry naman----alam mo namang nagtitipid ako ngayon di ba?kaya naglakad ako mula sa babaan ng jeep hanggang dito sa hotel.siya pa kasi yun pamasahe ko noh!"paliwanag naman ni Jamie! "oh sige na bilisan mo na!nga pala ..yun binigay kong envelope dala mo ba?hindi ka papapasukin dito kung hindi mo dala yun..ano dala mo ba?"si Nikki! "oo dala ko!siya siya sige na..papasok na nga ako loob."si Jamie! "okay sige bilisan mo."si Nikki! Agad namang pinatay ni Jamie ang phone nito!malapit na ito sa bungad ng pinto ng hotel ng mabangga nito ang isang babae!nagkalat ang laman ng bag ng babae!nabitawan din ni Jamie ang hawak nitong puting envelope! "ouch!!!!ano ba?!!!"mataray na sambit ng babae na agad pinagpupulot ang nagkalat nitong gamit!sa di inaasahan iba ang nadampot ng babae na puting envelope!may puting envelope din kasing dala ang babae! Hindi naman iyon napansin ni Jamie! "pasensya na----hindi ko sinasadya."sabi na lamang ni Jamie rito!agad nitong tinulungan ang babae sa pagdampot ng mga nagkalat nitong mga gamit! "sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo ha?!wag kang tatanga tanga!"mataray pang sambit ng babae bago ito umalis! Hindi na lamang pinatulan ni Jamie ang pagtataray ng babae dahil siya naman itong mi kasalanan! Madali na lamang tinungo ni Jamie ang entrance ng hotel!agad nitong kinuha ang laman ng puting envelope at ipinakita sa security guard! "excuse me kuya..ahm saan ba banda to?"tanong ni Jamie sa isa sa mga security guard na naroon! "ah sa kaliwa po yan maam..sundan niyo na lang po yung mga pulang arrow!makikita naman po yun sa pinto..nakasulat naman po dun.."ang guard! "ai sige po kuya..salamat ha!"nakangiting si Jamie! "walang anuman po maam.."ang guard! Pagkatapos ngang kausapin ni Jamie ang guard ay madali na itong naglakad patungo sa sinabing direksiyon ng guard! "hmmm...Summer Runway 2017?"kunot noong basa ni Jamie sa card na hawak nito! Kakaliwa na sana ito ng bigla itong napatigil!nanlaki ang mga mata ni Jamie ng biglang nagsitakbuhan ang mga tao patungo sa gawi nito!parang dudumugin ata siya ng mga ito! Napapikit at hindi na nagawa pang makaalis ni Jamie sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkagulat! Ilang segundo ring nakapikit si Jamie!tila hinihintay nito na dumugin siya ng mga tao! hanggang sa bigla ring nagmulat ito ng kanyang mga mata dahil nilagpasan siya ng mga ito! Tila nakahinga ng maluwag si Jamie!agad itong napalingon sa mga hindi magkandaugagang mga press at mga reporter! Mayamaya pay ilang mga kababaihan naman ang nagsitakbuhan sa gawi ni Jamie!nabitawan na naman tuloy nito ang hawak niyang card! Agad na dinampot ni Jamie ang card!akmang tatayo na sana ito ng napansin nitong nakalas ang pagkakasintas ng kanyang sapatos kaya agad nitong inayos ang pagkakasintas nito! ~~~~ Samantala pagkababa na pagkababa ni Red Castellejos ng sasakyan ay agad siyang dinumog at pinagkaguluhan ng mga press at ilang mga babae! Seryoso at pormal ang mukha ng binata!tila wala itong pakialam sa mga nagkakagulong mga tao sa kanyang paligid!patuloy lang ito sa paglalakad papasok ng hotel! Mabilis na pumasok si Red sa loob ng hotel!ang ilan sa mga press ay hindi na pinapasok pa sa loob! Ang ilan namang mga press at reporter ay nasa loob ng hotel kung saan inaabangan din ng mga ito ang binata!kaya pagkapasok na pagkapasok ni Red sa loob ay agad na naman siyang pinagkaguluhan ng mga ito!isama pa ang mga nagseseksihang mga babae na patay na patay sa kanya! Nagpatuloy sa paglalakad si Red!hanggang sa biglang naagaw ng kanyang pansin ang isang babae na nagtatali ng sintas ng sapatos! Napatigil sa paglalakad si Red ng matapat ito sa kinaroroonan ng babae! Kunot noo at nagsalubong ang dalawang kilay nitong tinapunan nito ng tingin ang babaeng nagtatali ng sintas ng sapatos! Mi kung ano namang inis na naramdaman si Red sa babae!tila nasagi ang ego nito! Ito lang kasi ang bukod tanging babaeng nakita nitong hindi man lang ata nagkakandarapang makita siya at walang pakialam sa pagdating nito!hindi tulad ng iba na halos himatayin at halos maghubad na sa kanyang harapan mapansin niya lang ang mga ito!pero itong babaeng to mas inuna pa talaga nitong magsintas ng sapatos! Lalong nangunot ang noo ng binata ng mapansing nanlilimahid sa dumi ang suot na sapatos ng babae! "tssk!"nandidiri at inis namang turan ng binata!agad nitong binawi ang tingin nito at kunot noong naglakad patungo sa elevator! ~~~~ Pagtayo naman ni Jamie ay likuran na lamang ng binata ang kanyang nasilayan! "sino kaya yun?"curious na si Jamie habang sinusundan nito ng tingin ang pinagkakaguluhan ng mga reporter!hindi kasi nito nakita ang mukha ng lalaki kanina! Mayamaya pay napadako muli ang tingin ni Jamie sa puro putik at nanlilimahid sa dumi nitong sapatos!ngayon lang nito napansin!malamang nakuha nito ang mga putik ng dumaan ito kanina sa loob ng palengke!mas mapapabilis kasi ito kung doon siya dadaan! "nako naman!bat ba ang malas malas ko naman ata ngayon?"usal ni Jamie sa sarili! Nagpatuloy na lang muling kumaliwa si Jamie sa direksiyong sinabi kanina ng security guard!hanggang sa makita na rin nito ang kanyang hinahanap! Kakatok na sana si Jamie sa pinto ng walang ano anong bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae! "excuse me miss?dito ba to?"agad na tanong ni Jamie sa babae!ipinakita rin  nito agad ang hawak nitong card! "oo girl!pumasok ka na sa loob!kanina pa nagbubunganga ang baklitang Carlitos sa loob!sige ha rest room muna ako!pasok ka na."sabi naman ng babae kay Jamie bago ito umalis! "okay sige salamat ha?"nakangiting si Jamie! Madaling pumasok sa loob si Jamie!natuon ang paningin ng lahat sa kanya! Mayamaya pay agad siyang nilapitan ng isang lalaki!malambot ang galaw ng lalaki at mi pakembot kembot pa sa lakad nito!malamang ito yung baklitang sinasabi ng babae kanina! "miss ano yun?mi kailangan ka?!"mataray at maarteng tanong ng baklita kay Jamie!! Agad namang ipinakita ni Jamie ang hawak nitong card!napataas ng kilay ang baklita! "youre late!"taas kilay na sambit ng lalaki! Agad namang humingi ng sorry si Jamie!"p-pasensya na po sir--errr--maam?"si Jamie! "fine fine!guys ayusan niyo toh!bilis!go go!double time!"maarteng sambit pa ng baklita! Hindi naman magkandaugagang nilapitan siya ng ilan pang bakla na naroon!agad siyang pinaupo ng mga ito sa harap ng salamin! I "hmm..gorgeous!gustong gusto ko ang beauty mo dear!!wag kang mag alala mas lalo pa kitang pagagandahin!"puno ng papuring sambit ng baklita kay Jamie! Napangiti na lamang si Jamie sa sinabi ng baklita! Hinayaan na lamang ni Jamie na ayusan siya ng mga ito!halos isang oras ding inayusan si Jamie! "ganito ba talaga dito?"di makapaniwalang tanong ni Jamie sa nag aayos sa kanya! "oo naman dear noh!lagi naman diba?para ka namang baguhan!hahaha"ang baklita! "haha!hindi naman sa ganon.hindi lang ako sanay na mi nag aayos sakin..ako lang kasi ang nag aayos sa sarili ko...tsaka sanay na sanay na ako sa mga ganitong trabaho.."paliwanag naman ni Jamie!ang tinutukoy naman nito ay ang pagiging waitress! Mayamaya pay bumalik na naman ang baklitang si Carlitos! "oh ano tapos na ba?"si Carlitos! "tapos na Carly!siya na ata ang pinakamagandang inayusan ko ngayong gabi!oh anong say mo?"ang baklita!agad nitong iniikot ang upuan ng dalaga para iharap ito kay Carlitos! Napataas kilay ang baklang si Carlitos! "tumayo ka dear!"ang baklita! Agad namang tumayo si Jamie!hinagod naman siya ng tingin mula ulo hanggang paa ng baklitang si Carlitos! "perfect!yung isusuot mo na lang ang kulang!Gretta ibigay mo na yun  susuotin niya!"mataray pa ring si Carlitos!tila nainggit ang bakla sa kagandahan ni Jamie! Agad namang iniabot ng isang babae ang isang box rito! "kayo na ang bahala jan.dapat okay na yan pagbalik ko!siya na ang susunod na sasalang!juice ko!naiistress ako sa inyo!"maarteng turan ni Carlitos! Mayamaya pay mi kinuha pang isang box ang babae! "alisin mo na yang sapatos mo dear at ito ang isukat mo."sabi nito sabay abot ang isang pulang sapatos kay Jamie! Nanlaki ang mga mata ni Jamie ng makita ang sapatos!napakatulis at napakataas ng heels ng sapatos! "napakataas naman niyan!pwede bang yung flat na lang?kailangan ba talagang magheels?"si Jamie! "oo naman dear!sige na kunin mo na ang mga ito at magbihis ka na!mamaya babalik na naman si Carlitos at magbubunganga na naman yun." Kinuha na lamang ni Jamie ang pulang sapatos at ang box na ibinigay sa kanya at agad nagtungo sa fitting area! Madali nitong binuksan ang pulang box na ibinigay sa kanya! Napamaang si Jamie ng makita ang laman ng box!isang pares ng pulang bikini ang laman ng box! "b-bikini?"gulat at mahinang usal ni Jamie! Madaling lumabas si Jamie at ibinalik ang box sa babae! "excuse me.. nagkamali ka ata ng ibinigay sakin na uniform.."si Jamie!iniabot nito ang box sa babae! Takang taka namang kinuha ng babae ang box at tinignan ang laman ng box! "eh miss ito talaga yun susuutin mo."ang babae! "ha?!"gulat na si Jamie! "miss kunin mo na toh at magbihis ka na..ikaw na ang susunod!"pagmamadali naman ng babae! Mayamaya pay bigla namang tumunog ang phone ni Jamie!si Nikki ang tumatawag! "bakit nga ba hindi ko naisip na tawagan si Nikki kanina?"si Jamie sa isip isip nito!agad nitong sinagot ang phone! "hello Nikki?"si Jamie! "oh ano nang nangyari sayo?akala ko ba nasa hotel ka na?isang oras ka ng late ah!asan ka na ba ha?"si Nikki sa kabilang linya! "andito na ako noh!magbibihis na lang ako!bess hindi ko ata kayang magsuot ng bikini!bakit hindi mo naman sinabing ganito pala dito?!ang taas taas pa nitong heels na ipinapasuot sa akin!napakaarte naman nitong hotel na toh!"si Jamie! "anong bikining pinagsasabi mo jan ha bruha!loka loka!san ka naman nakakita ng naka-bikini sa 18th birthday party ha?hahaha!"hindi na napigilang mapatawa ang kaibigan nitong si Nikki! "birthday party??"gulat na tanong ni Jamie! "oo noh!diba sabi ko kanina sa birthday party tayo raraket ngayon?asan ka na ba ha?ano pupunta ka pa ba dito oh ano?"si Nikki! "Niks!!!!mali ata yun pinasukan ko!"kinabahan ng si Jamie! "anong mali?!diba dala mo naman yung envelope na ibinigay ko?yun lang naman ang ipapakita mo noh!---kasi naman eh!! sabi ko kanina magsabay na tayong pumunta rito!"si Nikki! "malay ko sayo noh!ikaw nagbigay nun card sakin!dito nga ako itinuro ng guard kanina!"si Jamie! "sandali nga...ano bang nakasulat sa card ha?!"si Nikki! "summer runway 2017"agad namang sabi ni Jamie! "OMG bess!wag mong sabihing nasa fashion event ka????ang pagkakaalam ko my fashion event ring gaganapin!dito rin mismo sa hotel!"gulat na si Nikki! "anoh?!!"napalakas na sambit ni Jamie! Halos mapatingin naman ang mga tao sa loob kay Jamie!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook